Chapter 13

2.2K 110 26
                                    

Raven


"Thanks, Rav. I owe you one." Pagpapasalamat ni Axel mula sa kabilang linya.

"Do you think she will like it? Magaganda naman 'yung flowers, hindi ba?" I couldn't help but smile. Ito kasi ang kauna-unahang bumili si Axel ng bulaklak para sa isang babae.

Napayuko ako para tignan ang ipinabibigay nitong bouquet para kay Alice. "Hmmm...not bad." Sagot ko.

"Really?" Halatang kinakabahan ito. Napatango ako kahit na hindi naman nito nakikita.

"Yes." Tipid na sagot ko dahil sa totoo lang, nasasaktan na ako.

Ang tanga lang diba? Gusto ko 'yung babaeng gusto rin ng kaibigan ko. Oo, pero wala akong magawa kung hindi ang magpaubaya. Sa ngayon. At suportahan si Axel dahil simula noong mga bata pa lamang kami, ngayon ko lamang nakita na kuminang ng ganito ang mga mata niya.

"Ikaw ng bahala ha? Ipahahanda ko na rin ang magiging dinner namin para ngayong gabi." Excited na paalala nito sa akin kung saan, sa aming restaurant pa niya napiling dalahin si Alice.

Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na ako ng kotse at agad na dumiretso sa aming classroom. Habang naglalakad, hindi ko mapigilan ang mapangisi dahil sa mga lalaki at babae na aking nakakasalubong  na panay ang pagpapacute sa akin.

Iyong ilan naman ay himpit ang mga tili na pinapakawalan habang napapatitig sa hawak ko.

Nakita kong nasa entrance ng classroom nakatayo ang dalawang magkaibigan na sina Breeze at Adriana. Agad na sinalubong nila ako noong mapalingon ito sa direksyon ko, atsaka awtomatikong tinignan ang card na nasa bulaklak. Hindi man lamang nila ako binati ng good morning. Tss!

"Told you, mahina yang manok mo." Komento ni Breeze bago nasulyap kay Adriana na ngayon ay iiling-iling na nakatingin sa akin.

"Relax guys, it's just a flowers." Bago ko sila binigyan ng pekeng ngiti.

"Kaibigan," Sabay akbay ni Adriana sa akin. "mukhang kailangan mo ng matinding payo mula sa amin--"

"I don't need your advice, I know what exactly I'm doing." Putol ko kay Adriana at muling nagpatuloy sa paghakbang upang tuluyan ng makapasok sa loob.

Hindi nakaligtas sa akin ang gulat na itsura ng aming mga kaklase nang makita ang aking hawak.

Tss! Mga patay gutom ba sila sa bulaklak?

"And what do you think you're doing? Ang ipaubaya ang babaeng gusto mo sa iba?" Wikang muli ni Adriana.

"Hindi iba si Axel. He's my best friend." Pagdadahilan ko.

"Exactly, he's your best friend. You know the rule in love, walang kaibi-kaibigan kung gusto mong mapasayo ang taong gusto mo." Natigilan ako kasabay noon ang pagbuga ng hangin sa ere.

"Adriana, I didn't know there was such a rule when it comes to love, because honestly, I have never been in love." Sinasabi ko iyon habang naka tingin sa mga mata niya.

"Look, I am doing this, only for my best friend. Because he likes Alice. But I have my own way to win her heart so...relax, okay? I won't let her end up with someone else."

"That's good to hear." Rinig kong wika ni Billy na kapapasok lamang din ng classroom. "Pero wag masyadong pagong, pakibilisan dahil naiinip kami." Hindi ko napigilan ang mapatawa sa sinabi nito kaya pabiro ko siyang sinuntok sa sikmura.

Maya-maya lamang ay mas nadagdagan pa ang mga estudyanteng nakiki tsismis sa labas ng aming classroom. Noon ko rin narinig mula sa kanila na paparating na si Alice.

HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon