Chapter 76

323 8 0
                                        

TYRONE’s POV:

Tsk, DAMN! Hindi n’ya ba narereceive ang mga texts ko? Nagriring naman ang number n’ya, bakit hindi s’ya magreply? Takte naman o! >3<

Nandito na kami ngayon sa may school. Dito kasi kami binaba ng bus e. Ang bus naman nila ay kanina pang nauna sa’min, nasa’n na kaya sila?

“Xzelle,” buti na lang nakita ko s’ya, kasama si Matt.

“Tyrone,” sabi ni Xzelle pero suntok agad galing kay Matt ang sumalubong sa’kin. Hindi na ko aangal pa kung bakit n’ya to ginawa.

“Tyrone anong kalokohan to!,” sigaw ni Matt sa’kin, “akala ko ba, hindi lang s’ya laruan sa’yo? E anong tawag dito sa ginagawa mo!”

“Matt tama na,” awat ni Xzelle sa kumukulong dugo ni Matt.

“tumayo ka nga d’yan,” nilapitan ako ni Matt at saka kwinelyuhan ako patayo, “ano tawag mo ngayon sa ginagawa mo!”, at sabay sumalubong ang isang malakas na suntok sa pisngi ko.

“OMG! Tyrone,” narinig kong sigaw ni Sherrie mula sa likod ko. S’ya na rin ang sumalo sa’kin. “What the hell is going on!”

“ikaw, isa ka pa e,” sabi ni Matt kay Sherrie, “kaibigan ka ba talaga o isang ahas?”

“Matt, calm down,” hila naman sa kanya ni Xzelle, “ano ka ba?”, awat ni Xzelle.

“hayaan mo nga ako Xzelle,” pagmamatigas ni Matt.

“magpapatayan kayo?”, sabi ni Yhum na bigla na lang sumulpot, “o sige o heto ang bato, ipukpok n’yo sa ulo ng isa’isa ha? Make sure no will survive,” sarcastic n’yang sinabi sa’ming lahat.

“sakura?”, tanong naman ni Xzelle, “wag naman ganyan.”

“nakakainis na kasi, nakakainis na!,” pagkasabi n’’ya nun, tinalikuran n’ya na kami.

“wait lang, yhum,” higit ko ulit sa braso n’ya, “let me explain please?”, nakatungo kong sinabi sa kanya. Wala akong pakialam kung may mga taong nakakakita sa’min, ang gusto ko lang ay makapagpaliwanag sa kanya.

“hindi na muna siguro ngayon Tyrone,” nakatungo n’yang sinabi sa’kin, “gusto ko na munang magpahinga.”

Nung sinabi n’ya yun, wala na kong nagawa kung hindi ang bitawan na lang ang kamay n’ya at hayaan na lang s’ya sa gusto n’ya. Hindi ko naman maiitanggi na sobra ko s’yang nasaktan at hindi ko alam kung pa’no ko papawiin ang sakit na pinararamdam ko sa kanya. Wala na kong magagawa ngayon kung hindi ang manoorin s’yang umalis sa harapan ko.

***

CHINCHIN’s POV:

Depress na kung depress, wala talaga akong gana sa lahat ng bagay ngayon. Dapat siguro hindi na muna ako pumasok ngayon >3<. Lutang na lutang ako, wala rin namang pumapasok sa utak kasi hanggang ngayon ang iniisip ko ang lahat ng nangyari sa encampment. Parusa ba to sa mga late articles ko para magsabay-sabayin ang lahat ng sakit? Hindi man lang ako binabangon ng malaman ko ang taong unang minahal ko ay napunta sa kaibigan ko, akala ko yun na ang pinakamasakit. Yun pala akala lang, mas masakit pa palang malaman na ang taong sobrang pinagkatiwalaan mo ng lubos, sila pa pala ang loloko sa’yo.

“Yhats?”, tawag ng isang tao sa may pinto ng org office namin. Dito kasi ako tumatambay kapag nag-iisa at ayaw kong pumasok >3<.

BestFriend Tragedy  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon