🖤
SimplyyyyBad
The show is about to start
-Little Del Raga
[Rica's POV]Isinara ng lalaki ang pinto, kabilang ito sa mga lalaking may hawak ng baril na parang mga bigating guard sa loob ng bahay na ito. Dito kami dinala ng mga lalaking nakaitim from day one na kidnap-in nila kami ng ate Vivian ko.
Pilit nilang pinapayag si ate Vivian na magpakasal sa lalaki na siya palang kakambal ni Kuya Randy. Noong una ay akala ko na si kuya Randy iyon subalit sinabi ng priest na John Ranzel Hemenez- nabigla ako. Ang pangalang iyon ay hindi makalilimutan ng sinuman dahil sa trahedyang nangyari 2 taon na ang nakalilipas. Kahit sino ay magugulat ng malamang buhay pa ito. Kilala ang pamilyang Hemenez tulad din ng aming pamilya pero higit silang nakaangat sa aming angkan. We are from Del Raga's. Hemenez are way wealthier and more influencial than us- kahit na mataas din ang tingin saamin ng lipunan.
Bakit ba kailangang pakasalan pa ng kapatid ni kuya Randy ang ate ko? Matagal na ba itong may gusto sa ate Vivian ko kaya't inagaw ito a day before ng nakatakdang kasal nila? Pero imposible dahil napakinggan ko mismo na papatayin nila ang ate Vivian ko. Naiiyak na naman ako. Bakit ate ko pa? Hinigpitan ko ng kapit sa kamay ng ate ko ng makita ko ang isang lalaki na tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit siya saamin at isininyas na umupo kami sa sofa. Sumunod naman kami. Lumapit ang lalaki sa isang tila maliit na mini-bar at naglagay ng alak sa isang baso. Bumalik ito sa amin at nagsimulang magsalita habang ang isang kamay ay nakatago sa kanyang bulsa. Okay na sana siya, cool ang dating at ma-itsura pero bale-wala ang lahat ng panglabas na anyo kung isa naman siyang hudlong at kasama ng mga kriminal."Mrs. Vivian, hindi ka ba masaya na kasama ang kapatid mo ngayon?" Ang nakakainis na tanong nito habang nakatingin sa ate ko. Tumingin din naman siya saakin ng maramdaman niya ang matatalas na titig ko sa kanya na parang sinasaksak ko siya sa aking isipan.
"Hmm Rica tama ba?" Tanong nito sa ate ko. Tumango naman si ate dahil tama ang pangalan na binigkas niya.
Tumingin naman sa akin ang lalaki.
"Rica, alam kong sinusumpa mo ako sa gilid ng iyong mga mata- pero hindi iyan makatutulong sa sitwasyon mo ngayon." Prangkang sabi nito saakin.
Lalong sumama ang tingin ko sa kanya na ikinatawa nito.
"Haha- ang mga kabataan talaga sa panahong ito-" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at uminom na lamang ng alak sa kanyang baso. Tumawa pa ito bago ibaba ang baso sa isang lamesa malapit sa kanya.
"Hindi na ako magpapa-ligoy-ligoy pa, the reason why you two are here is because your parents will be visiting this afternoon." Sabi nito.
Sina Papa and mama pupunta dito? No way! Gagawin din silang hostage ng mga ito kung pupunta sila dito.
"No!" Sigaw ko. Hinigpitan ni ate Vivian ang kapit niya sa kamay ko na nagsasabing wag na akong magsalita.
"Please don't let them come." Malungkot na sabi ni ate Vivian. Alam kong parehas ang naiisip namin.
"We can't stop them, nagpupumilit ang mama ninyo." Pagdedepensa nito. Alam ko naman na ganoon ang ugali ni Mama at siguradong nag-aalala na ito dahil hindi man lang namin sila nakakausap. Siguradong naghihinala na sila dahil ito na ang ikatlong araw na hindi nila kami nakakausap. Siguro nga ay noon pa ito nagpupumilit na bumisita pero ngayon lamang pinagbigyan.
"So here's the deal-" Pasimula ng lalaki patungkol sa pagpunta nila mama at papa. "We will not harm them if you two will cooperate." Tumingin din siya saakin. Parang nauunawaan ko na ang kahihinatnan ng usapang ito.
"You two will act as if you were not kidnapped."
Nanlaki ang mga mata ko. Is he serious? Paano kami ni ate magpapanggap na okay lang ang lahat. Hindi kami mga propesyonal na artista para magawa ang ganitong task. Wala din kami sa bahay ni kuya para sa isang reality show. At kahit pa pilitin kong magkunwari ay mahahalata parin ako ni papa dahil madaling makutuban ni papa kung may itinatago ako, ganoon din si ate Vivian. Si mama lang talaga ang walang ka-i-de-idea sa pagbabasa ng kilos.
"Ranz wants you and Rica to have lunch with your parents and of course Ranz will also be there. You have to act ~na okay lang ang lahat -"
"We can't act na okay lang ang lahat dahil hindi naman talaga okay!" Pagrereklamo ko. Hindi ko na napigilang sumabat. Hinigpitan ulet ni ate Vivian ang hawak sa kamay ko kaya nanahimik muli ako.
"Its your choice." nagkibit-balikat lamang ang lalaki.
"If we act- you guys will not harm my parents right?" Kalmadong tanong ni ate Vivian. Paanong kinakaya ni ate na maging kalmado sa ganitong sitwasyon? She's tough and I admire her so much. Ngunit naalala ko ang napakinggan kong sinabi ng lalaki sa kausap nito bago sila ikasal. Naaawa na naiiyak ako habang nakatingin kay ate Vivian.
"Yes, uuwi sila ng walang bawas-" Sagot ng lalaki. 'Uuwing walang bawas?'
"They will not be harmed if aayusin ninyo ang pagpapanggap ninyo- makakauwi sila ng maayos kung walang pagdududang kidnapping ang nangyari-"
"What if we failed to act?" Tanong ulet ni ate Vivian.
"That would lead us to plan B." Maiksing sagot ng lalaki.
"And what is this plan B?"
"Your parents will stay here-" Nagulat kami pareho ni ate sa isinagot ng lalaki. Tama nga, pareho ang kutob namin ni ate.
"So you're planning to kidnap them- you bunch of criminals!" Napatayo ako kumalas sa kapit ni ate Vivian.
"Don't shout little Del Raga. I can hear you kahit bumulong ka lang-" Seryosong sagot nito.
"Rica - your temper." Paalala ni ate Vivian. Magkaibang- magka iba kami ni ate, kung desente at kalmado siya- ako naman yoong babaeng impulsive at maingay. Masakit ako magsalita pero depende sa kausap ko. I know who to respect at sino ang hindi dapat.
BINABASA MO ANG
Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZ
RomansaNasa harap niya ngayon ang isang lalaki na pilit siyang pinapipirma para sa legal na papel upang maging asawa niya. Hindi siya makatanggi dahil hawak nito ang kanyang kapatid na babae. Papatayin ito kung hindi siya sa kanya magpapakasal. Ngunit bago...