CHINCHIN's POV:
Natapos ang lunch na wala man lang imikan sa grupo. Ang tahimik. Sa totoo n'yan, agaw atensyon nga kaming lahat e, kasi magkakasama kami sa iisang lamesa: ako, si Yhats, si Sakura sa harapan ko, katabi ang bisitang si Andrei, tapos si Chuchai. Ang totoo, may nagset-up ba dito?
Ang swerte ko di ba? At nakaharap ko pa silang dalawa? Sa dinami-dami ng lamesa dito, sila pa ang nakatabi ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa tuwing ina-assist ni Andrei si Xzelle, hindi ko maiwasan ang hindi makinig sa tuwing nagbubulungan sila. At higit sa lahat, hindi ko mapigilan ang hindi masaktan sa tuwing nakikita ko sila.
Kung hindi n'ya ko iniwan, kung hindi n'ya nakilala si Xzelle, kung hindi s'ya umalis, kung nagpaliwanag man lang s'ya kung bakit n'ya ko iiwan, magiging kami kaya? Ako kaya ngayon si Xzelle na nasa tabi n'ya ngayon? Ako kaya ang babaeng kausap n'ya ngayon? Ako kaya ang ina-assist n'ya ngayon? At higit sa lahat, ako kaya ay masaya ngayon at hindi masasaktan ng ganito?
Ako naman kasi yun dati, bago s'ya umalis. Ako ang taong palaging nasa tabi n'ya, ako ang taong ina-assist n'ya. Tssss, oo nga mga bata pa kami nun, pero nangako s'ya. Babalikan n'ya ko. Mahal n'ya ko...
"Yhats," tawag ng taong nasa tabi ko ngayon, "okey ka lang ba?"
"naku sorry, may naalala lang ako, excuse me," tumayo ako para pumunta ng comfort room, hindi ko na kasi mapigilan ang mga luha ko.
NOON.
Mga ilang buwan pa lang ang nakakalipas nung iniwan n'ya ko, for the second time, mukha akong tangang naghihintay sa taong hindi ko naman alam kung talagang dadating e. For those months, wala akong ginawa kung hindi ang hintayin s'ya, ang mahalin s'ya mula sa alaala ko. Ang alalahanin ang masasayang pinagsamahan namin, mga panahon na parang kami lang dalawa ang tao sa mundo, na wala kaming pakialam sa iba, basta masaya kami, basta kasama ko namin ang isa't isa. Pero habang lumilipas ang panahon, lahat ng bagay lumilipas, lahat nagbabago at nawawala. Napagod na rin siguro ako na magmukhang tanga, ang maniwala sa mga pangakong walang saysay. Hindi na buwan, kung hindi taon na ang lumipas, nasanay na ko na palagi na lang akong pinapaasa ng mga taong minsan pinapahalagahan ko. May kaya pa bang magmahal ng taon na ang lumipas? S'yempre wala na. Kung ang tatay na kadugo ko, nagawa akong iwan at ipagpalit sa ibang bagay, si Andrei pa kaya? Na hindi ko naman kaano-ano?
At ngayong nakita ko s'ya, napatunayan kong tama ako.
Ang sakit-sakit lang na sa kaibigan ko pa talaga s'ya napunta. Hindi man lang ba nakonsensya si Xzelle sa ginawa n'ya? Alam naman n'ya na kahit papa'no, may pagmamahal pa rin ako kay Andrei para taluhin n'ya ng ganyan. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw! Takte, ayaw mawala ng sakit. TT___TT
Tsss, si Andrei ang taong nakausap ko sa may rooftop nung nagkasagutan kami ni Yhum, si Andrei ang nagdala sa'kin sa clinic. Si Andrei ang taong nagsabi kay Chuchai, nabantayan ako, s'ya ang may-ari ng panyong katulad na katulad sa'kin. S'ya ang transferee sa garden na tinawag ni Xzelle sa garden. Nandito na s'ya, hindi iisang beses kaming nagkita, pero wala s'ya ginawa. Kahit ang lapitan ako, hindi n'ya ginawa TT___TT.
***
MATT's POV:
"sundan ko lang si Yhats," paalam ko sa mga kasabay ko sa pagkain.
Anong nangyari kay Yhats? Bakit ba s'ya umiiyak? May ginawa na naman bang kalokohan si Tyrone sa kanya? Hindi man lang ba n'ya nakikita na nasasaktan na n'ya ang bestfreind n'ya? Akala ko ba, hindi n'ya laruan at iba ang tingin ni Tyrone sa kanya, pero ano to? Anong tawag dito!!!
"Yhats? Okey ka lang ba?," tawag ko sa kanya mula sa may pintuan ng comfort room. Mula dito, naririnig ko ang mga hikbi n'ya.
"gusto ko munang mag-isa."
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Teen FictionBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)