Raven
At first, my thought about love would just give me a headache, that it didn't matter dahil magiging sabagal lamang ito sa mga gusto kong gawin sa buhay.
I don't really believe in love or anything as long as it's about the 'Love thingy'. That's why when I go on a date before, I don't consider it a date. Para sa akin may sinamahan lamang ako na isang hindi kilala or stranger na babae, at pagkatapos noon, hindi ko na ito muling kokontakin.
I date without having any feelings. I did not develop feelings for any girls. I don't want to be in love, because for me, I don't need it. I don't WANT it. Because love was only made for people to take advantage of and play with you.
Lalo na sa katulad ko, na nag-iisang taga pagmana ng yaman ng aming pamilya. Ayokong gamitin ako bilang kahinaan laban sa sarili ko, dahil hinayaan kong maloko ako.
May kasabihan nga sila, kung ayaw mong maloko ka, ikaw nalang ang manloko. So that's what I did.
But now, when I meet Alice. All the rules I had made for myself suddenly disappeared like bubbles.
At kahibangan ang iniisip ko ngayon na maging girlfriend ko na talaga siya.
Pilit akong pinipigilan ng aking isipan, ngunit ang puso ko, ang sinasabi nito, mas makapangyarihan iyon kaysa sa anong bagay na sinasabi ng utak ko.
Hindi na ako makapag hintay pa na tuluyang maging sakin siya. Wala na akong pakialam ngayon kung gusto rin ba siya ng kaibigan kong si Axel. Selfish na rin kung selfish, pero siguro ganon naman talaga ang love, diba?
Natigilan ako sandali bago napa sulyap kay Alice na ngayon ay abala sa pag tingin sa labas ng bintana, habang nagmamaneho naman ako pauwi sa kanyang boarding house.
Tama! Ganon nga ang love. Nagiging selfish nga ang isang tao, ngayon naiintindihan ko na kung bakit napakaraming tao ang nababaliw pagdating sa pag-ibig. Ang daming nabubulag sa maling pagmamahal, iyon ay walang iba kung hindi dahil ayaw lamang ng karamihan na mapunta sa ibang tao ang kanilang mga napupusaan.
At ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. When someone is in love, hindi na mahalaga kung ano o sino ang masasagasahan. The only thing that matters is the desire to have the love you want to achieve.
And Alice, she's the girl I really want to be mine. Only mine. Ayaw ko ng magpatumpik-tumpik pa.
Katulad ng sabi ni Ms. Reyes, kailangan kong bilisan dahil baka maunahan ako ng iba.
Ngayon lamang ako naghangad ng ganitong pagmamahal katulad ng gustong makamit ng iba, gaya ng mga napapanood ko sa TV. At iyon ay walang iba kung hindi dahil sa kanya. Kay Alice.
Ngayon ko lamang napagtanto, nakakaadik pala ang umibig.
Kaya naman, ninanais kong maging akin na siya. Hindi dahil para angkinin ang buhay at buong pagkatao nito, kung hindi ang kanyang puso.
I realized, I need love in my life. Iyong totoong pagmamahal na magmumula sa taong handa ko ring mahalin. Because without love, I am ruined, I am not whole and I am lost.
Ngayong gabi, hindi ako makapapayag na hindi ko parin nagiging girlfriend si Alice. Dahil kahit na anong mangyari, hindi ko hahayaan na ipagpabukas pa ito.
Oh Gosh! Napahinga ako ng malalim sa aking sarili, dahil na rin sa kaba na baka i-reject niya ako.
I want her to be my official girlfriend, so that I can shout to everyone that she is mine and she is tied to me like the plan of the universe for us.
I want to be a big part of her life, I want to be a part of her past, her present and her future. I want to be the only one who put a smile on her lips.
At higit sa lahat, gusto ko, ako lamang ang titingin sa mga mata niya habang sinasabi ang salitang 'Mahal kita'.
Mga tingin na punong-puno ng pagmamahal, ng pag-aalaga at malasakit.
Ngayon lamang ako nakadama ng ganito, ang ipagdamot ang isang pag-ibig mula sa iba.
Itinabi ko ang aking sasakyan sa harap ng boarding house ni Alice bago ito tinignan sa kanyang mukha. Hindi ko alam na kanina pa pala ako nito pinagmamasdan ng palihim.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, Raven. May problema ka ba?" Tanong nito nang mayroong pag-aalala sa kanyang mga mata.
Agad na napailing ako bilang sagot.
"Sigurado ka ba? Alam mong pwede mo akong pagsabihan." Pangungulit pa niya.
"Wala akong problema." Tugon ko atsaka ini-unlocked ang sariling seatbelt. Humarap ako sa kanya pagkatapos ng ilang sandali.
"Kinakabahan lang ako." Dagdag ko pa bago napa ngiti sa kanya. Naguguluhan naman na napakunot ang kanyang noo.
"Tungkol naman saan?" Katulad ko ay ini-unlocked na rin nito ang kanyang seatbelt atsaka inayos ang sarili sa pagharap sa akin.
"Basta." Ika ko. "Masaya lang ako, kaya siguro ako kinakabahan." Ngunit ang totoo niyan ay kinakabahan talaga ako, dahil baka oras na...hays! Bahala na nga.
"Pumasok kana sa loob. Alam kong napagod ka sa date natin kaya magpahinga kana." Pag-iiba ko ng usapan.
Ngunit tinignan lamang ako nito nang mataman sa aking mukha. Animo'y may iniisip siya sa mga sandaling ito. Sandaling bumukas ang kanyang labi pero walang salita ang gustong kumawala mula rito.
Napa tikhim ako dahilan upang mabilis na mapa tingin ito sa ibang direksyon.
"May hinihintay ka bang dapat kong gawin bago ka tuluyang lumabas? Pwede naman nating ituloy ang usapan na ito sa loob ng kuwarto mo." Pilya kong sabi habang napapangiti ng nakakaloko.
Awtomatiko naman na napahampas ito sa aking braso dahilan upang mapangiwi ako.
"Aray ko naman!" Reklamo ko habang napapahaplos sa parte na nasaktan.
"Lalabas na nga ako!" Inis na bigkas niya bago tuluyang binuksan na ang pintuan ng sasakyan.
Ngunit bago pa man ito tuluyang makalabas ng sasakyan ay sandaling natigilan siya at muling ibinalik ang mga mata sa akin.
"K-Kahit pilya ka at loko-loko, gusto ko paring magpasalamat para sa date na ito." Sinasabi niya iyon habang mayroong sumisilip na ngiti sa gilid kanyang labi. "Lalo na sa pagpapakain sa akin ng masasarap na pagkain." Dagdag pa niya.
"Grabe! Hindi ko akalain na pamilya niyo pala ang may-ari ng mamahaling restaurant na iyon?" Napapahaplos pa ito sa kanyang tiyan habang namimilog ang mga mata na inaalala ang mga nangyari kanina.
Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mahina habang tinitignan siya. Napaka cute niya talagang babae.
Pagkatapos kasi naming manood ng sine kanina, ay sa aming restaurant ko siya sumunod na dinala. Iyong restaurant kung saan dapat ito dadalahin ni Axel dati. Masaya akong masaya siya, lalo na at nagustuhan niya ang mga pagkain na ipinahanda ko pa talaga para sa kanya.
"It seems that the article I read was true, women love food. For them it is their happiness." Bulong ko sa aking sarili nang nangingiti na parang siraulo.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pag ngiti rin ni Alice. Halatang narinig ang aking pagbulong.
"Why do women love food?" Tanong ko rito.
Isang malutong na tawa ang pinakawalan niya bago muling napahampas sa aking braso. Nakaka ilan na siya ha!
Kusa na lamang din akong napatitig sa kanyang mukha. Napaka sarap kasing pakinggan ng tawa nito.
"Babae ka rin naman ah." Wika niya habang naiiling na nakatingin sa akin. "Pero sa totoo lang kaya gusto ng mga babae ang pagkain dahil dito nalang kami kinikilig." Kunwari naman na napanganga ako in disbelief.
"Why? Hindi ka ba kinikilig sa akin?" Sabay nguso na tanong ko ngunit sa halip sa sagutin ako ay lumabas na ito ng kotse bago mabilis na isinara ang pinto.
"Bye, Raven!" Sigaw nito mula sa labas ng sasakyan. "I'll see you on Monday!" Dagdag pa niya.
Napapailing na lamang ako habang tinitignan siyang naglalakad papasok sa gate ng kanyang boarding house. Pagkatapos noon ay muli ko ng binuhay ang makina ng aking sasakyan.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...