Chapter 72

309 11 0
                                    

"mukhang nalate ako ng dating," sabi ng isang lalaki na may dalang bulaklak para kay Yhum yata.

"kapapasok lang n'ya sa loob," sabi ko naman sa kanya. Aalis na sana ako ng tinawag n'ya ko.

"hindi ba ikaw si Tyrone? Yung bestfriend ni Chin di ba?", tanong n'ya sa'kin.

"bakit?", tanong ko rin naman sa kanya. Anong kailangan n'ya sa'kin? Pero bigla akong napaisip, bestfriend pa ba akong maiituring? E palagi ko ngang nasasaktan ang bestfriend ko, "gusto ko sana ikaw makausap," sabi n'ya habang binababa ang dala n'yang bulaklak sa may upuan kung sa'n kami umupo ni Yhum kanina.

Umuna s'ya sa paglalakad at ako naman ay sumusunod lang. Iniisip kung sa'n ako dadalhin ng mokong na to. Ngayon ko lang nakita ang isang to, hindi kaya s'ya ang nababalitaan kong transferee? Hindi naman pala gwapo e, lamang lang ng ilang buhos at kuskos sa'kin. =____=

San ba talaga balak ng isang to kami mag-usap? Bakit kailangan pa namin magpakalayo-layo?

"ano ba ang pag-uusapan natin?", tanong ko sa kanya habang tumitigil sa paglalakad, "bakit kailangan pa nating lumalayo ng ganito kalayo?", nagtatakang tanong ko.

"alam mo bang ikaw ang hinahanap n'ya kanina?", ha? Anong sinasabi n'ya na ako ang hinahanap n'ya?

"si Yhum ba ang tinutukoy mo?", tanong ko sa kanya, sino naman kaya ang maghahanap sa'kin? Nagpaalam naman ako kay Bhie na pupuntahan ko si Yhum kanina, hindi na naman ako siguro hahanapin nun?

"narinig ko rin yan na tinatawag n'ya kanina," ha? Nadrugs ba ang isang to? Hindi ko s'ya maintindihan =__=

"ano bang sinasabi mo d'yan?", naiirita kong tanong.

"kanina ikaw ang hinahanap ni Chin, ikaaw di ba ang Yhum n'ya? Hindi ko alam na ang slow mo pala," sabi n'ya habang nakangiti na parang nang-iinsulto.

"aba nang-iinis ka ba talaga?", sabi ko habang sinusuntok-suntok ng isa kong kamao ang palad ko sa kabila kong kamay. Nakakainis e.

"hindi naman," sabi n'ya, halatang natataranta sa takot, hahahahaha. "Gusto ko sanang alagaan at ingatan mo siya."

Sa totoo lang, bagay na bagay sa kanya ang aura n'ya. Ang  weird >3<. At saka anong sinasabi ng isang to na ingatan at alagaan ko si Yhum? Nanliligaw ba to sa kanya, tapos binusted n'ya? At saka sino ba to? Ano ka ba ni Yhum?

"syempre naman," sabi ko sa kanya, "bestfriend ko yun e, at saka kahit hindi mo syan sabihin gagawin ko talaga yan," makabawi lang sa bestfreind ko.

"wag mo rin sanang papaiyakin s'ya ng walang sapat na dahilan, tulad ng ginawa ko," pa'no kung napaiyak ko na s'ya? At anong tulad ng ginawa mo dati?

"ikaw ba yung taong kwinekwento n'ya dating nang-iwan sa kanya?", out from nowhere na naitanong ko sa kanya, "kung ikaw ang taong naging dahilan n'ya para hindi magtiwala sa iba? Para magalit sa mundo? Para isipin na ang lahat ng tao ay pare-pareho lang? Kung ikaw ang taong nagparamdam sa kanya na nag-iisa lang s'ya? Kung ikaw ang dahilan ng lahat ng sakit n'ya?", sunod-sunod na tanong ko sa  kanya. Ewan ba, parang umiinit at tumaas ang dugo ko >___<.

Tumango lang s'ya bilang sagot sa lahat ng tanong ko. "Kaya nga ngayong may bago na s'yang bestfriend, ingat mo s'ya sa paraan na hindi ko ginawa at wag na wag mo s'yang hayaan na masaktan ng hindi naman dapat."

"teka sa'n ka na pupunta?", tanong ko sa kanya, naglalakad na kasi s'ya papalayo, " iiwan mo na ulit si Chin ganun?"

"ayaw ko na s'yang guluhin pa, sige ikaw na ang bahala sa kanya, alam ko namang ikaw ang kailangan n'ya. Tama na ang sobrang sakit na naiparamdam ko sa kanya, gusto ko naman s'yang maging masaya. Matagal rin n'yang kinulong ang sarili n'ya sa nakaraan at buhayin ang sarili n'ya sa galit at poot na nararamdaman n'ya sa ibang tao."

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon