Chapter 78

370 10 1
                                    

CHINCHIN’s POV:

Madaling lumipas ang mga araw, pagkatapos ng gabing yun. Wala na kaming ginawa ni Yhum kung hindi ang mag-away dito, sagutan doon, magduda dito, at sumbatan doon. Paulit-ulit na lang kami sa iisang topic. Wala na kaming ginawa kung hindi ang magsagutan sa phone, ang pag-snoban sa campus. Hay, nasan ang sinasabi n’yang ibabalik ang dati?

“nag-iisa ka yata ngayon,” tawag ng isang parang pamilyar na boses sa’kin, nakatalikod kasi ako sa kanya, at binobosesan ko lang s’ya, “asan ang bestfriend mo?”, pati si Yhum kilala n’ya?

Lumingon ako para makita ang taong nagsasalita sa likuran ko. Hmmm, parang nakita ko na nga s’ya. Oo, tama s’ya yung lalaking nakausap ko noon, na may kasamang selosang babae. S’ya nga yun, Alex? Oo, tama tinawag s’yang Alex ng babaeng selosang yun. >3<

“teka di ba ikaw si…”, sabi ko habang iniisip ko pa rin yung pangalan n’ya, mahirap na kapag nagkamali ko. :P

“oo, si Alex yung nakausap mo noon,” sabi n’ya habang nakangising nagpapakilala sa’kin, “tanda mo pa pala ako? Napakamatandain talaga ng mga babae.”

“pa’no kita hindi makakalimutan, halos kalbuhin na ko ng babaeng kasama mo sa sobrang selos *pouts*,” sabi ko yan sa kanya, nakakahiya kaya yun >__<

“si Thea ba?”, sabi n’ya habang napapakamot sa ulo, oo s’ya nga, “ganun talaga yung babaeng napakaselosa : ),” oo nga e, sobra.

“anong ginagawa mo dito?,” hindi ka naman taga-school namin e.

“ahhhmmm, may inaasikaso lang ako dito,” sabi n’ya, “ikaw bakit nag-iisa ka dito?”, tanong n’ya sa’kin. Obviuos ba kung bakit ako nag-iisa? Wala akong kasama di ba kaya nag-iisa ako e.

“Alex, may tanong ako,” sabi ko sa kanya, heto na naman ako, nagtatanong sa mga hindi ko kilala, “anong tingin mo sa isang kaibigan na may girlfriend na pero ayaw mo pa rin s’yang iwan?”

“ang gulo ng tanong, pakiulit nga,” nang-aasar n’yang sabi sa’kin >3<

“hoy naku, wag na nga lang!,” mang-aasar lang pala ang unggoy na to, aiisssshhhhh! >3<

“second choice, past time?”, sandali akong napatigil at muling napalingon sa taong iiwan ko na sana. Anong second choice? Past time? Hindi yan magagawa sa’kin ni Yhum.

“alam mo kasi, kapag ang kaibigan mo ay may karelasyon na, nawawalan na s’ya ng time at panahon sa mga naging kaibigan n’ya, minsan maaalala ka lang nila kapag may naging away sila ng girlfriend/boyfriend nila, minsan kapag wala naman ang mga karelasyon nila saka ka nila maalala, so anong tawag dun ngayon?”, sabi n’ya habang humaharap sa’kin, “anong tawag dun? Kapag nagiging sweet sila, talaga nga bang sa’yo, or may namimiss lang s’ya? At the very first place kasi, nag-iiba ang tingin ng isang tao sa kaibigan n’ya at sa girlfriend n’ya. Handang gawin ng isang tao ang lahat para sa ikabubuti ng kaibigan n’ya pero handa s’yang maghirap at magdusa kasama ang mahal n’ya.”

Ako? Past time ni Yhum? Wala akong naisagot sa kanya kung hindi ang mga luhang tahimik na tumutulo sa pisngi ko. Wala na kong maramdaman sa sobrang manhid ko na! Wala na talaga.

“sshhhhh,” sabi nya habang niyayakap ako, “masakit talaga ang maging second option sa mundong to, pero nasasayo rin naman yan kung pa’no mo mababago yan.”

“okey lang ako,” sabi ko habang kumakalas sa yakap n’ya, “salamat.”

Pa’no n’ya naman nasabi na past time lang ako ni Yhum? Magkakakilala ba sila? Hindi naman di ba? Pa’no n’ya nasasabi ngayon ang mga ganyang bagay? Ano bang basis n’ya? Wala naman di ba? Hindi yan totoo, hindi naman kasi lahat pare-pareho, katulad ng sinabi n’ya, hindi lahat pare-pareho kaya pwedeng hindi yun ang talagang intention n’ya di ba? Pwedeng hindi talaga ako ganun para sa kanya. Kaibigan kaya ko e, at hindi lang ako second option. Talagang may mga times na dapat n’yang i-spend para kay Sherrie kasi girlfriend nga n’ya yun di ba? Pero bestfriend kami, BESTFRIEND at hindi lang ako second option.

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon