SHERRIE’s POV:
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nabwibwisit kapag ang sweet ng magbestfriend na to. Lalo na kapag si Chin ang dahilan ng mga ngiti ni Tyrone, or vice versa. Tssss. Kumukulo ang dugo,as ing kumukulo >//////<
Hay! Tinitingnan ko lang ang mga kamay ko ngayon, hindi ako ganito kasi may feelings ako kay Tyrone. At isa pa ang feelings yan. Hindi naman talaga ako sigurado na may nararamdaman ako sa isang yun. Ewan ko ba, malay natin kung baka may naalala lang ako sa past ko di ba? Tsssss, I hate being in this senti mood =___=. Naiinggit ako sa kanila, hindi nagseselos. Yah, that’s the correct and right term. Naiinggit ako kasi kahit magbestfriend lang ang drama ng dalawang to, masaya at contented sila sa isa’t isa. Talo pa nga nila ang mga taoong may status na in a relationship kung mahalagahan ang isa’t isa. Psh.
“Tyrone!!!!,” sigaw ng isang estudyante sa may gymnasium. May sunog ba at aligagang-aligaga ka?
“si Chin nahimatay, nasa clinic s’ya ngayon.”
Ano raw? Nasa clinic si Chin? Kahit hindi ako ang tinawag, napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. Kahit pa’no we’ve been casual friends. Nakita ko na nagmamadaling lumabas ng gym si Tyrone at si Matt, kaya sumunod na rin lang ako.
Pagdating namin dun nakahiga na si Chin sa may kama, katabi si Marsha.
“anong nangyari?,” tanong ni Matt. Nagkibit-balikat lang naman si Marsha. S’ya ang kasama pero hindi n’ya alam kung anong nangyari.
Hinawakan ni Tyrone ang kamay ni Chin. Kahit dito kailangan magpakasweet?
“yan ang napapala ng kapupuyat e,” sabi ni Tyrone, “lowblood tuloy.”
“ha? Anong sinasabi mo d’yan?,” tanong ko na naman.
“lowblood lang si Yhum kaya nahimatay, kapag nakabawi na s’ya ng tulog, magiging okey na rin s’ya,” sabi n’ya sa’min. So kayo na nga ang close, at pati ang sakit ng isa’t isa alam n’yo.
“sigurado ka d’yan, pare?,” curious na tanong ni Matt.
“okey lang s’ya Matt, hindi naman mas’yadong malakas ang pagkakabagsak n’ya e, at saka sabi rin ni Tyrone, tulog lang yan,” paliwanag naman ni Marsha.
“o pa’no ba yan, maiwan na muna ako dito, ako muna ang magbabantay sa Yhum ko,” hindi pa kami aalis ha? Parang gusto mo na kaming maalisin e.
“oo pare, alam namin,” Matt tapped Tyrone’s shoulder, “alagaan mo si Chin ha?”
“Matt ang OA mo,” sabat naman ni Marsha, “sige una na kami, Bebe maiwan ka na muna dito ha? Wag kang maninira ng scene,hahahaha.”
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Teen FictionBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)