🖤
SimplyyyyBad
Isang kasinungalingan na papatungan muli ng iba pang kasinungalingan
-anonymous
[Rica's POV]We are now dolled up.
Katulad ng mga damit ko sa bahay, elegante ang pinasuot ni Witch saakin. Inayusan niya din ako pero hindi na niya kailangan pang patungan ng kung ano-ano ang mukha ko dahil talagang maganda naman ako- naturally. Bata pa ang skin ko and I'm glowing on my own. 'Mainggit ka bitch.' I rolled my eyes on her ~ habang inggit niyang tinititigan si ate Vivian dahil kahit anong gawin niya sa mukha nito- maganda parin!
Kulang na lang talaga kulamin niya si ate Vivian dahil yung titig niya kay ate eh parang gusto niyang makuha ang ganda nito. Kung siguro may swap-soul, pinatos na niya kung paano yun.
Tsk. Tsk. Napailing na lang ako lalo na ng tumayo na si ate Vivian mula sa pagkakaupo . Nakatayo rin si Witch sa tabi niya kaya hindi maiiwasang mai-cocompare mo silang dalawa. Syempre boom! Tiklad yong isa. Talbong ang ganda ng ate Vonna ko. Yes, its her nickname but everybody called her Vivian~ it suits her because of her elegance and beauty. Tahimik lamang ang assistant ni witch. Her assistant is a bit older than me pero hindi nagkakalayo ang body statistics namin. Siguro kung tatabunan ang mukha namin parehas ay mahirap mahulaan lung alin ako sa dalawa. Our skin tone is the same. Only her hair and face is different. She has a long straught hair which is exactly the opposite of my curly dyed caramel hair.
I'm sad about ate Vivian's unfortunate wedding, lively talaga siya sati lalo na noong sila pa ni kuya Randy. Ngayon lamang siya naging mapanglaw simula nang mapunta kami sa manor na ito. Isa itong mgandang tahanan ngunit sa pisikal lamang na aspeto. Maganda ito sa paningin ng mga tao ngunit hindi nila nalalaman ang sekretong nakapaloob dito- na isa itong marangyang kulungan para sa aming magkapatid.
Kailangan kong makatakas dito para masabi ko lahat kay kuya Randy ang mga nangyayari. He needs to save my sister. I know he will dahil mahal na mahal niya si ate Vivian.
Paano ba ako makakatakas dito kung puro hudlong ang nakapalibot sa silid ko. To be honest, ngayon lamang ulet ako nakalabas sa pinagtataguan nila saakin. Dinadalhan na lamang ako lage ng pagkain ng mga maid. Maraming mga lugar ang ipinagbabawal na puntahan ko. In short, sa isang silid lamang umiikot ang mundo ko. Nakasara din ang mga bintana at kurtina kaya hindi ako halos masikatan ng araw. Ngayon lamang nila ako pinayagang makita ang ate ko dahil bibisita sila papa at mama. Na-mi-miss ko na din sila pero natatakot din ako na pati sila ay makulong sa malagim na bahay na ito. I will try to act naturally mamaya. Pipigilan ko ang sarili ko na maiyak at magsalita ng katotohanan para hindi sila madamay.
How about my studies?
3 days na din akong hindi nakakapasok. Good thing dahil nakapag finals na kami and nag hihintay na lamang ng semestral breaks. Isang linggo pa dapat ang ipapasok ko bago ang break. Paano pa ako makakapasok kung nandito ako at nakakulong?
May dance practice pa naman kami. Ako ang leader ng dance troop namin. Yes I am a member of a teen dance studio at ang mga dance cover namin ay inu-upload sa YouTube. We have millions of viewers. Noong una nga ay hindi ako pinapayagan ni papa na mag-upload ng mga ganoon dahil daw hindi ako dapat magpakita masyado sa social media. Ending, pumayag narin siya dahil nakikita niyang ito ang happpiness ko. Isa itong fund raising chanel para sa mga batang may disabilities. Lahat ng mga kinikita sa YT at ang mga donations na sini-send ng viewers through PayPal ay napupunta sa mga less previledge child.
Mahilig ako sa mga bata kaya gusto ko ang ginagawa ko. Dalawa lang kaming magkapatid ni ate Vonna. I realized how blessed we are kaya naman tumutulong ako sa mga ganitong charity organization. Lalo akong nag focus dito noong naagasan si mama for our youngest sibling. How I long to have a younger sister or brother pero hindi na ulet nagadalang-tao si mama.
Tinanggap na lamang namin dahil nagkaroon ng complication noong naagasan siya. Iyon na rin siguro ang dahilan kungg bakit biglang naging bugnutin si mama at matampuhin.
Malaki ang salapi na dino-nate ni papa sa charity na ito dahil saakin. Natuwa siya dahil marunong na daw akong mag-isip ng tama. Puro kasi ako gala at porma in my previous years in school.
Mag-wa-one year pa lamang akong kasali ng charity organization na ito na tinatawag na "Dance for Kids". Ako na ang naging lead dancer dahil married na si Katherine, ang dating lead dancer for almost 5 years. Marami ring mga magagandang dancer ang nagmamalasakit na magcover ng sayaw para dito. Maraming sikat na mga YouTuber and nagpapadala ng mga dance cover at inu-upload para sa chanel na ito. Nagkaroon din kami ng dance cover na sama-sama kami literally. It was an amazing experience dahil nakatutulong kami sa mga batang nangangailangan ~ sa pamamagitan lamang ng pagsayaw. This is why I love dancing. Ate Vivian was in charge in our business at siya naman talaga ang magmamana niyon kaya hinayaan na ako nila mama na gawin ang gusto ko. Ate Vonna is 8 years older than me. I am only 16 years old now and she's 24.
Dance studio talaga ang gusto ko tapos may gym, and restaurant. Yan ang plano ko in the future kaya nag-aaral parin ako ng mabuti. Ayoko umasa sa impluwensya na dala ng Del Raga's . I want to make my own name at tatak sa family namin. I want people to see me as a woman who stands for my vision and not because of my family's influence and wealth. Matalino ako at alam ko na kaya kong ma-reach ang mga goals ko. Masaya na sana kaming lahat. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito- this kidnapping na biglang magbabago ng buhay naming lahat.
Alam ko na ilang oras na lamang at makikita ko na sina papa at mama pero may lungkot na bumabalot sa puso ko dahil maaaring madamay sila kung hindi ko pipigilan ang bibig ko. Napaka- honest ko pa naman. Prangka ako at diretsahang magsalita, may pagka-sarcastic talaga ako at hindi ko iyon ikakaila. Ganoon siguro talaga kapag mataas ang IQ, ayaw ng paligoy-ligoy.
Minsan lang talaga ay hindi ko mapigilan ang temper ko. Yan ang negative traits ko na hindi ko pa ma-iwasto.
Napansin ko ang whole body mirror na nasa silid kung saan kami inayusan ni Witch. Lumapit ako at tinignan ko ang aking sarili. Isang batang version ni ate Vonna ang nakikita ko. Alam ko na marami ko pang mararating sa buhay. Alam ko na may maliwanag na future ang naghihintay sa isang talented, ambisyosa at matalinong tulad ko. Ngunit magiging bula na lamang ba ang lahat kung tuluyan akong mapahamak sa lugar na ito? Paano kung papatayin nga ng lalaking iyon ang kapatid ko? Kung gagawin nila iyon- siguradong mawawala rin ako dito sa mundo. Hinding-hindi sila magpapakawala ng witness. That's not a good thing to do ~ at alam kong alam din nila iyon.
Ngayon ko lamang nakita ang sarili ko na malungkot. Naaawa ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para kay ate Vonna. Siya ang mas higit na nag sa-suffer ngayon. She supposed to live a happy life with kuya Rand pero iba ang nangyari. Nakaktakot palang isipin na ang akala mong mala-fairy tale na buhay ay magiging isang bangongot na mahirap mong takasan.
Narinig ko ang tunog ng mga sasakyan sa labas. Bumilis na nag tibok ng puso ko. We need to to brain washed our own mind at isipin na hindi kami kinidnap para maging maayos ang aming pagpapanggap. Agad kong pinahiran ang mga mata ko dahil nararamdaman ko ang pagdaloy ng kalungkutan. Hindi dapat mamula ang mata ko dahil magdududa sila - lalo na si papa na malakas makiramdam. I dried my eyes at once.
Narinig namin ang pagkatok ng pinto.
"Yes?" Sigaw ni Witch.
"Are they done yet?" Dumangaw ang lalaki na nakipagtalo saakin earlier. Tsk. that jerk! May araw din sya.
"Yes they are more than ready-" Ngiti ulet ni Witch na labas ang bente-kwatrong ngipin.
"That's good, they were expected to be downstair in a minute. Their parents arrived already." Sabi niya sa witch. "And oh! little Del Raga, make sure to do everything para hindi ka nila isama pauwi. Tell them you don't want to go home yet. Make them believe that your the one who wanted to stay here with Vivian." Tumingin lang siya saakin saglit."Why?" Tanong ko.
"Because Ranz isn't planning to let you go." At naglaho na ang lalaki na hindi man lang hinintay ang sagot ko.
"Okay ladies, my tasks is done. Now its your turn to do your part." Ngumiti ito bago lumabas ng silid. Tinitigan ko parin ito ng masama at napansin ko na may namamaga itong pimples sa noo. Sumunod na umalis din ang assistant ni witch. She's- I don't know. Parang iba kasi ugali niya. I hope to meet her again- if I could.
Pag-alis ni witch ay may pumasok na mga maid at hinatid kami pababa para hindi kami maligaw dahil sa dami ng silid. Bawat silid ay may nakatagong panganib at sekreto kaya hindi mo gugustuhing buksan at puntahan ang mga ito.
Isa ang napansin naming parehas ni ate Vonna. Nagkatinginan na lamang kami na parang nag-uusap gamit lamang ang aming mga mata.
Wala nang dalang baril ang mga tuxido men. Marahil ay nakatago na lamang ito sa kanilang mga pantalon o bewang. Napakalinis nilang tignan. Wala din ang mga hudlong o mga tuxido men na may mga tattoo sa braso at leeg. Ang pulos makikita ay mga body guard na matitino ang itsura. Tsk. Plinano talaga ito ng maayos para hindi magduda sila mama at papa. Siguro sa ibang mga exit nila muna itinago ang mga mukhang sanggano at hinayaang makipag-usap muna sa mga aso.
Iniwas na namin ni ate Vonna ang aming tingin sa isat-isa. Naiiyak na naman ako pero huminga na lamang ako ng malalim. Sinabi ng maid na diretsuhin na lamang namin ang paglalakad at nasa kabilang pinto na daw ang dining table which means- ilang minuto na lamang at magkikita na kaming apat. This is the real family reunion na baka ngayon ko na lamang maranasan- I don't know if this will happen again- I don't know kung magtatagal pa ang buhay namin.
Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni ate Vonna sa kamay ko bago niya ito pakawalan.
Pumasok na kami sa isa pang pinto at nakita ang mga pamilyar na tao na gusto kong yakapin.
Ang marangyang lugar na ito ay isang makamandag na kweba na puno ng kasinungalingan, panganib, takot at kasamaan.
'Kailan kami makakaalis dito?'💔
BINABASA MO ANG
Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZ
RomanceNasa harap niya ngayon ang isang lalaki na pilit siyang pinapipirma para sa legal na papel upang maging asawa niya. Hindi siya makatanggi dahil hawak nito ang kanyang kapatid na babae. Papatayin ito kung hindi siya sa kanya magpapakasal. Ngunit bago...