Alice
Natapos ang isang linggo na hindi na ako muling kinausap pa ni Raven. Maging ang bigyan ako ng tingin ay hindi na rin nito ginagawa, iyong mga pangungulit nito at nakakaasar na pagbati sa umaga ay wala na rin.
Naging masungit ito sa akin at halatang iniiwasan talaga ako. Magkatabi parin naman kami sa classroom, ngunit ramdam ko na iba na ang awra nito kaysa sa dati.
Mas mahirap na siyang lapitan ngayon, na tingin pa lamang nito ay alam mong naghahatid na ito ng panganib.
Ayoko naman na unahan siya ng pansin. Baka kasi isipin nito masyado akong nagpapapansin. Ayoko rin na magtanong, dahil baka hindi rin ako nito sagutin.
Naging tahimik na ito at hindi gaya noong unang linggo ng pasukan na palagi akong kinukulit.
Napansin ko rin na mas lalong lumala ang pagiging bulakbol nito sa klase. Madalas pa nga eh, nag cucutting class ito. At madalas, ako lamang ang gumagawa ng mga activity na dapat ay sana dalawa kami.
Mabuti nalang dahil nakakayanan ko parin na gawin ang lahat nang mag-isa kahit na wala ang anumang tulong o ideya na galing sa kanya.
Ganoon talaga siguro. Madalas, may mga estudyanteng katulad niya na makikilala natin.
Hindi ko maintindihan, dahil ang buong akala ko ay magiging isang ganap na magkaibigan na kami. Pero hindi pala. Dahil hindi iyon nangyari.
Tandang-tanda ko pa ang mga nangyari noong nakaraang Sabado sa library. Hindi ko malilimutan ang kakaibang kilos na ipinakita nito sa akin. Akala ko...basta na lamang niyang makukuha ang first kiss ko.
Akala ko noon, kapag nasa ganoong sitwasyon ka eh madali lamang ang tumakas, o ang makawala. Pero hindi pala, dahil oras na nandoon kana sa ganoong sitwasyon, mapapatulala ka na lang bigla na para bang hinihigop ka ng kanyang mga mata. Hindi mo magawang ikilos ang iyong katawan at ang tanging magagawa mo lamang ay ang hintayin ang paglapat ng mga labi niya.
Mabuti na lamang...hindi niya iyon itinuloy.
Ngunit dahil sa nangyari na iyon, simula noon, nagbago na ang lahat. Nagbago si Raven ng pakikitungo sa akin at iyon ang hindi ko maintindihan.
Katatapos ko lamang sa pagkain ng pananghalian, noong agad kong iniwanan ang aking mga kaibigan. Para habulin si Raven dahil nakita ko itong nagmamadaling lumabas ng Canteen.
Nakarating ito sa parking lot kung nasaan ang kanyang kotse. Mayroon din itong kausap sa kanyang telepono na animo'y seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
At nang matapos na sila sa kanilang pag-uusap ay mabilis na napalingon ito sa aking direksyon. Kahit na gustuhin ko pa man ang magtago ay hindi ko na nagawa pa dahil huli na.
Napatikhim ako habang napapakamot sa aking batok. Dahan-dahan din na inihakbang ang aking mga paa papalapit sa kanya, habang ang kanyang mga mata naman ay tahimik lamang na pinanonood ako.
Walang emosyon ang kanyang mga mata nang tuluyan akong huminto sa kanyang harapan. Tahimik lamang din na tinignan ko ito ng mataman sa kanyang mukha. Noon naman muling bumalik sa aking isipan ang mga nangyari noong araw na iyon. Lalo na ang pag walk out nito.
"May gusto ka ba sa akin?" Diretsahan na tanong ko sa kanya na maging ako ay nagulat din at hindi alam kung saan ko ba nakuha ang mga salitang iyon.
Pero wala akong sagot na nakuha mula sa kanya. Maging ang expression ng mukha nito ay ganoon parin, hindi nagbabago. Tila ba isa siyang robot na walang emosyon.
Kaya naman agad na napatawa ako ng may pagka alanganin upang tanggalin ang awkward na namamagitan sa aming dalawa.
Noon naman sumingit ang isa na namang katanungan sa aking isipan. Dahilan upang makaramdam ako ng pagkainis. Pinilit ko na kalimutan nalang ang lahat, kasi baka may problema lang talaga ito, sa pamilya niya o baka sa love life niya.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...