MARSHA’s POV:
5:40. Mamaya pa’y ala sais at mamaya pang konti, ala siete na.
Kaba ang nararamdaman ko sa pagkikita namin mamaya. Natatakot ako sa mga pwede n’yang sabihin sa’kin. Natatakot ako sa mga possible kong malaman.
Matagal ko na kasing gustong kausapin si Matt, tungkol nga dito. Gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Nakakatawa nga e, sorry lang ang kaya kong gawin after all what happened. Sorry.
Isang salita na wala ng halaga kung tutuusin, ngayon pa na nakasakit ka na ng tao di ba?
Tumayo ako at tumingin sa mga litratong nakadisplay sa kwarto ko.
Ano kaya ang nangyari kung hindi ako nagloko ng ganito? Kung talagang sineryoso ko na s’ya?
Siguro ang mga ngiting nasa mga labi namin noon ay mananatili sa mga labi namin ngayon.
Nag-ayos na ko ng sarili ko para nakahanda ko sa pagdating ni Sherrie, may klase pa naman kasi ang isang yun e. Pagkaligo ko, agad akong nagbihis at saka nag-ayos. Pinaandar ang sasakyan at pasusunudin ko na lang si Bebe mamaya.
Gusto ko rin namang makausap ng maaga si Matt. Nagbabaka-sakali rin lang.
Kamusta na kaya s’ya? Nakabalik na kaya sya sa banda? Vocalist na kaya s’ya ulit? Kamusta na kaya ang banda n’ya? Depress pa rin kaya s’ya? Nakakapaglaro na kaya sya ng ayos ngayon?
Dumating ako sa meeting place namin, 10 minutes ahead sa pinag-usapan naming oras. Nagulat ako ng makita ko na lang s’ya ng nakaupo sa may table. Nasa isang restaurant kami ngayon, unang place kung sa’n kami nagkita dalawa.
“Fudge,” bati ko sa kanya. tumingin naman s’ya agad sa’kin at saka pumunta sa isang upuan para do’n ako umupo. Kahit kailan napakagentleman n’ya talaga.
“kanina ka pa?,” tanong ko.
“hindi naman, kararating lang rin.”
“ahh, nakakapagtaka wala si Tyrone?”
“ahh, s’ya ba? Alam mo namang laging late yun e,” tapos tumawa s’ya.
Isang tawa na parang kumurot sa puso ko. Bakit ganun? Bakit parang ang saya-saya n’ya? Na parang nakamove-on na s’ya sa mga ngiti at tawa n’ya?
Bakit parang okey na lang ang lahat para sa kanya?
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan. Hindi ba dapat maging masaya ako para sa kanya? Kasi masaya na s’ya. Nakukuha na n’yang ngumiti at tumawa. Hindi katulad nung kami pa.
Ngayong nakangiti na sya, isa lang naman ang ibig n’yang sabihin e. Nakamove on na s’ya, kahit na anong oras mula ngayon, handa na n’ya kong kalimutan. Baka nga nakalimutan na n’ya ako : (.
![](https://img.wattpad.com/cover/3498523-288-k22971.jpg)
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Novela JuvenilBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...