CHINCHIN's POV:
"Yhats?!," gulat na tawag ni Matt sa diwa ko habang lumabas ako ng comfort room. Akala ko ba pinaalis ko na s'ya, bakit nandito ka pa rin?
"di ba, sabi ko gusto ko munang mag-isa?," mahirap bang intindihin yun?
"pero kasi--," hindi ko pinatapos ang sasabihin n'ya at umalis na ko. Ayoko muna talaga makipag-usap sa ibang tao.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng habulin n'ya ako at hawakan ang wrist ko.
"nag-aalala ako Yhats," pabulong n'yang sinabi sa'kin.
"okey lang ako, magiging okey rin ako at babalik sa dati," at hinayaan ko na alisin n'ya ang kamay n'ya sa wrist ko. Gusto ko munang mapag-isa at ayusin ang sarili ko bago ako makipag-usap sa ibang tao.
Magiging okey rin ako? Kailan pa? Tssss. Kahit pa pala na magkaibigan kayo, darating rin ang time na magiging selfish ang isang sa inyo. Mas uunahin n'ya pa rin ang sarili n'ya kaysa sa iba. Parang ngayon, minsang naiwala ko ang isang bagay, nang may nakakitang iba, hindi na ibinalik sa'kin.
"Yhum?", tawag ng isang tao sa'kin habang papunta na ko sa cabin ko.
"bakit? May kailangan ka ba?," diretsong tanong ko sa kanya.
"okey ka lang? Anong problema Yhum?," sunod-sunod n'yang tanong sa'kin. Kung sabihin ko, will you care about me? Nakakatawang tanong Yhum, do I look okey? Do you see me okey? Pa'no mo malalaman ang problema ko, kung palagi ka namang wala?
"I'm fine, nevermind," cold kong sagot, naiinis lang lalo ako e.
"Yhum," he held my hand as I turn. Ano bang gusto ng isang to? Kung hindi mo sana ako iniiwan kung kani-kanino, kung hindi mo sana ako inihahabilin na parang gamit kung kani-kanino, siguro kahit papa'no may hint ka kung ano bang talagang nangyayari sa'kin!
"ano bang gusto mong malaman?," umiiyak na sigaw ko sa kanya, "wala ka namang pakialam di ba? Ni hindi mo nga alam kung anong nangyari kanina e, ni hindi mo nga alam kung sino ang mga taong nakakasama ko, kapag iniwan mo ko. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing inihahabilin mo ko. Laruan lang ba ang tingin n'yong lahat sa'kin?"
"yhum, sobra ka namang magsalita, may personal rin naman akong buhay na dapat asikasuhin."
So sa personal na buhay mong yun, hindi ako kasama? Si Sherrie lang ang sinama mo? So ano nga ako ngayon? Laruan? Gamit? Para iparanas n'yo ang ganito sa'kin?
Tumakbo ako mula sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdulas ng kamay ko sa kamay n'ya. Hindi n'ya man lang ba ako pipigilan? Please Yhum, call me back, call my name. Say that you didn't mean it. Please... please... please...
DAMN! DAMN! DAMN! Strike two agad? Hindi man lang ako pinabangon bago ako saktan. Ano ako ngayon sa mga taong nakapaligid sa'kin? Ano ako para sa inyo? Mukhang tanga lang pala ako na nagpapahalaga sa kanila, pero ni isa sa kanila walang may balak na isama ako sa personal nilang buhay? Anong tingin n'yo sa'kin, lalapitan lang kapag may kailangan tapos kapag wala ng saysay para na lang akong balat ng kendi na itatapon, ganun ba? Bakit bas a tuwing may nakikilala akong ibang tao, ganito ang palaging nangyayari? Bakit ba tuwang-tuwa kayo na makita akong nasasaktan? Makita akong umiiyak?
I clutched my chest as I lean on the door. I can't breathe. This pain is suffocating me, as the truth endeavored myself. The pain chills my nerve, it's paralyzing me...
Kinapa ko ang nebulaizer ko na nasa may tabi ng bulsa ng bag ko na nagkataon na malapit lang sa'kin. Gusto kong matulog para kahit papa'no hindi ko maramdaman ang sakit...
At kung sa muli kong paggising, mararamdaman ko ulit ang sakit, mas nanaisin ko na lang matulog hanggang matapos ang bukas...
***
BINABASA MO ANG
BestFriend Tragedy [Completed]
Fiksi RemajaBestfriend Tragedy by: phia_sakura TeenFiction. Short Story. Copyright 2012 by phia_sakura Downloading and distribution of soft copies won't be honored unless it is provided by the author. *** SYPNOSIS: Lahat tayo takot, mapag-isa at iwan ng mga ta...