Chapter 33

423 15 0
                                        

Nakatapos ng kumain ang tatlong yun: si mom, dad at ang kapatid kong si Mia. Nasa kusina pa rin ako at pinaghahanda ng pagkain si Yhum. Ano kaya ang pagkain ang dapat kong ihanda?

Sweets lang kaya? Hmmmm. Ano pa kaya? Mahilig rin s'ya sa mga cookies at pasta. Ayos na kaya to? Hindi naman kaya maumay si Yhum sa dala ko? Baka naman tumaba bigla si Yhum sa dala ko?

Nawala ako sa focus kasi panay ang tingin ni Mia sa'kin. Ano ba ang problema ng batang yun? Ipapakilala ako na nga s'ya di ba? Bakit ganun pa rin ang hitsura nun? Pangmahal na araw na e.

Hmmmm, ano ba kasing ate yun? Sino ba kasi ang unang naging ate nun? Isip-isip nga Tyrone...

Teka wag n'yang sabihin na si... ano ang tinutukoy n'ya?

Si Chaii ba ang tinutukoy ni Mia na ate n'ya dati?

(the author's note: way to CHAPTER TWO: CLOSENESS part 2)

*FLASHBACK*

One month ago

"Babe, can we talk?," sabi sa'kin ni Chaii.

Hindi naman talaga Chaii ang real name n'ya.  Vynn Punzalan. Ang layo ng "C" sa "V" pero d'yan nagsisimula ang nickname n'ya.

She's one of the campus figres sa campus namin. Title holder s'ya ng halos bikini open sa iba't ibang lugar. No doubt she becomes the star of our university.

During that time in a relationship pa ang status ko. Kami pa nun at hindi ko alam na one month lang ang kayang naming itagal...

"yes Babe?," response ko naman habang s'ya ay umupo sa tabi ko.

"may sasalihan akong bikini open on this date, be there ha?," sabay kiss sa cheeks ko.

"hindi ka sasali."

"bakit naman hindi babe?"

"hindi kita pinapayagan," alangan namang hindi ka sumama pero pinayagan kita?

 =____=

"pero babe, pumasa na ko sa screening e..."

"at kanino ka nagpaalam na mag-iiscreening ka?," pasigaw kong sabi sa kanya, "di ba nagkasundo na tayo na hindi ka na sasali sa mga bikini open? Ano tong ginagawa mo?", asar ha, TSK! Umiinit ang ulo ko. >__<

"pero babe, namimiss ko na yun," sabi n'ya habang nakatingin sa'kin, "ano bang masama sa pagsali ko ha?"

"babe naman!," anong klaseng tanong yan? GIRLFRIEND kita bakit ko naman hahayaan na magmodel ka ng mga swimsuit ha? Isipin mo naman sana ang nararamdaman ko...

Yung feeling na pinapanood s'ya ng maraming tao... may sumisipol sa kanya... tapos yung mga tingin pa sa kanya... sinong boyfriend ang papayag sa ganun?

Pakiramdam ko, pinagpyepyestahan ang girlfriend ko...

"ano babe!!!!," sigaw ni Chaii sa'kin, "ano bang problema, bakit hindi mo ko payagan?"

"babe, napag-usapan na natin to, pumayag ka di ba?," sabay hinga ng malalim, hindi ko kasi masabi sa kanya ang mga nararamdaman ko...

"pero babe, hindi ko naman basta-basta pwedeng talikuran ang bagay na yan...", nakatungo lang s'ya habang sinasabi n'ya yan...

"alam ko ang nararamdaman mo at naiisip mo...", naririnig ko na medyo nanginginig na ang boses n'ya, "nasasaktan ka di ba? Pero babe, d'yan ako nakilala bilang ako ngayon, yan ang passion ko, eto ang trabaho ko at masaya ako sa ginagawa ko..."

Umupo ako sa tabi at saka niyakap s'ya. Sa puntong to, kung nasasaktan ako... mas nasasaktan ang babe ko...

"pero hindi mob a talaga maiiwan yan babe.....", bulong ko sa kanya habang nakayakap sa kanya

Hindi s'ya umimik. Nasasaktan ako sa pananahimik n'ya...

"babe, pag-iisipan ko," sabi n'ya habang nagpupunas ng  mga luha n'ya, "pero ano man ang magiging desisyon ko, tandaan mo na mahal na mahal kita," hinalikan n'ya ko at saka s'ya umalis.

Mula nun, hindi na s'ya nagparamdam. Walang text o tawag... ni sulat kung ano ang sagot n'ya wala talaga...

Miss na miss ko na s'ya...

Kahit si Mia, namimiss na rin s'ya. Madalas kasi yun pumunta ng bahay namin at makipaglaro kay Mia... pero para na lang s'yang bulang nawala.

Palaging hinahanap ni Mia ang ate Chaii n'ya. Palasi s'yang pumupunta sa may veranda, nakatingin sa labas, naghihintay sa ate Chaii n'ya.

Kahit ako hindi ko alam kung break na ba kami o hindi pa...

Umiiyak na lang si Mia kapag sinasabi kong break na kami ng ate Chaii n'ya. Mas'yado pa s'yang bata para sa mga ganitong bagay e... hay naku, ang daming taong nasasaktan >////< pati tuloy si Mia, nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko...

Gabi-gabi, binabasa ko ulit ang mga texts n'ya sa'kin... kung pa'no ko s'ya nakilala... sa'n kami nagsimula... mga ayaw at problemang nalampasan namin...

Ang sakit isipin na dahil sa walang kwentang pride, nasira ang relationship namin.

Ilang araw ang lumipas, nakilala ko naman si Chinchin, ang Yhum ko ngayon. kahit pa'no, nakalimutan ko si Chaii, a paraang may nakukulit ako at may nalalambing...

Hanggang isang araw habang namamas'yal kami ni Yhum, nakatanggap ako ng text sa kanya.

From: my one and only babe

"Sorry kung bigla na lang ako hindi nagparamdam. I miss you so much..."

Unti-unting gumihit ang ngiti sa mga labi ko... saw akas, babalik na ang babe ko ^______^V matagal rina ko naghintay kung kailan s'ya magpaparamdam ulit, at eto na s'ya, nagbabalik na ang babe ko ^__________________^

"alam ko na labis kitang nasaktan, gusto kong malaman mo na doble ng sakit na nararamdaman mo ang sakit na nararamdam ko... I love you so much, but I have to say goodbye... thank you for everything... I love you goodbye...

Hindi ko alam ang mararamdaman ko... hindi ko alam...

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon