0ne

2K 23 10
                                    

🖤
SimplyyyyBad

"Ate Vivian!" *kiss on cheeks* "Dapat di mo na po ako sinundo kase need mo ng beauty rest for tomorrow." Nakangiting sabi ni Rica.

"Naku mamimiss ko ito kaya ako na ang sumundo sa iyo."

"Ate mamimiss din kita. Anyways mabait naman si kuya Randy kaya hindi ako mag-aalala. I like him because he's the best man for you. He loves you so much." At nag-seat belt na si Rica.


"Yeah I'm blessed din dahil sa kanya." Mababanaag ang liwanag sa mata ni Vivian.


Nakalampas na sina Vivian sa traffic dahil nag short-cut siya sa isang way na lagi niyang dinadaan sa tuwing sinusundo niya si Rica.


May napapansin si Vivian na mga nakasunod sa kanila na dalawang sasakyang itim. 


Kokonte lamang ang dumadaan sa short-cut na ito kaya iba na ang kutob niya--- lalo na ng may makita pa siyang dalawang itim na sasakyan na biglang humarang sa harapan nila.*Cornered*


Pinalibutan sila ng apat na sasakyang itim.


This is not good.


Kinabahan na si Vivian.


Mahigpit ang kapit niya sa driving wheel. Biglang may mga lalaking naka tuxido ang lumabas sa mga mamahaling  sasakyan.


Ayaw ni Vivian buksan ang bintana nang kanyang kotse. Sinigurado niyang naka-lock ang mga ito.


Kumatok sa bintana ang isang lalaking naka-shade.


"Ate Vivian, tawagan natin si Kuya Randy..." Nanginginig at naiiyak na hinanap ni Rica ang cellphone niya sa kanyang bag.


Tumawag din si Vivian kay Randy .. samantalang si Rica naman ay tumatawag sa phone ng papa nila. *Parehas na hindi sumasagot*


Bigla silang nakarinig ng basag ng salamin.


Binasag pala ng isang lalaki ang bintana ng driver's seat at nagkaroon si Vivian ng maliliit na sugat dahil sa talsik ng mga salamin.


In-nunlock ng lalaki ang pinto at agad na kinuha si Vivian. May ibang lalaki naman ang nagbukas ng pinto sa kinauupuan ni Rica at kinuha din ito. Sinecure ng mga lalaking naka-tuxido ang cellphone ng magkapatid. In-off nila ito parehas.


"Rica!"


"Ate Vivian!"


"Bitawan nyo ang kapatid ko!" Takot at galit na sigaw ni Vivian.


"Miss Del Raga." Malagom na boses galing sa likuran ni Vivian. Ngunit bago pa man siya makalingon ay nawalan na siya ng malay dahil sa panyo na may kung anong chemical na nalanghap niya.


Ganon din si Rica at pinasok sila sa loob ng isa pang itim na sasakyan. 


May isang lalaking nagmaneho ng sasakyan ni Vivian at dinala din ito sa lugar na kanilang pupuntahan upang hindi mahalata na kidnapping ang pangyayaring ito at upang hindi maalarma ang pamilya ni Vivian Del Raga.


***

"Hon, nag-aalala na ako kay Vivian. Hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko. Rica's still not home."


"Wag ka mag-alala hon, maybe Vivian and Rica are just having time together for the last time. Alam mo naman kung gaano kamahal ni Vivian yong bunso nyang kapatid."


Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon