Chapter 7

580 32 4
                                        

“pasensya kung natagalan, mahaba kasi ang pila e,” nakangiting sabi ni ate Hillary

“hindi ate Freya, okey lang, hinid ko naman naramdaman na matagal ka,” sabi ko habang kinukuha ang pagkain ko sa tray na dala.

Nandito na nga pala ako  sa canteen ng campus namin kasama si ate Freya Hillary. Lunch break na kasi at wala naman ako makakasabay kaya sumabay narin ako sa kanya.

“pano mo mapapansin e, kanina ka pang tulala at parang malalim ang iniisip,” puna ni ate Hillary habang hinahalo ko ang black gulaman ko.

May ilang taon na rin kasi kaming magkasama ni ate Hillary, kaya halos bawat pagbabago sa mood ko kabisado na n’ya… kaibigan ni mommy ang kapatid ng mommy ni ate Hillary kaya naman hindi maiitanggi na malapit ako sa kanya. Marami na kaming pinagsamahan at napagdamayan ni ate Hillary, kaya naman kilalang na namin ang isa’t isa… bago umalis si mommy papuntang States, kay ate Hillary n’ya ko inihabilin…

“hay,” buntong-hininga ko, “ate Freya,  nanatakot akong magtiwala ulit e,” sabi ko habang pinagmamasdan ang pag-ikot ng hinahalo kong black gulaman.

“sa’n k aba natatakoot, ang umaasa o ang masaktan?,” ano bang sagot yan ate… naguguluhan na nga ako e -- _____ --

“hmmmm, hindi naman ako aasa, kung hindi ako maniniwala kung ako maniniwala at hindi ako masasaktan kung hindi ako umaasa…,” ganyan kami mag-usap ni ate Hilary, weeeiiiirrrrddddd \(‘3’)/

“hindi ka natatakot, hindi mo lang alam kung dapat bang magtiwala,” sabi n’ya habang kumakain ng hamburger

Kung titingnan may point s’ya, hindi ako talagang natatakot, hindi ko lang alam kung dapat ko ba s’yang pagkatiwalaan… pero…

“ dapat pa ba akong magtiwala???,” sabi ko sa kanya na pinaglalaruan ang mga gulaman sa juice ko, hindi ko talagang alam eh…

“parang tinanong mo na rin ako kung dapat pa bang ipunin ko ang pisong tira sa baon ko araw-araw,” patay teka, ano raw yun????, hindi ko ata nareach yun a… ang lalim… hindi ko mahukay… hehehe

“oo, syempre, kelan mong magtiwala kasi hindi lahat ng bagay ay matutunan ng sarili mo lang, hindi habag buhay, nag-iisa ka… parang ang mga tig-pipisong maiipon ko mula sa mga baryang tira sa baon ko… hindi ako makakabuo ng bente, sinkwenta o kahit isang daan kung walang baryang piso di ba??? Katulad natin, hindi tayo matuto ng tayo lang, hindi lahat alam natin at kaya nating gawin… kailangan din nating magtiwala sa iba para rin sa sarili natin,”

Tumahimik ako sandali at inisip mabuti nag sinabi ni ate Hillary sa’kin… tama si ate Hillary…

Isa lang akong barya ngayon, pero kapag natuto akong sumama s aibang barya, mabubuo rin ang kabuan na hinahanap ko…

“thank you ate Hillary ^_____^,” nasabi ko na lang sa kanya… ang galling talaga ni ate Freya ko ^_______^

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon