Chapter 18

2.4K 99 9
                                    

Alice


Kapag tumibok pala ang puso ng isang tao, hirap ng pigilan pa ito. Magpapatangay ka na lamang na parang isang hangin patungo sa kung saan, hindi mo man alam ang pa tutulungan, hindi mo man alam ang pupuntahan, ang mahalaga ay binibigay mo ang kung anong makakaya mo, manatili ka lamang sa tabi ng tao na iyong napupusuan.

At tama nga ang kasabihan ng mga matatanda, hindi mo matuturuan ang iyong puso kung sino ang dapat na ibigin nito, dahil kusa na lamang itong titibok oras na nahanap na nito ang sa tingin niyang tao na para talaga sa iyo.

Tulad nalang ng aking puso. Hindi ko akalain na kay Raven pala ako tatamaan ng ganito.

Sa isang babae na hindi ko akalain na magugustuhan ko. Isang babae na sa unang tingin ay para itong gangster at mayabang. Pero hindi, dahil napaka busilak ng kanyang puso. Napaka lambot ng kanyang kalooban at talagang masasabi kong, deserve niyang mahalin ng tunay at tapat.

Oo, tama kayo. Mahal ko na nga yata ang isang Raven Delo Santos.

Ngunit paano ba malalaman kung mahal mo na talaga ang isang tao? Ang sagot? Hindi ko rin alam.

Ang alam ko lang masaya akong kasama siya.

Mga ngiti at tawa nito ang bumubuo ng mga araw ko.

Palagi kong hinahanap-hanap ang presence niya na kahit sa aking pagtulog, hinahanap ko.

At higit sa lahat, hindi nag mamatter ang kung ano mang mga mali at panget na bagay na meron siya. Ang tanging nag mamatter lamang ay ang katotohanang tanggap ko siya.

Tanggap ko siya ng buo. Mahal ko ang mga magaganda, kasama na rin ang mga panget na bagay na meron siya. At naka handa akong yakapin ang anumang mga nakaraan na meron siya. Dahil alam kong parte iyon ng kanyang pagkatao, parte iyon ng kung ano o sino siya ngayon.

Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti habang lihim na pinagmamasdan si Raven na masayang nakikipag kwentuhan sa tatlo, kina Breeze,  Billy at Adriana mula sa kabilang lamesa.

Nandito kami ngayon sa Canteen at kasalukuyang nasa aming lunch break.

Sobrang nakaka adik pakinggan 'yong boses at mga tawa niya. Para iyong kumot na bumabalot sa akin at nagpapainit sa buo kong pagkatao.

Ayoko iyong feeling na natatapos ang isang araw, kung pwede lang sana nga hindi na matapos. Dahil ayoko siyang inaalis sa paningin ko. Nakakalungkot sa damdamin sa tuwing umuuwi ako sa bahay nang mag-isa, habang nag-iisip kung saan ang susunod nitong destinasyon pagkatapos sa eskwela.

Habang tumatagal, nararamdaman ko na parang nagiging madamot na ako sa isang bagay na hindi ko pa naman talaga pag mamay-ari.

"Hmmm....care to explain what is really happening here?" Rinig ko na tanong ni Sarah mula sa aking tabi, dahilan upang mabilis na mapaiwas ako ng tingin mula kina Raven.

Sinalubong ko ang mga mata nito na mayroong pagdududa. Kay Sarah muna kasi ako sumama sa pag lunch dahil palagi na lang kina Lila ang oras ko.

"Is there something you want to tell me?" Napalunok ako atsaka napatawa ng medyo kabado.

"Because I could sense that you had something to tell me. And don't try to lie to me, it's all in your eyes, Alice. I can see it." Dagdag pa niya atsaka napasulyap kina Raven, kung saan ako nakatingin kanina.

Pero sasabihin ko ba ang isang bagay sa kanya na maging ako eh wala paring pinanghahawakan at hindi pa sigurado? Of course not!

"A-Ano bang pinagsasabi mo. Wala akong kailangang sabihin." Pagsisinungaling ko at lakas loob na tinitigan ko pa talaga siya sa kanyang mga mata para lamang maging kapani-paniwala ang pagsisinungaling ko.

HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon