Marami bagay ang mahirap kalimutan. Lahat naman kasi ng bagay hindi ganun kadaling kalimutan, lalo pa’t ang alalang yun rin ang nagpapasaya sa’yo. Siguro nga, kailangan na lang namin tanggapin na hindi ito ang tamang panahon para sa pagkakaibigan namin. Kailangan rin naming isipin ang mga taong nakapaligid sa’min, ang mga maapektuhan sa pagkakaibigan namin.
Hindi man naging maganda ang naging pagkakaibigan namin, alam kong hindi pa ito ang huling beses na magkikita kami. Naniniwala ako, magkikita pa kami. Sa lugar na pareho naming hindi inaasahan.
Simula ng maging magkaibigan kami, may bigkis na nag-uuganay sa’ming dalawa na kailan man ay hinding-hindi mapuputol. Hindi naman katwiran ang distance para sa pagkakaibigan di ba? Hindi rin ang layo o ang lapit ang susukat sa pagkakaibigan kung hindi ang paniniwalang darating ang araw na magiging okey na rin ang lahat, para sa’ming dalawa at saka sa mga taong nakapaligid sa’min.
Pangako, yan ang isang pinakamagandang kasinungalingan na kayang makapagpasaya at makasakit. Ang bagay na nagiging pag-asa para patuloy kang paniwala. Bagay na kahit malabong mangyari, maniniwala at maniniwala ka pa rin. Kahit masakit na, kakapit at kakapit ka pa rin kasi alam mong kung hindi man matupad ngayon, marami pang pagkakataon na darating para sa isang pangako.
Pagtitiwala at pagmamahal. Hindi ka maniniwala sa isang bagay kung hindi mo alam ang magtiwala at magmahal. Dalawang bagay, kung bakit nagkakaroon ng saysay ang isang pangako. Dalawang bagay na bumubuhay sa isang pangako. Patuloy kang maniniwala at magmamahal para sa isang pangakong nagiging dahilan para mabuhay ka. Kahit nasasaktan ka na, hindi ka susuko para sa isang pangakong pinanghahawakan. Katulad mo, gagawin rin n’ya ang lahat para magawang tuparin ang isang pangakong binitiwan. Kasi katulad mo, umaasa rin s’ya sa’yo na hand among gawin ang lahat para sa pangakong ganyang binitiwan, sapat ng inspirasyon para magawa nya ang isang pangako dahil alam n’yang may umaasa sa kanya. Sa pagtitiwala at magmamahal, nagkakaroon ng liwanag ang isang pangako.
Hindi na mawawala sa’tin ang masaktan at makasakit. Oo, lahat tayo ay hindi pare-pareho, pero pare-pareho tayong nakakasakit at nasasaktan sa iba’t ibang paraan man yan, nakakasakit pa rin at nasasaktan tayo. Wala namang perpektong bagay na nilikha, lahat tayo may kanyang-kanya pagkakamali, na minsan nagiging tama lang kung pipiliin natin kung sino ba ang masasaktan. Ako o s’ya. Pero wala namang mali o tama sa buhay natin e, nasasa’tin kung pa’no magiging tama ang isang desisyong ginawa natin. Nasasa’tin kung pa’no tayo makakasakit at masasaktan. Dahil ang lahat ng nangyayari sa’tin ay tayo rin ang gumagawa.
Sa pangakong “walang iwanan,” na minsang bitiwan ng taong minsang naging mahalaga sa’kin, sarili ko ng desisyon ang pansamantalang putulin ang pangakong yan sa’ming dalawa. Hindi sa kadahilanang pagod na ko, kung hindi gusto ko lang magpahinga at magpagaling. Tao lang ako, alam ang salitang napapagod at nasasaktan. Pero pangako ko, sa oras na lumakas at gumaling ako, gagawin ko ang lahat, matupad lang ang pangakong yan, Tyrone.
The Author’s note:
Hay, saw akas natapos ko na rin ang kauna-unahang story ko dito sa Wattpad ^_____^. Pagkaraan ng ilang buwan, na halos mag-iisang taon na nga natapos ko rin ang kwentong to.
Lubos akong nagpapasalamat sa inyong mahabang pasensya sa mga late UDs ko, kasi hindi naman maiiwasang, hindi maging busy. Ganun din sa lahat ng nagcomment, at nagvote sa storyang to, ako po ay malugod na nagpapasalamat ^_________^. Sana po ay patuloy n’yo pa rin pong suportahan ang mga susunod ko pang mga stories dito sa Wattpad.
Gusto ko ring pasalamatan si Ms. Stilltheone, para sa bookcover ng #BestFriendTragedy at sa mga featured pictures and collages na nandito mismo sa story.
Maraming salamat po! ^_____^
Music used: Mhine by Taylor Swift
: Scared to Death by Kz Tandingan
: Mad by Princess
This story is all right reserved under the copyright of 2012 by phia_sakura. Any part of this story being downloaded without the consent of the author will not be acknowledged by the author.
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Teen FictionBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...