Chapter 9

2.4K 122 6
                                    

Alice


Hindi ko magawang makapag focus sa discussion ng aming mga teacher dahil sa mga titig ni Raven na nararamdaman kong hindi nito inaalis sa akin.


Hindi ko rin magawang tumingin sa kanya o magawang sawayin ito dahil natatakot ako na baka may kung anong makita o mabasa ito sa aking mga mata.


Nakakatunaw iyong mga titig niya, sa totoo lang. Kung isa lamang akong yelo, baka kanina pa ako naglaho dahil sa nakakatunaw at malalagkit nitong mga tingin.



At isa pa, hindi ko maintindihan. Bakit parang nagugustuhan ko na rin ang ginagawa niya. Nagugustuhan ko na sa akin lamang naka pako ang atensyon ni Raven. Para bang...na i-excite ang puso ko dahil sa mga iyon.


It's weird but it feels so good.


Ngayon lamang ako naging interesado ng ganito sa isang tao. At sa dinami-rami ng taong nakilala ko, kay Raven ko pa ito nararamdaman. Siya lamang ang unang taong nakapag paramdam sa akin ng ganito.


Hindi ko alam kung tama ba o mali na maramdaman ko ito. Hindi naman masamang maramdaman ko ito, hindi ba? Single naman ako, open ako sa pakikipag relasyon sa babae o maging sa lalaki man. Pero, hindi ko alam kung ganoon din ba si Raven. I mean, kung katulad ko rin ba itong single.


Relasyon agad? Singit ng aking isipan. Tss!



Mahahalata naman kasi sa itsura ni Raven na sa murang edad, ay marami na siyang babaeng napaiyak. Sa madaling salita, isa siyang playgirl at wala sa vocabulary nito ang mag seryoso. Kung baga, para sa kanya, ang love ay isang bagay lamang na dapat pinaglalaruan. Maging sa buhay nito, ni hindi nga siya marunong sumeryoso sa kanyang pag-aaral, well, marahil alam nito na magsikap man siya o hindi, anak parin siya ng kanyang mga magulang. Nagmula parin ito sa isang marangyang buhay at pamilya.


At sa tingin ko, doon kami nagkaiba.


Naputol ang malalim kong pag-iisip noong biglang tumunog ang bell. Sinyales na tapos na ang aming klase.



Mabilis na inayos ko ang aking mga gamit at maingat na inilagay iyon sa loob ng aking bag. Habang ang aming mga kaklase naman ay nag-uunahan na sa pag labas ng classroom.


"Lunch?" Napalunok ako bago nag-angat ng aking mga mata sa nakatayo na ngayon sa aking harapan na si Raven.


Nararamdaman ko ang mga tingin nina Lila sa akin. Pero pilit ko iyong binabalewala.


"My treat." Sabay kagat labi na dagdag pa nito bago napakamot sa kanyang batok.



Sandaling pinagmasdan ko muna ito ng mataman sa kanyang magandang mukha.


Ilang babae na kaya ang nauto at napaiyak ng mukha na iyan? Ilang babae na kaya, ang umasang seseryosohin niya at hindi nito iiwanan?


Bago pa man ako muling kainin ng mga iniisip ko ay agad na nagbawi na ako ng aking paningin.


"S-Sure!" Pag payag ko. Narinig ko naman itong napa 'Yes' bago muling naupo sa kanyang silya sa aking tabi.


Isang pigil na ngiti naman ang aking pilit na pinipigilan noong marinig iyon. Well, wala namang masama na pumayag akong mananghalian kasama ang isang Raven Delo Santos, hindi ba? Tama!

----


Sa labas ng aming school ay mayroong isang sikat na restaurant, doon ako dinala ni Raven. Sumama na lamang din ang aking mga kaibigan, nagpasalamat pa ang mga ito kay Raven, dahil daw sa kanya, makakain sila ng pagkain na hindi nang galing sa School Canteen.


HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon