"o eto na ung ice cream mo," sabay abot ng ice cream ko.
Wow! CHOCOLATE FLAVOR talaga!!!!!! *drools*
"salamat ^__________________^," pagka-tanggap ko may naalala nga pala ako. Nagbabakasaling tinext na n'ya ko, or nagmisscall man lang. Kaya kinapa ko ang phone ko sa bag ko.
"aba nga naman," narinig kong sabi ni Yhats, kung sinong kausap, hindi ko alam. Hinahanap ko pa rin ang phone ko e, kung sa'n ko ba kasi na naman nailagay yun >_______<. Kapag emergency na hindi ko mahagilap!!!!!!
"anong ginagawa n'yo dito?"
"namamas'yal-mas'yal lang,kayo?"
"hang-out lang rin."
"Si Chin ba ang kasama mo?," tanong ng babae kay Yhats, pambabae ang boses kaya alam kong babae ang nagsasalita. Kapag nakita ko ang phone ko nay un, lagot yun sa'kin >__________<
Pero teka, pangalan ko ba ang narinig kong tinwag ng babaeng kausap ni Yhats? Sino naman kaya yun? Hindi ko mabosesan e *toinks* busy ako sa paghahanap ng phone ko sa bag ko >___<
Lilingon sana ako sa kanila ng bigla hinawakan ni Yhats ang kamay ko. =____=
"oo, s'ya nga," sabay hatak naman ni Yhats sa braso ko papalapit sa kanya dahilan naman para mahulog ang gamit ko mula sa bag ko. Hindi rin masakit ang ginagawa n'ya =____=.
Pagtungo ko may isang bagay na nakakuha ng atensyon ko. Mga daliring nakacriss-cross sa isa't isa. Dalawang kamay.Oo may dalawang kamay akong nakita habang itinataas ang tingin ko.
Bakit ganito ang nararamdaman? Bakit parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba? Parang may kung anong bagay ang pumipigil sa'kin para tingnan kung sino ang maghawak ng kamay sa harapan ko. Kutob. Lagi na lang naman kutob ang meron ako e! Mga kutob na walang kasiguraduhan, walang basehan! >___________<. Kaba at hindi maipaliwanag na takot ang nararamdaman ko habang binabaybay pataas ang tingin ko sa kanila. Kilala ako nung babae, kaya sigurado rin akong kilala ko s'ya. Lalong kumakabog ang dibdib ko sa tensyong nararamdaman ko >______<.
"She—sherrie? Yhu—yhum?", nauutal kong bigkas sa pangalan nilang dalawa, kasabay ng pagbagsak ng luha ko.
***
CHAII's POV:
Kung bakit ba kasi ako ang naging liason officer ng buong school? Don't they know na mahirap at masakit sa paa ang umakyat at baba ng hagdan ng nakaheels? Tssssk!
Nandito ako sa may hallway ngayon, looking for Chin. May ipinapagawa sa kanya si Ate Ann at since ako ang liason officer, ako ang may task na dalhin ang mga ipinapagawa ni Ate Ann sa kanya. Messenger na ata ako ngayon at hindi na liason =______=
Napadaan ako sa may canteen para s'yempre magmeryenda kahit papa'no. Nakakagutom rin kaya.
"Pancake and lemonaide," sabi ko sa may counter.
Hindi naman puno ang canteen kaya madali lang humanap ng mauupuan. Pagdating ko sa upuan ko, nakita ko sa may bintana magkasama si Tyrone at Sherrie sa may bench ng campus? Totoo ba tong nakikita ko? Magka-akbay pa talaga sila? Wow, ang PDA a.
Bakit kaya sila ang magkasama ngayon at hindi si Chin? May something ba sa kanila?
Narinig kong nagbukas ang canteen. Si Chin ang dumating at mukhang tatabihan pa ata ako ng isang to. Pumunta lang s'ya sa may counter para sa meryenda n'ya at tama nga ako, dumiretso s'ya sa table ko.
"pwede ako dito?", tanong n'ya. Tumango lang naman ako habang sinasarahan ko ang bintana ng kurtina. Wala lang, I feel something na hindi ko maipaliwanag.
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Dla nastolatkówBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)