Raven
I have been staring at my cellphone for almost 30 minutes. Inaabangan ang pag ring nito dahil ang sabi niya, tatawag siya.
"Tatawag ako bukas. Sabay tayong magrereview." Paulit-ulit iyong nagrereply sa aking isipan.
Hindi ko naman tuloy mapigilan ang makaramdam ng kakaibang kiliti sa aking sikmura. Ito na ba ang sinasabi nilang kinikilig?
Sa tuwa ko eh, hinanap ko ang pangalan nito sa aking contact list. And from 'Alice' I replaced it with 'My girl'.
Hindi naman masamang mag assume at maging feeling minsan hindi ba? Kahit na hindi pa ako sigurado kung straight ba ito o hindi. Lahat naman yata ng babae, nagiging baliko dahil sa akin.
At ang tawag dito? Law of attraction.
*wink*
'MY GIRL'
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi noong muli akong napasulyap sa aking cellphone.
Kailan ka ba tatawag? Naiinip na tanong ko sa aking isipan.
"Girlfrieeeeend. Tawag kana please?" Parang tangang sabi ko bago napahinga ng malalim.
"Who's that? New babe?" Tanong ni Axel noong mapasulyap ito sa aking cellphone. Mabilis naman na napailing ako.
"Shut up, Axel." Wala sa mood na wika ko.
"Girlfriend, tapos bukas break na agad. Tss!" Tinignan ko lamang ito ng masama dahilan upang mapataas ang dalawa nitong kamay sa ere tanda ng pagsuko.
"Fine, fine. Do whatever you want." Muling wika niya at muling bumalik sa kabilang table kung saan maraming girls.
Nandito kami ngayon sa bar na pag mamay-ari ng pamilya nina Axel. Actually, isa ito sa madalas naming tambayan.
Mahilig talaga kaming mag party, party is life kung baga. Pero....hindi ko alam kung bakit bigla yatang naging boring ang ganitong hobby sa akin.
Muli akong napasulyap sa aking cellphone.
Maybe it's because I'm more interested in this girl now than having fun in vain.
Naghintay pa akong muli ng ilang minuto, at noong hindi na ako makapagtiis pa ay lumabas na muna ako sandali at naghanap ng medyo tahimik na paligid.
My father once said, not all food comes to people voluntarily. Sometimes people have to come to food and eat it.
"Raven?" Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ko nang marinig ang boses niya.
Gosh! My knees are weakening because of her.
"Yes, I am babe." But I stay in my cool.
"B-Babe ka dyan! Bakit parang ang ingay yata? Nasa bar ka ba?" Ang bilis naman niyang manghula. Atsaka, nalaman parin niya kahit na nasa may medyo tahimik na sulok na ako?
Ugh!
"Yup." Sagot ko.
My gosh!
I have never been nervous like this while talking on the phone. At hindi ako ang siyang unang tumatawag, o ang unang nag fifirst move dahil sila ang unang lumalapit sa akin.
But what is happening to you right now, Raven?
"Are you even allowed there?" Nahihimigan ko ang pagdududa sa boses niya. Pero damn, napapangiti na lamang ako ng disoras.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...