"Hi -I'm Bettany. Don't be afraid. I'm just here to cure your wounds. Please don't think na criminal ako. Napag-utusan din lang ako-- to make sure na okay ka."
Tahimik lamang si Vivian.
Hindi ito agad nagtitiwala lalo na sa sitwasyon nila ngayong magkapatid.
"I heard from the guys out there na Vivian daw ang pangalan mo." At tumingin pa ito sa mga lalaking nakabantay sa labas na may hawak na mga baril.
Tumango lamang si Vivian.
"Don't be stressed out, mababawasan ang ganda mo nyan bahala ka." Pagbibiro ni Bettany trying to make her feel comfortable.
"You mean kinidnap ka din nila?" Nag-aalalang tanong ni Vivian.
"Its complicated. Pero ako ang personal doctor ni-" Tumigil na ito sa pagsasalita ng mapansin nitong nagiging subrang friendly niya kay Vivian. Baka madulas siya at masabi ang mga bagay na hindi dapat niyang masabi.
Dinampian nitong marahan ang mga maliliit na sugat ni Vivian sa leeg at balikat. Naka-off shoulder kasi siya ng sunduin niya si Rica sa school nito. Sino ba namang mag-aakalang may babasag ng bintana ng kanyang kotse?
She doesn't even expect na mangyayari ito sa buhay niya lalo na at ikakasal na siya bukas kay Randy. Ang 2 years na niyang nobyo.
Thinking about Randy makes her missed him more. Alam niyang nag-aalala na ito sa kanya sa mga oras na malaman nitong wala siya sa kanilang tahanan. Naisip din niya ang mama niya na siguradong nagpapanic na sa mga oras na ito dahil wala pa rin si Rica. Bakit kasi kailangan pang madamay si Rica.
"Ayan, okay na ang mga sugat mo pero walang sugat na humihilom agad sa isang araw. Minsan yung ibang sugat , nanatili hanggang sa huli. Nagiiwan pa ng mga marka at mga ala-ala na hindi na dapat pang inaalala." Inayos na nito ang medical kit. Bakit tila may iba itong pakahulugan.
Hindi na nagawang magpasalamat ni Vivian. Malayo ang nililipad ng kanyang isipan. Hindi niya ngayon kasama si Rica.
"Kailangan mong matulog ng mahimbing ngayong gabi, dahil magiging busy tayo bukas. Kailangan mo ng Lakas." Tumayo na si Bettany at napatingin ito sa lamesa na may pagkain, wala itong bawas. Nangangahulugang hindi kumain si Vivian.
Sino ba naman ang makakakain sa sitwasyon na ganito? Ikakasal ka na bukas pero bigla ka pang na-kidnap. Siya na sana ang pinakamasayang babae sa mundo dahil siya ang babaeng pakakasalan ni Randy Hemenez, isang anak ng may ari ng Lufan Corporation at ito din ang tanging tagapagmana dahil nasawi ang kapatid nito dalawang taon na ang nakalilipas. Randy was totally wrecked at that time ng masawi ang kapatid niya.
Sinuportahan niya ito hanggang sa dulo kaya lalong tumatag ang relasyon nila. Nakahanda na ang lahat and they have hired the best wedding planner. Food, clothes, venues are all ready. Ilang oras na lamang at ikakasal na sila pero paano matutuloy ang kasal kung wala ang bride? Alam niyang masasaktan si Randy pero hindi niya ito ginusto. No choice siya. Naisip tuloy ni Vivian na isa siya sa pinaka -unfortunate bride na nabiktima ng kidnapping. Tears started to fall from her eyes.
***
Mataas ang sikat ng araw.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Bettany.
"Good morning beautiful." Ngumiti pa ito.
"Be-bettany?"
"Ako ang alalay mo ngayon , please cooperate kung ayaw mo tayo parehas mapahamak. Ayoko maputulan ng leeg kaya sana sundin mo muna ako hanggang matapos ko ang ipinagagawa saakin. Win-win relationship lang. Okay?"
BINABASA MO ANG
Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZ
RomanceNasa harap niya ngayon ang isang lalaki na pilit siyang pinapipirma para sa legal na papel upang maging asawa niya. Hindi siya makatanggi dahil hawak nito ang kanyang kapatid na babae. Papatayin ito kung hindi siya sa kanya magpapakasal. Ngunit bago...