Raven
Hinihingal na pumasok ako sa loob ng isang convenience store. Ito lamang kasi ang paraan upang hindi na ako makita pa o matagpuan ng babaeng iyon.
Ano ba kasi 'yun? Para namang linta kung makahawak sa akin. Atsaka kung humalik para namang kakainin ako ng buhay. Pwe!
Ang sakit tuloy ng labi ko. Dumugo pa yata dahil sa naramdaman kong pagkagat niya kanina.
Hays!
Inis na nagtungo na lamang ako sa may drinks area bago kumuha ng dalawang dutch mill strawberry flavor. Kanina pa rin kasi ako mauuhaw eh.
Magbabayad na sana ako sa may counter noong mapadako ang aking mga mata sa isang napaka gandang babae na napapailing sa kanyang sarili habang kumukuha ng kanyang mga bibilhin.
Her smiles are so sweet and her face is so angelic that you will never tire of staring. I love girls, but I have never encountered someone as beautiful as her.
Para bang naging malabo ang lahat na nasa aking paligid at ang tangi ko lamang na nakikita ay siya. Naging mabagal din yata ang pag-ikot ng mundo sa loob ng ilang segundo.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya, hanggang sa ako na rin mismo ang nagbawi ng aking mga mata. Ang weird lang na tumitig ako sa isang estranghero na katulad niya.
Agad na iwinaksi ko ang kanyang magandang imahe sa aking isipan at lalapit na sana sa may counter noong maunahan niya ako.
Mukhang kakilala rin nito ang isang lalaki na nagbabantay sa store, nasa tingin ko eh kasing edad ko lamang din.
Hindi ko mapigilan ang mapa iling habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
The boy obviously likes her. Well, I can't blame him. I mean, look at her. She's truly a goddess. Ngunit halata rin na hindi siya ang tipo ng mga katulad ni Ate girl.
Ate girl.
Natatawa ako sa aking sarili nang sumagi ang katagang iyon sa aking isipan.
"N-Nakalimutan ko yata 'yong pera ko--" Rinig kong sabi nito na halatang nagpapanic na.
Awtomatiko na napakagat ako sa aking labi. Ugh! This girl, so adorable.
Ngunit hindi pa siya tapos sa kanyang pagsasalita noong biglang mapatawa ng malutong iyong lalaki ngunit mabilis rin itong natigilan.
"L-Libre ko nalang." Utal na wika pa niya habang namumula ang buong pisngi at hindi na muling makatingin pa sa babae.Psh! Ang bulok ng diskarte.
"Hindi na, babayaran ko ito. Babalik lang ako--"
"Please!" Pamimilit pa niya at muling putol nito sa babae. Pero halos matawa na rin ako ng malakas noong makitang binatukan siya sa ulo.
"Siraulo ka ba?! Hindi mo naman ito tindahan. Tindahan ito ng nanay mo." Patuloy na pagmamaldita naman ng isa.Napailing na lamang ako atsaka nagdesisyon ng umabante na upang maka bayad. At syempre, para maka the moves na rin. Hehe.
Agad naman na tumabi iyong si Ate girl para bigyan ako ng space. Napansin ko na biglang napatulala sa aking mukha iyong lalaki kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangisi.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...