🖤
SimplyyyyBad
Tears can stop a monster?
-Voona[Vivian's POV]
He kissed me erotically kahit na naninigas ako sa takot kasi nawawala na siya sa sarili niya.
Tinutulak ko siya palayo pero mas malakas siya."Pl-please I-I" Pero patuloy parin niya akong hinahalikan kaya hindi ako makapagsalita ng buo.
Dahan-dahan niyang inaalis ang butones ng white long sleeve na suot ko habang hinahalikan niya ako as if his life depends on it.
Malapit na niyang maalis ang damit ko pero parang nabalik siya sa ulirat ng maramdaman niya ang pangigninig ng katawan ko- sa takot.
Nakakapit parin ako sa braso niya habang pinipigilan siya sa ginagawa niya. Huminto siya at napatingin saking mga mata. Umiwas siya ng tingin nang makita niya ang takot sa mga mata ko.
"Damn!" He cursed.
Sinuntok niya ang bangko at natumba ito. Nakita ko ang dugo sa kanyang kamao.Nakakatakot ang mga mata niya.
Ayaw kong maiyak pero biglang bumukal ng luha ang mga mata ko. Ni kailan man ay hindi ako pinakitaan ni Randy ng kalupitan kaya nasisindak ako sa ganitong mga pangyayari.
Napansin niya na maraming luha ang nanggaling sa aking mga mata kahit walang boses ng panangis na maririnig. Pinilit kong maging tahimik. Masakit ito sa lalamunan.
Naging mapupungay ang kanyang mga mata na kanina ay nagbabaga sa galit.
Tila naawa siya sa kalagayan ko at -sa suot ko.
Tiningnan niya ulet ako ng ilang sigundo. Sigundo lang ngunit parang napakatagal ng oras.
Binuhat niya ako at dinala sa isang silid na kasunod ng master bedroom. Pinaupo niya ako sa isang sofa at binuksan ang mga Cabinet.
"Magbihis ka." Bulong nito at umalis na sa silid.
Hindi ko alam kung saan siya pumunta.
***
"Hon, uminom ka na ng gamot." Saad ni ginoong Ashton Del Raga sa kanyang asawa. Nagkasakit kasi ito simula ng malaman ang balita.
"Hon, kailangan mong uminom ng gamot para gumaling ka." Pagpupumilit nito ng hindi kumibo ang asawa.
"Honey, may dahilan si Vivian kung bakit niya ginawa iyon. Hindi man natin alam pero nagtitiwala ako sa anak natin na wala siyang masamang intensyon." Paliwanang ni ginoong Del Raga sa kayang asawa na kanina pa nagmamaktol sa sama ng loob.
"At anong dahilan naman ang dapat niyang sabihin?" Galit nitong sinabi sa asawa.
Dalawang araw na ding hindi tumatawag o matawagan man si Vivian at si Rica.
Pero sapat na ang balita para malaman nila kung nasaan si Vivian at ang bunso nilang anak.Ganoon na lamang ang pagka-dismaya ni Mrs. Del Raga nang makita niya sa mga online site at maging sa balita na kasal ni Vivian at ni Jhon Ranzel Hemenez. Naka feature ang cut wedding video nito sa isang site. Napakaraming tao ang nagulantang sa rebelasyon dahil inakala nilang patay na si J.R. Hemenez.
Marami naman ang nag iwan ng hate comments patungkol kay Vivian.
Galit ang maraming nitizens kay Vivian dahil ipinagpalit nito ang matagal na niyang kasintahan na si Randy Hemenez na siyang kapatid mismo ni J.R.Marami naman ang naawa at nagbigay ng simpatya para kay Randy.
Maraming mga hugot qoutes ang nangalat sa social media na may hashtag na #RunningBrideGoesToHisTwinBrother
BINABASA MO ANG
Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZ
Roman d'amourNasa harap niya ngayon ang isang lalaki na pilit siyang pinapipirma para sa legal na papel upang maging asawa niya. Hindi siya makatanggi dahil hawak nito ang kanyang kapatid na babae. Papatayin ito kung hindi siya sa kanya magpapakasal. Ngunit bago...