Chapter 59

332 13 0
                                    

MATT’s POV:

Nung sinabi na n’ya na aalis na s’ya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bakit pa ba kasi kailangang humantong sa ganito ang lahat? Bakit mo pa kailangang umalis Marsha, bakit? Habang tumatagal na magkalapit kaming dalawa, humihigpit ang yakap ko sa kanya. Ayoko ko na s’yang pakawalan. Ayoko ng kumalas sa mga yakap n’ya.

“Matt, I have to go,” sabi n’ya habang inaalis ang braso ko sa kanya. Nakatayo lang ako. Pinapanood s’ya habang kinukuha ang gamit n’ya, at lumalakad papalayo sa’kin. Nakakalalaki na talaga. tsss.

Hinatak ko ang braso n’ya, at saka niyakap s’ya ulit. Isang yakap na hindi ko alam kung isang yakap ng pamamaalam o yakap ng isang pakiusap.

“mag-aaniversary na sila, sayang naman.”

 

Naalala ko ang mga linyang yan sa sinabi ni Yhats kanina. Lalo lang tuloy humigpit ang yakap ko kay Marsha.

Yakap ng isang panghihinayang. Paghihinayang sa isang relasyon na ang akala ko ay wala na nga katapusan, na s’ya na ang happy ending ko. Isang magandang love story, pero tulad ng karamihan, sad ang ending.

“I have to go,” she removed my arms and walked away. Without looking back.

Mahal pa rin kita Marsha. Mahal na mahal.

Naiwan ako dito sa kinatatayuan ko, nag-iisa at puro panghihinayang.

***

CHINCHIN’s POV:

At dahil walang magawa sa campus, uuwi na lang ako ng mag-isa TT___________TT. Asan ka na ba kasi Yhum : (. Ayoko ng feeling na ganito. Hindi na ko sanay. Nasanay na ko na may parating makulit sa tabi ko, may mang-aasar. E ngayon, pakiramdam ko ako lang ang nag-eexist sa mundong ito T____T

Text, tawag, gm. Hindi talaga ako pinapansin ni Yhum >_____<. Kakainis! Kakatampo na talaga! >_<

*toot*toot*

May nagtext na ^__________________________________________^. Si yhum na to, hehehe ^/\^, busy lang talaga si Yhum ko.

From: Matt

Yhats, punta ka dito, sa may mall. See you sa taas. I’ll wait.

 

=____________=, bestfriend pala ng bestfriend ko ang nagtext. Nakakainis na talaga!!! Nagtatampo na ko : (.

Nagtext ako at agad pumara ng masasakyan papuntang mall. Iisa lang naman ang malapit na mall sa’min e, at sigurado naman akong yun ang tinutukoy nun.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga napapansin ko this past few days : (. No text man lang kay Yhum. Ganun na ba talaga s’ya ka-busy? Hindi na magawa ang maitext ako? At saka hindi n’ya pa sinasabi sa’kin yung sa kanila ni Sherrie, kung bakit parati silang magkasama : (.

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon