Chapter 70

321 11 1
                                    

CHINCHIN’s POV:

Nakatingin lang ako sa taong kasama ko ngayon. Nagtataka kung s’ya pa rin ba talaga ang Yhum na nakilala ko. Nararamdaman ko ang init ng mga palad n’ya sa kamay ko, ito pa rin ang pakiramdaman ko sa tuwing hinahawakan n’ya ang kamay ko. Pinagpapawisan ng malamig at nganginginig. Pero ngayon, alam kong may nagbago. Alam ko na may nangyayaring hindi ko alam, at alam kong may nagbago.

Wala akong lakas ng loob para alamin yun. Natatakot ako sa mga bagay na dapat kkong malaman. Natatakot ako sa mga bagay na matutuklasan ko. Ewan ko ba, pero kahit ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako ang Chinchin na dating hindi kinakausap ng ibang tao, hindi ako ito. Ako ang taong walang inisip kung hindi ang sarili ko lang. Walang pakialam sa ibang tao kasi, ayokong masaktan. Sobrang mahalaga ang sarili ko higit sa ano mang bagay at lahat ng mga nakakasakit at makakasakit sa’kin, nakahanda ako para iwanan at kalimutan. Pero bakit pagdating sa’yo Tyrone, hindi ko magawa? Bakit sinasabi sa loob-loob ko, iba ka sa kanila, bakit sinasabi nito na hindi sapat ang nararamdaman ko para iwan ka? Na hindi ito sapat na dahilan para maniwala ako at iwan ka? Bakit sa’yo, nakahanda akong masaktan makasama ka lang?

“Yhum?,” narinig kong may tumatawag kaya lumingon ako, “wag kang bibitiw ha?,” sabay hila sa kamay ko, “alam kong takot ka sa dilim, pero wag kang bibitaw kung ayaw mong mawala.”

Kumapit ako sa kamay n’ya habang nagsisink-in pa rin sa utak ko ang sinabi n’ya. Wag daw akong bibitaw. Tama ba? Wag akong bumitaw? Ako lang ang kakapit ganun ba yun? Pa’no kung makabitaw ako? Pano kung mawala ako?

 “pero yhum pano kung makabitaw ako,” sabi ko na nangangatal ang boses ko, natatakot ako. Ayokong mawala ang kapit n’ya sa’kin. Ayokong makitang hawak na ng iba ang hinahawakan ko ngayon, ayoko.

“kaya nga wag kang bibitaw, hindi ka mawawala sa tabi ko,” sagot n’ya.

“pero kasi,” protesta ko naman, bakit ba ang hina ng utak ng isang to, “ang sabi mo, kumapit lang ako, at kakapitan mo ko, kung ayaw kong mawala,” tama di ba? Yan ang sinabi mo nung unang field trip natin sa may kweba. Hawak mo ko, kaya dapat hawakan rin kita, kung ayaw kong mawala tama?

“wag kang matakot Yhum,” hinawakan n’ya ang dalawang pisngi ko at saka ako tiningnan mata sa mata, “mawawala ka kapag bumitaw ka, kaya dapat wag kang bumitaw kung ayaw mawala, okey ba?”

Hindi okey Yhum, yan ang gustong sabihin ng mga bibig ko, pero tangging pagtango lang ang kaya kong gawin. Gusto kong sabihin na hindi ako kampante na ako lang ang kakapit, dapat kaming dalawa. Kasi kapag ako lang, kahit gusto kong kumapit at ayaw kong bumitaw, kung ayaw mo naman, may magagawa ba ko?

Nagsimula na ang dare. Sabay kaming tumakbo sa kung sa’n namin makikita ang hinahanap namin. Takbo lang kami ng takbo, hindi alintana ang mga taong nakasasalubong at nakakabangga. Kahit hindi ako makaakbo ng mabilis, at kahit nagkakanda-bunggo-bunggo na ko, hindi dapat ako bumitaw, hindi dapat, dahil once na ginawa ko yun, may mawawala at masasaktan ako. Kaya dapat hanggang maaga pa, iwasan ko yun.

Hanap. Paghahanap sa kabiyak ng pusong pilit itinago at iniligaw sa kanyang kabiyak. Mga bagay na kung iisipin ay sinasadyang gawin at sadyang ipinapahanap sa iba. Medyo nakakatawa mang isipin na anong malay namin kung nasa’n ang kabiyak ng pusong yan, kung bakit kailangang kami ang maghanap at hindi ang nagtago nun, par asana hindi na namin kailangang masaktan, hindi na namin kailangang makipagbunuan sa iba, makipag-agawan gayong may mga nakalaan naman sa’min. Unahan kami sa paghahanap, nag-aagawan sa pusong hindi naman sa’min kasi nakatadhana sa iba. Ang nakakatawa pa, habang hinahanap mo, hindi mo lalo makita, pero subukan mong wag maghanap, at nasa tabi mo lang yan. Isang bagay pa, bakit kailangang pang maghanap kung lahat ng bagay ay nakatadhana para sa isa’t isa?

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon