SHERRIE’s POV:
“aray ko!!!!,” sigaw habang nasa gitna kami ng mini forest ng resort na to >__<. Natapilok ako sa batong naapakan ko! Katitila lang kasi ng ulan kaya ang dulas ng lahat ng bato! AAAIISSSSHHHH!!!
“ayos ka lang ba?”, tanong ni Matt habang nakaupo ako sa ugat ng malaking puno.
“mukha ba kong okey?,” sagot ko sa kanya? Eh s’ya? Okey lang ba s’ya? Tssss.
“sa’n masakit?”, tanong n’ya pa.
“yung likod ko kaya ang hawak ko ay ang paa ko, tssss. Wag ka na nga lang magtanong,” nakakaimbyerna e >___<
Umupo s’ya sa may harapan ko, dun sa may tapat ng paa kong masakit. Hindi ko alam kung anong gagawin n’ya, pero parang ine-examine n’ya yata. Panay ang tingin n’ya e.
“may naipit kang ahas,” sabay turo sa may ilalim ng binti ko.
“san! San ang ahas!!!,” sabay lundag ko at patakbong umalis sa kinauupuan ko, ayaw ko pang mamamatay at hindi ko pinangarap mamamatay sa kamandag ng ahas!!!!
“magaling na ang paa mo,” pagkasabi n’ya nun, napatingin ako sa mga paa ko. Nakatayo na nga ako, at saka hindi na masakit ang paa ko, pwera nung pumwersa ako sa paglundag kanina.
“nasuklo lang yan. Kung makapagreact ka, parang naputulan ka ng paa,” ano ba ang isnag to nang-aasar?
“dapat si Bhie na lang ang buddy ko!,” nakakainis kang kasama! EPAL!! >__<
“Bhie?”, tanong n’ya. Ooopppsiiieee, hindi nga pala alam ng iba ang CS namin ni Tyrone. :P
“si Tyrone,” sabi ko sabay irap sa kanya. Makaalis na nga lang, hmmmppffft!
“aminin mo nga,” sabay hatak ni Matt sa braso ko, “kayo na ni Tyrone ano?”, nabigla ako sa tanong n’ya. Kami? At ano naman kaya ang nakain ng isang to at yan ang nitatanong sa’kin?
“hindi ko alam ang sinasabi mo,” sagot ko sa kanya, “binatawan mo ko nga ko.”
“Sherrie!”, napalingon kaming dalawa sa taong tumawag sa pangalan ko. Sabay bitaw sa’kin si Matt, “okey ka lang ba? Nakarinig akong ng sigaw e.”
“okey na ko,” sabi ko habang papalapit sa kanya, “nadulas lang ako kanina, at tinulungan na rin ako ni Matt,” sabay lingon sa kanya. Kitang-kita sa mga mata n’ya ang pagkainis. Hay :’(.
“salamat Tol,” sabi ni Tyrone sa kanya, pero bigla na lang akong nagulat ng makita ko na lang natumba si Bhie sa lupa >////<. Bakit mo s’ya sinuntok Matt? O__o
“Ano bang problema mo, Matt?”, sabi ni Tyrone habang nakaupo sa lupa.
“ikaw? Anong problema mo?”, batong tanong ni Matt, “nagawa mong mag-alala sa kabuddy ng ibang tao, pero yung kabuddy mo iniwan para alalahanin ang kabuddy ng iba.”
Pagkasab n’ya nun, sabay pagbagsak ng malakas na ulan. Parang may anghel na dumaan sa’ming tatlo. Walang nagsasalita, lahat kami tahamik lang. Wala kang maririnig kung hindi ang malakas na ulan at ang hinga ng isa’t isa. Nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita.
Masaya ako kasi inalala n’ya ko. Pero sayang dahil iniwan n’ya si Chin para sa’kin? Hindi to saya, kung hindi galak. Ganun na ba talaga ako kahalaga sa kanya? Para iwang mag-isa ang bestfriend n’ya?
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Roman pour AdolescentsBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...
![BestFriend Tragedy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/3498523-64-k22971.jpg)