Chapter 75

359 11 1
                                    

“hmmm,sige hahanapin ko si Tyrone,” paalam ko kay Heaven.

Hindi ko na hinintay ang sagot n’ya at nagpapadali na kong tumayo at umalis sa tabi n’ya. Kahit nangangatag at nanlalambot ang tuhod ko, nakaya ko pang lumayo sa kanya.

Ang iniisip ko kung anong special sa number 16 ay monthsary pala ni Tyrone at Sherrie, hindi pala sa’min ni Tyrone, at wala pa talagang nagsabi sa’kin? Ga’no katagal pa nila ako balak i-surprise?

O bakit ganyan ang hitsura mo? Nagulat ka no, nakakagulat naman talaga, sabi ko sa sarili ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa loob ko, parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko, parang tumigil lahat ng systems kong magfunction, biglang nagblangko bigla ang utak ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng cabin ko, pahina ng pahina ang tuhod ko. Parang namatay ako sandali at nakahinga lang nung malayo na ko sa kanila.

Maya-maya pa’y kasabay na ng pagbagsak ng mga luha ko ang katawan ko sa kama. Hindi ako makagalaw. Wala akong maramdaman kung hindi ang sakit na humihiwa sa puso ko. Parang binubutas ng karayom ang pakiramdam ko. Parang sa bawat kirot ng puso ko, may kapirasong napipilas sa laman ko. Pinikit ko ang mga mata ko, at nakita kong nagrewind ang lahat. Simula nung makilala ko si Tyrone, ang mga masasayang pinagsamahan namin, lahat-lahat na, muli kong nakita. Kung pa’no n’ya ko pinatatawa, kung pa’no nya ko pinasasaya. Ang pakiramdam ko nga nun, kaming dalawa ang pagkasama sa mundong to e. Wala akong pakealam kung ano ang sasabihin ng ibang tao, basta ang mahalaga, kasama ko s’ya. Walang kapantay na saya ang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko s’ya. Sayang hindi ko maipaliwanag. Sayang alam ko s’ya lang ang dahilan.

July 16, saktong date na naging sila. Pa’nong nangyaring naging sila? Hindi ba’t nangako silang dalawa sa’kin na wala namang namamagitan sa kanila? Hindi ba’t kausap ko sila ng July 15 ng 11:30 at pinapaamin kung anong meron sa kanilang dalawa? Bakit ngayon malalaman ko na lang ngayon sila? Isang gabing lang naging sila na? Niloloko ba ko ni Sherrie?

“AAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!,” sigaw ko sa loob ng cabin ko. Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko. Obviuos na naman sa mga kilos nila di ba? Kagabi nakita ko na kinumutan ni Tyrone si Sherrie, wala pa bang malisya yun? Ang mga tinginn’ya, ang mga hawak n’ya. Parati silang magkasama, iniiwan nga ko ni Tyrone makasama lang si Sherrie, tapos ngayon magugulat pa ba ako? Expected ko na di ba to? Pero bakit ang sakit-sakit! BAKIT!!!!

Kasabay ng pagbabato ko sa mga unan ang pagkapit ko sa dibdib ko. Ang sakit-sakit kasi. Pakiramdam ko niloko nila ako. Ang tanga-tanga ko naman kasi, naniniwala ako sa mga pangakong wala namang katotohanan. Naniniwala ako sa mga taong, wala namang mahalaga kung hindi ang sarili lang nila! Hindi naman mahalaga ang pagkakaibigan e, ang mahalaga lang sa kanila masaya sila kahit alam nilang may masasaktan sila. Nagtatanong ako kasi kaibigan ko si Sherrie, kaibigan ko si Tyrone kasi pinagkakatiwalaan ko sila. Nagtatanong ako kasi, ayoko ng masaktan. Palagi na lang ako nasasaktan.

“mga manloloko sila! MGA MANLOLOKOOOOO!!!!,” nasan na ang pangako nila? Nasan na! Asan ang pangakong hindi magiging sila? Asan ang pangakong sasabihin sa’kin kapag liligawan na nila ang isa’t isa. ASAAAANNNNN!!!!! Kaya ba, palagi akong naiiwan kay Matt kasi nagliligawan sila? Yung gabing nakita kong magkahawak sila ng kamay? Wala lang ba yun? Halos ikamatay ko nga ang sakit ng makita kong hawak ni Tyrone ang kamay ni Sherrie. Pa’nong naging sila? Pa’no?

Ang dami kong tanong, ang dami kong hindi naiintindihan. Akala ko ba hindi nila ako sasaktan? Hindi ba nangako si Tyrone na s’ya ang magpapatunay na lahat ng tao ay iba-iba? Hindi ba sabi n’ya, hindi lahat ng tao, pare-pareho? E bakit ngayon nasasaktan na naman ako? E bakit pareho lang ang ginawa ni Sherrie at Tyrone sa’kin? Bakit nila ako sinasaktan ng ganito?

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon