Alice
Sabi nila, kung para sayo, para sayo talaga. At walang kahit na ano o sino ang makakahadlang 'non. Kung talagang siya ang itinadhana sayo ng maykapal, kahit na anong problema at pagsubok pa ang dumating, siya at siya parin.
Kahit na hadlangan pa kayo ng lahat at kalabanin ng buong mundo, wala paring makakatalo sa tamis at intig ng pag-ibig ninyo para sa isa't isa.
Kahit na ilang taon pa kayong maghiwalay, gagawa at gagawa ang tadhana na muli kayong magkita, upang ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan ninyo noong una.
There is always a perfect time for everything, and for everyone. You do not have to hurry, because the Lord Himself will bring the right person for you. And that's a promise.
And yes, I do believe in second chances. Ngunit iyon ay para lamang sa mga tao na buo na at hindi na lito para makasakit pa ng iba.
Mahalagang alam din natin kung ano ba ang gusto natin sa buhay. Mahalagang kilala natin ang mga sarili natin higit kanino, bago natin ito tuluyang ipagkatiwala at ibigay sa iba. Mahalagang buo tayo, buo ang ating mga puso, nang sa gayon ay malayong makasakit tayo ng damdamin ng iba.
We are not perfect. We are only human. But we can be the best version of ourselves for our loved ones.
Always remember, that you are the one who's in control of every decision you make in life. You can choose what kind of girlfriend/boyfriend you will be for the one you love.
So if I were you? I will always choose to be the best partner for him/her.
It's okay to commit mistakes sometimes, no one is perfect like I've said, and we all make mistakes. That said, it doesn't have to be the end of the world. But with that mistake, hopefully, we learn. Dahil hindi lahat ng tao, handang magbigay ng second chances or pangalawang pagkakataon.
Maswerte ka kung isa ka sa mga taong nabigyan nito. Maswerte ka, kung nagkaroon ka muli ng pangalawang pagkakataon na maiparamdam sa taong ito kung gaano ba siya kahalaga sa buhay mo.
A second chance is only for those who are willing to change, for those who deserve it, for those who will never repeat the same mistakes they made because, for them, you are more important.
Sometimes giving someone a second chance, is like giving them an extra bullet for their gun, cause they missed you the first time.Kaya mahalagang pipiliin din natin ang mga taong bibigyan natin nito. Kasi hindi lahat, deserve ang second chance. Lalo na kapag paulit-ulit ka nalang na ginagago.
Don't be a martyr, there are many right people waiting for you, tapos paulit-ulit kang babalik sa taong sinisira ang pagkatao mo?
No.
Know your worth para hindi ka paulit-ulit na wasakin at apakan.
At katulad ko, isa ako at si Raven sa mga taong nabigyan ng pangalawang pagkakataon.
Pangalawang pagkakataon upang makabawi, upang muling mapakita at maparamdam namin sa isa't isa ang pagmamahalan na hindi natuloy noong una. Pagkakataon na iilang tao lamang ang nabibigyan, ngunit pinili namin na ibigay iyon sa isa't isa.
We gave each other a chance because we knew na natuto na kami sa pagkakamaling nagawa namin noong una. Natuto na kami at binago namin pareho ang aming mga sarili, upang maging tamang tao para sa isa't isa. Para hindi na rin namin masaktan ang bawat isa.
We are now happy, with two children. Two baby girls, the eldest is 2 years old, habang ang bunso naman ay 7 months old, and both look like Raven.
Ang daya ng mundo, hindi ba?
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...