Chapter 79

511 9 0
                                    

Ilang minuto rin akong nagkulong dito sa CR bago lumabas. Nahihirapan akong gumalaw sa mundong meron ako ngayon. Alam ko naman kasi kung pa’no akong tingnan ng ibang tao dito sa campus at alam ko rin namang kung anong iniisip nila sa’kin. Hanggang ngayon kasi ako pa rin ang sinisisi nila sa paghihiwalay nila Tyrone at Sherrie, one day after ng monthsary nila. Sa totoo n’yan may nagkamali pa nga ng pagbati sa’kin kasi ang binate sa halip na si Sherrie. Angas ano? Parang nananandya lang e.

10 minutes na lang magtitime na, kailangan ko ng pumunta sa next class ko.

Palagi n’yang sinasabi na babalik daw kami sa dati, pero pa’no kami babalik sa dati kung ganito naman? Hindi na lang kasi ang sakit na nararamdaman ko ang kalaban namin ngayon kung hindi pa rin ang mga iniisip ng ibang tao sa’min. Mahirap gumalaw sa isnag lugar na sa bawat galaw mo, may puna kang maririnig. Mukhang mahihirapan akong ibalik ang dating ako. Aaminin ko rin naman, kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, naging masaya rin naman ako sa piling at kasama nila.

Alam kong pinipilit n’yang ibalik ang dating kami pero parang ako, sa sarili ko gusto ko ng tanggapin na hindi lahat ng bagay na gusto mong mapasayo ay napupunta talaga sa’yo, kahit anong hirap at tiis ang gawin mo. Minsan kasi, hindi naman lahat nakukuha ang lead role sa isang love story ng isang tao. MInsan, tayo na ang saktan, tayo na ang nahirapan, tayo na ang nagrabyado, tayo pa rin ang lalabas na kontrabida sa isang love story. Wala namang makakapagsabi kung anong twist ang gagawin ng tadhana sa buhay nating lahat. Minsan, tayo pa ang lumalabas na risk para sa isang happy ending ng ibang tao.

“yhum?”, tawag ni Tyrone sa’kin habang papasok na ko sa klase ko, “sorry, pangako babalik tayo sa dati.”

“yhum, sobrang saya ko na naging bahagi ka ng buhay ko,” sabi ko sa kanya habang ngumiti at medyo na iiyak na rin, “masaya ako na nakilala kita.”

Pagkasabi ko noon, tumalikod na ko at saka pumasok sa loob ng room ko. Hindi ko na pinansin pa ang sasabihin n’ya, pinapa-asikaso ko na rin ang mga transfer credentials ko. Gusto ko ng kalimutan ang bangungot na to. Isang magandang panaginip na hinding-hindi ko makakalimutan sa buhay ko.

***

MATT’s POV:

Nandito ako ngayon sa may registrar office. May practicum kami para sa isang major subject namin e. Ewan ko ba kung anong konek ng book keeping sa management. Siguro sa pag-aayos ng files? Organizing? Napakasubjective naman =___=.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit, may napansin ako samay desk ng head registrar. Transfer request? Kanino naman to? Sa bagay one week na lang kasi magsesembreak na. Pero kanino naman to?

This is to request Ms/Mr. Chinchin Legaspi for the completion of her transfer credentials…

 

“si Yhats?,” nasabi ko na lang sa sarili ko, “magtra-transfer?”, pero bakit? At saka alam na ba to ni Tyrone?

Agad akong lumapit sa may Xerox machine at phinotocopy ang request letter. Ipapakita ko to kay Tyrone. Kailangan kong mahanap si Yhats ngayong uwian. Pagkatapos na pagkatapos kong i-photocopy ang request letter agad na ko lumabas ng registrar at hinanap si Tyrone. Kung sa’n ko s’ya hahanapin, bahala na, basta dapat makita ko na s’ya.

Pero mukhang ibang tao ang nakita ko.

“Yhats!”, tawag ko sa kanya, “anong ibig sabihin neto ha?”, sabay abot ng papel sa kanya, “bakit ka lilipat ng school ha? Hindi ka man lang nagsasabi.”

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon