Ang ganda pala ng kabuan ng resort na 'to!!! *O*
Nasa taas na lugar kasi ito nakatayo kaya mula dito kitang-kita ang buong bayan!!! *U*
Pati na rin ang dagat sa baba ng resort, kitang-kita!!! Dagdag pa ang mga halaman na nakapagdagdag ganda sa ambiance ng buong resort \*/\*/. REFRESHING TALAGA!
Pupunta na lang ako sa may tabing dagat, baka sakaling mag-iba ang mood ko. Iniiwasan ko talagang wag isipin ang lahat ng mga pangyayari. Pinipilit kong wag magduda, wag mag-isip ng mga bagay na makakasakit lang sa'kin, pinipilit kong magtiwala at maniwala kahit pa alam ko na hindi totoo ang lahat ng mga bagay na gusto kong paniwalaan.
Hindi ko alam kung bakit ba talaga ako nagkakaganito. Natatakot lang ba ako na maiwang mag-isa kapag naging sila o natatakot akong maging sila kasi mahal ko na talaga si Tyrone? Bakit ba talaga ako nasasaktan? Kasi magiging sila na, o dahil kahit sinabi ko ng gusto ko s'ya, wala man lang s'yang naging reaksyon?
Mahirap magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin. Mahirap umasa sa mga bagay na wala na talagang pag-asa.
Gusto kong malaman n'ya kung ga'no kasakit ang nararamdaman kong kirot sa tuwing magkasama sila, kung malalaman ba nila, ititigil ba nila yan? E wala na ngang pakialam sa'kin si Tyrone e. Mahirap ipaglaban ang mga bagay na sila mismo ay ayaw ng lumaban.
Sana, hindi ko na lang natutunan ang pagtitiwala, ang pagpapahalaga, ang pag-aalala. Sana nanatili na lang ako ang loner na si Chin, para hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana ako pa rin ang taong hindi alam kung pa'no ang magpahalaga, na ang turing sa mga tao ay lahat lolokohin lang ako at iiwan. Kung nanatili akong ganun, masasaktan kaya ako ng ganito ngayon?
Kung nanatili lang ako sa mundong meron ako noon, hindi ko mararanasan ang lahat ng sakit na meron ang mundong ito.
Pinunasan ko ang luha ko kasi napansin kong may papalapit ngayon sa'kin e. Matapos kong ayusin ang sarili ko, saka ako humarap sa kanya.
"Yhats," sabi ko sa taong kaharap ko ngayon.
"kanina pa kitang tinatawag, hindi mo ko naririnig?," ha? Tinatawag n'ya pala ako?
"pasensya na, wala akong narinig e."
"malakas kasi ang hangin kaya siguro ganun."
"bakit mag-isa ka lang?", tanong n'ya sa'kin.
Bakit nga ba? Siguro, busy na naman s'ya kay Heaven, kaya nag-iisa ako ngayon.
"hmmm, namimiss ko lang ang maging loner," sabi ko habang nakatingin sa dagat. Kung pwedeng ipa-anod ko na lang sa bawat alon ng dagat ang nararamdaman ko...
"weird =_____=," yan lang ang nasagot n'ya.
"yeah, as what I used to be."
***
SHERRIE's POV:
Sa wakas, nandito na rin kami sa venue. Akala ko talaga hindi na ko makakarating dito sa sobrang sama ng pakiramdam ko >//////<.
"kamusta na ang pakiramdam mo?", tanong ni Bhie sa'kin. Kasama ko s'ya ngayon sa may room, dito na muna daw ako.
"okey na naman ako," sabi ko habang bumabangon sa pagkakahiga ko, "medyo nawawala ang hilo ko."
Nakita ko s'yang ngumiti sa'kin, kaya ngumiti na rin ako. Ang sarap talaga sa pakiramdam ang may nag-aalaga sa'yo ^_______^.
"magpahinga ka na muna dito, titingnan ko lang ang ginagawa ng iba sa labas," tapos lumabas na s'ya ng pinto, magtext na lang raw ako kapag may kailangan ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Teen FictionBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)