Chapter 32

424 18 0
                                        

Lampas na ang alas otso ng makauwi kami. Buti na lang at dala n’ya ang phone n’ya kaya nakatawag ako sa bahay nila para ipaalam na nandito s’ya sa bahay. Wala naman s’yang makakasama sa kanila kaya dito ko na muna s’ya inuwi.

“Tyrone?!,” gulat na bati ni mom sa’kin. Kaw ba naman ang may buhat-buhat na babae papasok ng bahay?  Sinong hindi magugulat? --____________--

“mamaya na po ako magpapaliwanag,” sabi ko habang karga-karga si Yhum, pataas. Sa kwarto ko na muna s’ya dadalhin.

Ibinaba ko na s’ya sa kama para makapagpahinga na s’ya. Habang binababa ko s’ya, napansin ko s’yang naliligo sa pawis >///////

Pwede kayang ako na lang ang magpalit sa kanya? Wala naman sigurong malice yun kasi bestfriends kami? At saka hindi naman ako titingin e, promise ^_________^.

Wala naman kasing magpapalit sa kanya kung hindi ako di ba? Wag na lang kasing lagyan ng malisya --________--.

“ako na ang gagawa n’yan,”  nagulat naman ako sa nagbukas ng pinto, ang mom ko pala, “maghapunan ka na muna sa baba.”

“opo,” sabay kamot sa ulo, sayang hahahaha. JOKE lang ^___________^

Sumunod na lang ako kay mom. Bumaba na ko para maghapunan. Dadalhan ko na lang si Yhum sa taas mamaya. Pagbaba ko, nandun na ang nakababatang kapatid ko at si dad.

“hello kuya!,” bati sa’kin ni Mia, “sino yung kasama mong babae kuya?”, tanong n’ya sa’kin. Eto na nga ba ang Q and A portion. --______--

“bestfriend ko,” maikling sagot ko, ayoko ng habaan. Madaldal kasi ang kapatid ko. Lahat ng nakikita tinatanong.

“e bakit s’ya nandito?,” tanong agad ni Mia. Bakit masamang magdala ng bisita sa bahay?

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Tsssss. Nang-uusisa na ang kapatid ko --__________--

“nasa hospital po kasi ang mga parents n’ya kaya dito ko na muna s’ya dinala,” pwedeng kumain na lang tayo? Kinakabahan ako para sa sunod na tanong.

Nagkatinginan si Mia at saka si dad. Anong meron sa dalawang to? Bakit  parang natigilan?

 “hindi mo s’ya girlfriend,anak?,” tanong dad sa’kin.

“oo nga kuya,” follow-up naman agad ni Mia, “ang amo nga mukha n’ya parang angel ^____^.”

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon