Nasa kwarto na ko ngayon, kauuwi ko galing sa date namin ni yhum. Umupo ako sa may kama ko at inalis ang jacket n’ya. Hindi ko na naibalik kasi nakita kong may ilaw na ang bahay. Nandito na si mommy. Hay. *sigh*
*flashback*
“yhum,salamat,” sabi ko bago bumaba ng sasakyan, “you make my day special,” sabi ko sa kanya, at bumaba na rin ako.
Natanaw ko kasing may ilaw na ang bahay namin. Ibig sabihin nandun na si mommy. Nasesense kong mapapagalitan na naman ako kasi gabi na kong umuwi. Alam mo naman yun,minsan sa sobrang protective, mukha na kong prisoner sa bahay namin.
Mapapagalitan kaya ako???
Si mommy pa, parang dragon rin naman yun, hindi lang parang…
Dragon talaga.
Sana naman hindi. Wala akong sa mood makipagdiskusyon sa kanya ngayon.
Sinalubong ako ng kapatid kong babae. hmmmmm, mukhang masaya ang mood sa bahay ngayon. kauuwi nga rin pala ng dalawang to galing kina lola. Siguro good mood si mommy ngayon.
“ate, san ka galing?,” sabi n’ya habang hinuhug ako, “I miss you.”
Ang sweet talaga ng kapatid ko, may mga ilang araw rin silang nawala sa bahay e.
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Teen FictionBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)