Chapter 8

2.6K 114 21
                                    

Raven


Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nagmamaneho para ihatid si Alice sa kanyang tinitirahan. Ramdam ko ang pag sulyap nito sa akin kaya mabilis na ibinalik ko ang aking mukha sa pagiging seryoso.


"Bakit parang ang saya mo yata?" May halong pagdududa na tanong nito sa akin dahilan upang mapatikhim ako at napa sulyap sa kanya sandali.


"Just because?" Sagot ko rito. "I'm just happy." Dagdag ko pa atsaka siya binigyan ng isang ngiti.


"At bakit ka naman masaya?" Dagdag na tanong niya, halatang nacucurious sa nangyayari.


"Kailangan ko pa ba talagang sagutin yan?" Of course! I will not tell her the right answer. Kailangan ko ring magpaka misteryoso, ano? Hindi dapat palagi ay maging transparent ako sa kanya.


Napatango lamang ito bago muling ibinalik ang mga mata sa labas ng bintana. Noon ako muling napa ngiti ng palihim sa aking sarili na parang nasisiraan na ng bait.


Hindi nagtagal ay inihinto ko na rin ang aking kotse sa tapat ng isang medyo may kalumaan ng dalawang palapag na bahay. Or what she called, boarding house.


"D-dito ka nakatira?" Curious na tanong ko habang nakakunot pa ang noo na pinagmamasdan ng maigi tingin ang buong bahay. Mabilis na tinanggal nito ang lock ng kanyang seat belt.


"Yup." Sagot nito na halatang natatawa dahil sa naging katanungan ko. "Umuupa ako ng isang kuwarto, kung saan mayroon ng CR at maliit na sink. Isang maliit na kama kung saan ako lamang ang kakasya." Dagdag pa niya.


Napapatango na lamang ako kahit na ang totoo ay hindi ko napipicture out ang mga sinasabi niya. Paano siya nakaka pagpahinga at nakakatulog ng maayos roon?


Tinignan ako nito ng may halong pagtataka. "Hindi mo maintindihan ang sinasabi ko, tama?" Tanong nito bago tuluyang binuksan ang pintuan mula sa kanyang tabi.


Nahihiyang napakamot naman ako sa aking batok. "Anak mayaman ka kasi, Raven. Kaya never mo akong maiintindihan." Pagkatapos ay tuluyan na nga itong lumabas ng sasakyan. Ngunit bago pa man nito tuluyang maisara muli ang pinto ay muling nagpasalamat siya sa akin.


"Salamat, Raven." Pagpapasalamat niya. "Alam kong malaking utang na loob ko ito sa iyo lalo na ang ginawa mo para sa akin ngayong gabi." Dagdag pa nito atsaka mabilis na tumalikod na. Hindi man lamang ako hinayaang makapag salita muna.


"Atsaka nga pala." Muli akong nagbaling ng tingin sa kanya.


Akala ko pa naman nakaalis na siya. Napalunok ako dahil sa ngiting iginawad nito sa akin.


"Good night, Raven. Ingat ka." Hindi ko mapigilan ang mapaubo noong marinig ang mga katagang iyon. Hindi ko magawang maibukas ang aking bibig dahil walang salita ang gustong kumawala mula roon. Pinanood ko na lamang ang paglakad nito papalayo mula sa akin, hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aking paningin.

HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon