“yhum,” tawag ni Tyrone sa’kin, “akin na yan, ako na ang magdadala n’yan,” sabi n’ya habang kinukuha ang gamit ko.
Ako naman, eto lang ang nagawa ko ^_______________^. Ang ngumiti!!! Hindi ko kasi inaasahan na ako ang pipiliing buddy ni Yhum, ang alam ko talaga kay Heaven s’ya sasama, mukhang nagdilang-anghel si Sakura! \^O^/. Bigla ko tuloy naalala nung nasa Fieldtrip kami dati, hihihihi. Magkatabi kami nun all the way back home. KYYYAAAHHHHH!!!!!!!! Sana ngayon rin >:D
(TheAuthor’sNote: refer to Chapter 1-2.2)
“tama na ang ngiti, nagmumukha ka ng baliw n’yan,” puna ni Sakura sa’kin. Hehehehe, yung mga muscles ko kasi sa face ko, mas’yado yatang nabanat, hindi na bumalik kaya ayan, palagi akong nakangiti.
“masaya lang ako Sakura,” sabi ko naman sa kanya.
“obvious nga e,” sarcastic n’yang sabi =.=
“Heaven,” tawag ko kay Sherrie na kasunod ko lang, “okey ka lang ba talaga?”, tanong ko ulit sa kanya, napuputla kasi s’ya.
Ngumiti lang s’ya at tapos sumakay na ko sa bus. Ano kaya ang problema ni Heaven? She’s acting so weird.
Bigla kong naalala ang mga narinig ko kanina. Malabong maging totoo ang chismis na yun, kaya nga chismis di ba? At saka si Heaven na ang may sabing CHISMIS lang yun. >///////<
Pero teka? Bakit pababa pa si Yhum? May naiwan kaya s’yang gamit sa baba? Tumingin ako sa lalagyan ng mga luggage sa taas ng bus. Gamit ko lang ba ang inisakay n’ya sa bus?
“Yhum? Hindi ka dito sasakay?”, nakita ko kasi s’ya pababa ng bus kaya tumayo ako at saka sinabi yan sa kanya.
“sa kabila ako Yhum, nandun kasi ang mga barkada ko,” sabi n’ya at bumaba na s’ya. So, inihatid lang pala n’ya ako : (.
Parang unting-unti ng nawala ang ngiti ko sa mga labi ko. Nag-aautomatic na bumalik sa dati.
“anyare?”, tanong ni Sakura sa’kin, “nasan na ang malapad mong ngiti?”, nang-iinis pang tanong ni Sakura sa’kin.
“ayun, nilipad ng ibon,” sabi ko sa kanya at saka ako pumihit sa kabila. Dito kasi ako umupo sa may tabi ng bintana.
At nagulat pa ko sa nakita ko…
Sa bus, magkatabi si Sherrie at sa Tyrone.
Talaga nga palang pinagpalit na ko ni Yhum sab ago naming kakilala na si Heaven. Hay, kahit anong kumbinsi ko sa saarili ko at kahit anong sabi pa nila na walang namamagitan sa kanila, hindi ko magawang maniwala. Ang daming nagbago simula nung nakilala namin s’ya.
Inaasahan ko na naman na magkasama sila pero nag-assume pa rin ako. Na akala ko nanalo na ko sa bestfreind ko, akala ko maiibalik ko na ang dati… pero lahat yun ay akala lang pala. Sanay na naman ako na makita sila na palaging magkasama, pero bakit nasasaktan na naman ako? Inagaw ba talaga ni Sherrie si Tyrone sa’kin? Or mas’yado akong naging busy para maghanap ng iba ang bestfriend ko?
Hindi. Hindi. Hindi naman ako nagkulang e, kahit busy ako, palagi akong may time para sa kanya, kahit na busy na ko, palagi ko s’yang iniisip, at kahit busy ako, I still care for him.
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Teen FictionBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)