Five

984 12 0
                                    

🖤
SimplyyyyBad
Best strategy is to earn his trust
-Voona

[Vivian's POV]

"Kamusta na si Boss R?" Tanong ng isang tuxido man, naririnig ko ang usapan nila.



"Tinatrangkaso dahil sa naulanan siya." Sagot ng isang maid.



Pagkakataon ko na ito.



Kailangan kong makuha ng tiwala ni Ranz para makatakas ako dito. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko, katabi ito ng master bedroom kung nasaan si Ranz.



Nakatingin saakin ang mga tuxido men. Napalunok na lamang ako ng makita ko ang mahahabang baril na hawak nila. Kailangan kong masanay sa mga tanawing ito dahil mapapaghalataan nilang may binabalak ako ~kung hindi ako aakto ng normal



"Saan ka pupunta?" Tanong ng isang matangkad na tuxido man. Siya yata ang in-charge as head ng mga ito.



"Kay Ranz..." Sagot ko.



"Hindi pwede may sakit si Boss." Sagot nito.



"Kaya nga ako pupunta sa kanya dahil sa may sakit siya. Asawa niya ako remember?" Ang pagtataray ko para ma intimidate sila.



Nagtinginan ang tatlong tuxido men.



Medyo natahimik sila saglit at saka tumingin saakin. Galing nila, nagkakaunawan sila kahit mata lang gamit nila. Yung feeling na nag-uusap sila through eyes.



"Sige, pero wag kang gagawa ng hindi maganda. We just want to remind you na marami kaming nagbabantay sa palibot ng manor na ito at siguradong patay ka kung tatakas ka." Pananakot pa nito sa akin. Okay alam ko naman. Wag nyo na ako takutin, isip-isip ko.



Aalis din ako dito not by force but through him. At ngumiti na lamang ako sa kung ano mang plano ang laman ng utak ko.



Pumasok ako sa loob at nakitang nakahiga si Ranz sa master bedroom. Nakabalot ito ng kumot. Nilapitan ko siya.
Kamukhang-kamukha talaga niya si Randy. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo talagang si Randy siya. Umupo lamang ako sa gilid ng higaan at pinanood siya habang natutulog. Bakit parang familiar ang feelings na nararamdaman ko ngayon? Hindi na ako natatakot sa presensya niya. 



Tinitigin ko siyang mabuti, nakita ko ang maliit na balat sa kanyang leeg. Wala namang balat si Randy sa leeg kaya ito siguro ang pagkakaiba nila.



Malalim ang paghinga niya at ramdam ko na pagod na pagod siya. Saan kaya siya pumunta maghapon at gabi na siya umuwi? Bakit basang-basa siya kahit may sasakyan naman siya? 



Napakaraming tanong sa isip ko na hindi ko alam kung bakit ko gustong malaman. Hindi ba't dapat ay iniisip ko na lang kung papaano ko makukuha ang kanyang tiwala?



May pumasok na isang maid at may dala itong gamot at tubig.
"Mrs. Hemenez. Wag po kayo mag-alala, aayos na po ang pakiramdam ni sir basta makainom lang po siya ng gamot at makapagpahinga."



Nakangiting wika nito na para bang nababasa niya ang laman ng isip ko. Hindi ko naman kailangang mag-alala dahil isa siyang kidnapper.



Pilit ko na lamang ngumiti sa maid at pinakita ko na concern ako kunwari sa boss nila.
"Ahmp, ako na ang bahala kay Ranz. Iwan mo na lamang sa lamesa." Utos ko at sumunod naman ito. 



"Te-teka-" tawag ko ulet sa kanya.



"Yes mam?-" Lumingon ito.



"Sasama na pala ako, kailangan muna niyang makakain kahit ng soup dahil mukhang wala siyang kain maghapon. Hindi magandang uminom ng gamot ng walang laman ang sikmura." Paliwanang ko dito.



"M-mam ako na po ang bahalang gumawa ng soup-" Giit ng maid.
"Gusto ko lang may gawin since naiinip na din ako, at saka masarap akong magluto ng soup- alam kong magugustuhan ni Ranz-" Pagpupumilit ko sa kanya with matching smile na talagang hindi siya makakatanggi.



"Eh-kasi mam ahmp-mapapagalitan po kasi ako kung-" Pagdedepensa nito.



"No worries, I'll tell Ranz na ako ang nagpumilit. Hindi ka ma-pa-fired sa work."



Pagpupumilit ko ulet dito at sumama na ako sa kanya sa labas.



"Saan kayo pupunta?" Tanong ulet ng isang tuxido man.



"Sa kitchen, may problema ba?" Pagtataray ko ulet.



Sininyasan ng isang lalaki ang dalawang tuxido men at pinasunod saamen. Grabe ha-hanggang kitchen sasamahan pa talaga nila ako. Okay sige.



"Pinapanood lamang ako ng maid at tinutulungan sa mga kailangan ko at natapos ko agad ang paggawa ng soup after 10 minutes kaya pabalik na agad kami sa master bedroom.


Oh diba ang dali, hindi na nila ako dapat pang sinamahan.



Alam ko na binabantayan ng maid ang lahat ng nilalagay ko sa soup dahil naninigurado siyang wala akong nilagay na kung ano. Hindi nila alam na sinurvey ko lamang ang kitchen at ang mga gamit doon. May plano na akong naisip. Sana mag work ito. Gagawin ko yun this week. Pero syempre kailangan ko munang makuha ang tiwala ni Ranz.



Kasama ko ang maid sa kwarto.
Umalis na din siya ng makitang sinusubuan ko na si Ranz ng soup. Wala naman akong mailalagay sa soup na ito since first time ko lang sa kitchen nila at bantay sarado ang lahat ng galaw ko. For now, Ranz is safe with me. Just now. 



Ayaw pang bumukas ng labi ni Ranz. Masama talaga ang pakiramdam nito. Why do I care? E dapat nga magpasalamat ako dahil kinakarma na siya- but honestly some part of me is naaawa din sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. 
Medyo napaso ito sa init ng soup kaya umiling ito habang nakapikit.




Hinihipan ko ang bawat sandok ng soup at nakain naman niya ang halos kalahati nang niluto ko. Then pinainom ko siya ng gamot. Masunurin naman siya kaya nainom niya ito ng maayos . Akala siguro niya ay maid niya ang nag-aasikaso sa kanya dahil kumportable siya. Nakapikit naman siya kaya hindi niya talga malalaman.



Mainit parin ang katawan niya kaya kumuha ako ng panyo at tubig at pinunasan ang kanyang braso at noo.




Inayos ko ang kumot niya at saka binantayan siya sa pagtulog.



Maamo naman ang mukha niya. Ayoko lang talaga noong mga titig niya na parang nag-aapoy sa galit kasi nakakatakot talaga. Para siyang nasasapian ng kampon ng kadiliman kapag ganoon ang mga titig niya saaken- gaya ng kaninang umaga nang suntukin niya ang bangko sa dinning room.



Habang binabantayan ko siya ay iniisip ko ang sitwasyon ngayon sa bahay namin. Siguradong galit na galit na saken si Mama. Alam ko ugali ni mama. Mas pipiliin pa niya ang mga iniisip ng mga tao kaysa sa katotohanan. Si Papa, namimiss ko na tuloy si Papa, daddy's girl ako kaya mas malapit ako sa kanya. Galit din kaya siya sa ginawa ko? Ang sabi kasi ni Carl ay ipapaalam niya sa magulang ko kung nasaan daw ako para hindi daw mag-alala ang mga yun.



Sinabi ko din na huwag ipapaalam na ikakasal ako kay Ranz pero ngumiti lamang ito at wala ng ibang sinabi. Feel ko marami nilang tinatago saakin. Makakatakas din ako dito. Soon.



At lubusan na akong nakatulog habang nakaub-ob ang mukha ko sa gilid ng higaan ni Ranz. Para akong nagbabantay ng pasyente sa ospital.

SimplyyyyBad

|| LeaveAComment ||

💔

Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon