MATT's POV:
Ang boring ng maghapon ko.
Walang mapuntahan.
Nasa may garden ako ngayon inaaliw ang sarili ko.
Napatitig ako sa isang gardenia sa may sulok ng garden. Ewan ko pero bigla na lang akong napangiti.
Hmmmmm, naalala ko na naman yun.
*flashback*
Nakaupo ako sa may beach sa ilalim ng puno ngayon, pinapanoud ang ibang estudyanteng naglalaro ng football.
Alone ang peg ko ngayon e. maaga kasing natapos ang klase ko kaya naghihintay ako sa iba kong katropa.
Medyo bumoboring na ang laro kaya umalis na ko at naglakad-lakad. Kung sa'n ako pupunta... hindi ko alam. Bahala na ang mga paa ko ang magdala sa'kin sa pupuntahan ko.
Feeling nakakapag-isip??? LOLs.
At nandito na ko ngayon sa garden ng campus.
Ang bango ng simoy ng hangin. Ang sarap amuyin. Punong-puno kasi ng bulaklak ang garden ngayon kaya nadadala ng hangin ang amoy ng mga bulaklak
Marami ring paru-paru. Naghahabulan isang bulaklak papuntang sa isa. Ang ganda lang tingnan.
Ang romantic ng place. Puro red tulips sa tabi ng garden, hanging plants na may bulaklak na puti ang nakabitin. Isang punong namumulaklak??? Hindi ko alam ang tawag pero ganun ang hitsura n'ya. May duyan sa punong yun, na napapalibutan ng mga bonsai.
Tapos may mga circles ng halaman. May puno ng hoya, roses, dahlias and daisies. Yung iba naman mga gardolias, carnations, cadena de amor, orchids at chrysanthemum, may mga benches rin. Hehehe dami kong alam sa halaman no, mahilig kasi sa halaman ang mom ko nung nabubuhay pa s'ya.
Doon ako pumunta sa may duyan. Feel na feel ko ang place e, sayang wala pa kong girlfriend nun. Hindi ko pa nakilala nun ang fudge ko. hehehehehehehe
Pag-upo ko sa duyan, nakita ko na may tao pa pala dito bukod sa'kin. Nandun s'ya sa may bermudahan na puro bulaklak. Nakaupo nakasandal sa may gardenia at mukhang nagbabasa.
Yun ang unang beses na nakilala ko si Chinchin.
" hmmmmmm, nag-iisa ka lang?," bati ko sa kanya. Sa totoo lang hindi kami close. Kilala s'ya sa campus bilang loner at weird. Mangkukulam ang tawag ng ilan. May mangkukulam pa ba ngayon sa 20th century???
Tumango lang s'ya, at mukhang busy sa pagbabasa. Hindi ko na tinanong kung ano yun kasi parang ang akward naman ng ganun. --_______________--
She's pretty, undeniably. Mukha nga s'yang manika e. long-eye lashes, almond-shaped eyes, rosy cheeks at pointed nose.
"bakit ka nakatingin sa'kin???," nagulat naman ako sa biglang pag-imik ne'to.
"wala naman, ang ganda mo kasi," sabay ngiti ko. nakita kong nagblush s'ya pero hindi na ko nagfollow up pa, baka mahiya na at umalis pa eh.
"ang ganda dito," sabi ko habang tumitingala. "madalas ka ba dito???,"
"hmmmmmmm, yup," narinig kong sinagot n'ya pero hindi n'ya maalis ang tingin n'ya sa aklat na binabasa n'ya e.
"bookworm ka siguro," sabi ko ng nakatingin sa kanya.
Tumingin rin naman s'ya sa'kin, pero sandali lang at nagbasa na ulit.
"oo e, adik na nga ako," halata naman, halos magkapalit na kayo ng mukha ng libro.
--_______________--
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Teen FictionBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)