Raven
Paano nga ba ang mag move on?
Kailangan mo nga ba talagang magpaka miserable dahil sa isang tao?
Kailangan mo ba na gawin ang mga bagay na tinanggal mo sa iyong sarili dahil minahal mo siya? Dahil nakilala mo siya?
O baka naman, mas magiging worst pa ang mga gagawin mo.
Kailangan ba na makipag relasyon ka sa kahit na kanino? Sa kung sino? Makalimutan lamang ang pait, ang sakit na naidulot ng break up ninyo?
Required ba talaga ang magmukmok? Ang umakto na parang katapusan na ng mundo?
Sa tingin mo ba, kapag ganon ang ginawa mo, babalikan ka niya? Sa tingin mo ba, maaawa siya sayo? At pakikinggan niyang muli ang mga hiling mo?
It's a big NO!
Sino ba ang gugustuhin pang bumalik sa isang tao na hindi magawang ayusin ang kanyang buhay at sarili, relasyon ninyo pa kaya na magulo at wasak?
Wala.
Dahil kapag naging mali kana para sa isang tao, hindi kana magiging tama pa kailanman. Nandoon na ang peklat ng sugat na naibigay mo sa kanya. Nandoon na ang takot, ang trauma dahil sa sakit na naidulot mo.
Sa tingin mo ba, kapag pinatawad ka, magiging okay na ang lahat? Na maibabalik mo na ang lahat? Hindi! Hindi ganoon kadali iyon.
Dahil kapag ang dating tanga at martyr ay nauntog at nagising, wala ka ng tatamaan pa. Siguradong pagluha ang kapalit sa mga kagaguhan na iyong nagawa.
All you have to do now is to be better. Learn from your mistakes!
Matuto ka na hindi lahat ng pagkakamali ay may kaakibat agad na kapatawaran. Hindi. Dahil kailangan mong hintayin na humilom ang malalim na sugat.
And if you want to win back that person? If you want to win her/his heart again? Respect her/his decision. Respect why she needs to stay away from you.
Respect.
That's the kind of person who really wants to change and be the right person for the one he or she loves.
And from there, sana ma realize mo ang lahat. Ang puno't dulo ng lahat kung bakit kayo humantong sa ganoong sitwasyon. Kung bakit nawala siya mula sayo. Kung bakit kailangan niyang lumayo.
At hindi na rin mahalaga kung sino ang may tama o may pagkakamali, isipin mo kung ano ang makabubuti para sa iyo. Kung ano ang makabubuti upang tanggapin ka niyang muli.
To win back the heart of your loved one, you must first bring back what kind of person he or she once loved.
Ibalik mo ang dating ikaw.
And that's what I did.
I respect Alice's decision. I respected why she had to drive me away again. I respect why she chose to let me go.
Dahil nasaktan ko siya.
Dahil alam niyang magiging toxic lamang kami para sa isa't isa, kung ipagpipilitan pa namin ang mga sarili namin.
At dahil doon, kinailangan naming lumayo muli sa isa't isa. Kinailangan namin muli na magpaalam sa pangalawang pagkakataon.
Oo, muli naming nahanap ang tamis at sarap na makapiling ang isa't isa. But we both know na hindi parin iyon healthy.
Kaya, nirespeto ko ang desisyon niya.
Muling ipinagpatuloy ko ang buhay ko kahit na wala na siya. Inayos ko ang sarili ko nang walang tulong na mula kahit kanino. Ginawa kong tama ang sarili ko, nang sa gayon kung sakali man na muli kaming magkita, at kung pwede pa, isang buo at tamang tao na akong muli para sa kanya.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomansaShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...