43

188 7 0
                                    


[Jonathan POINT of View] Photographer.

(I'll leave first, I'll just send the article through email)
I received an sms. Sino ang sender? I check on my phone and it was from Jennifer. Sabi niya mag c-Cr lamang siya? Yon pala mang-i-Indian na. 

(Wait hindi ka na ba magpapaalam sa Lion?) Pang-aasar ko dito. Porket tapos na ang trabaho niya mang-iiwan na sa eri, wala naman sa usapan na hiwa-hiwalay sa pag-uwi. Iisang Van lang ang dala namin. Medyo matagal din bago ito nag reply.

(I already did) Message nito. Grabe ha nang-iiwan na lang, saan naman kaya siya sasakay? Bakit ko nga ba po-problemahin ang babaeng yoon maabilidad naman yon.

Nakakpanibago lang dahil hindi naman ganito ka- cold mag send ng message si Jennifer. 

(Hey! Are you alright?) Tanong ko.

(Yes) Sagot niya. Napakaikli ha. Samantalang madaldal ang babaeng yon. Ah baka naman nagmamadali lang umalis dahil natakot sa Lion. Interviewin ba naman niya yong taong kasing lamig ng antartica. 

Pero parang may mali talaga. 

I decided to video call.

She declined.

(I'm busy) Reply nito.

(Okay) Reply ko na lamang . Magsesend pa sana ako ng iba pang message pero nagsalita na si Zandra. 

"Nathan- ready ka na?" Tanong nito. Maganda itong si Zandra kahit transgender hindi mo mapagkakamalang lalaki ito dati. 

"Ah- Oo, okay na ba si Mrs. Vivian?" Tanong ko. 

"Yes- tapos ko na ang first theme- wait alalayan ko lang sya papunta dito sa studio." Sabi ni Zandra.

"Sure- " I agreed at inilagay ko na sa bulsa ang phone ko. 

A minute later, kasama na ni Zandra si Mrs. Vivian.

Kasalukuyan kong inihahanda ang camera then I saw this same gorgeous woman na dati-rati ay stolen shot lamang ang kaya kong makuha. 

"Nathan, baka pasukan ng langaw ang bibig mo. Isarado mo naman, nakakahiya ka pre." Ang malagom na boses na bulong sa akin ni Zandra. Kaya naman niyang magboses babae pero sa tuwing gusto niya magsalita ng panglalaki ay kaya din niya. 

I cleared my throat. 

"Si-sige guys simula na tayo.  By the way, you look BEAUTIFUL, Mrs. Vivian." Sabi ko na parang may panghihinayang at pagkaasiwa dahil isa na siyang 'Mrs. Hemenez' as what everyone calls her now around the country.

We started the pictorial at hindi ko maikaila na nahahalata ko ang lungkot sa mga mata niya. Isa akong photographer at alam ko ang iba't-ibang uri ng ngiti. I know the geniune smile, the flirt smile, the evil smile, at lalo na ang fake and awkward smile. Hindi ito maitatago sa Lense ng camera. 

This woman is rarely beautiful but the aura I get from her is sadness and troubled. 

Kahit anong ngiti niya sa camera ay hindi pa rin niya ako mafo-fooled. 

Lumapit sa akin si Zandra ng maramdaman niyang parang may gusto akong sabihin.

"Is everything alright Nathan?" Boses babae na ulet ito.

"To be honest, something is wrong." I said.

"Haha Yes, problema niya na napakaganda niya." Tumawa pa ito.  hindi niya na-gets ang sinasabi ko. Kung sabagay hindi naman siya ang photographer. Make up Artist siya at mahusay siya sa trabaho niya. Maganda nga si Mrs. Vivian pero lalong na-enhance at na-level up ang ito dahil sa masalamangkang kamay ni Zandra. Its just a metaphor. Hindi naman siya Engkanto or Wizzard, talented and knowledgeable lang talaga siya pagdating sa cosmetics.

"Ano pala ang susunod na theme?"
Tanong ni Zandra sa akin. 

"Nasa laptop ko, tignan mo na lang. At wag mo na muna ako guluhin dahil I need to get a good shot." I said. 

"Fine. Basta wag ka masyadong obvious na nagagandahan ka sa kanya. Ewan ko lang kung makalabas pa tayo ng buhay dito. Kita mo naman kung gaano ka- intimidating si Mr. Ranz." Tumawa pa ito ng nakakaloko. Nagbibiro lang naman ito siguro. I know na  dangerous ang asawa ni Mrs. Vivian pero pinadala kami dito ng company and may agreement na naganap kaya hindi naman kami dito trespassing. I need to get a good shot. As a professional , I need to help Mrs. Vivian to feel comfortable para maayos ang pictorial.

"Mrs. Vivian,  why don't you imagine na ako yung taong mahal mo? A-hem, You can look at me the way you look at the person you Love MOST." Paliwanag ko sa kanya. Medyo nagulat pa siya sa sinabi ko pero napangiti din siya. I eventually take a shot of her sincere smile. That's it, I think my words are working. 

She smiled sincerely, dami kong shot na nakuha na maganda. Ngiti pa lang niya matutunaw ka na. Hu! Pahinging tubig guys, madedehydrate ako dito. 

♣♣♣

"Zandra, I'm done- yung next theme naman." I called Zandra. 

"Okay, got it." At inalalayan na niya si Mrs. Vivian pabalik sa upuan nito. Sinimulan na niyang alisin ang ibang highlights sa mukha nito upang palitan ng bagong make up and accessories. Magpapalit din ito ng gown. Para tuloy commercial shoot ng mga clothing lines and brand ang nangyari dahil mala-dyosa ang babaeng ito. Naubos ko ang isang mineral bottle water ng isang inuman lang. Takte! Baka madehydrate ang utak ko. Nakakabihag kasi.

She never fail to amaze me kahit anong theme , talagang may nanalo na. A photographer like me will understand what I mean. Minsan talaga nakasalalay din sa model or patron mo yung shot pero malaking bahagi din ang contribution ng photographer dahil kami ang in-charge sa angle at sa editing. Pero sa sitwasyon namin ngayon, we are equal. Ako yung magaling na photographer at siya naman yung effortless na napaka gandang patron. 

Napakabilis ng oras. 

Natapos namin ang Walong theme. Talagang professional si Zandra, mabilis siyang trumabaho pero quality pa din. Sigurado akong masosold out ang magazine cover na ito.

"Mrs. Vivian, you did Well. Photos are great." I smiled at her as I complement her.

She simply thank me with her smile. Parang matutunaw na ako. 

"Ahem- ah Zandra, please help Mrs. Vivian to change clothes." Sabi ko na lamang kay Zandra. HIndi naman literal na si Zandra ang mgapapalit kay Mrs. Vivian. Mahirap lang talaga ilakad yung gown niya na parang pang run-away gown. 

Proud na proud si Zandra sa ganda ng kanyang art. Makeup is really considered as art. Mahirap kaya mag make up kugn hindi ka marunong at kung wala kang talent and experience. Subrang dami lang talagang experience ni Zandra at mahal din niya ang ginagawa niya since ito talaga ang passion niya. 

"Magligpit ka na rin dahil after natin magpaalam uuwi na tayo- naghihintay na din kasi ang filming team for their documentation." Paalala ni Zandra.  I just nod.

Wala na sila sa studio ngayon. Nandito na ako mag isa at nirereview ang mga picture. Shems! Ayos na ayos talaga, wala kany tulak kabigin. Mahihirapan ang boss ko na pumili dito. 

Nagsimula na rin akong magligpit ng mga gamit na ilalagay sa Van. I turned off my laptops, the lightings and nilinis ang customize studio. Tinanggal ko ang mga gamit na dala-dala ko dito sa mansyon na ito. Wala akong kalat na iiwan dito. 

Naalala ko si Jennifer. Nanakuwi na kaya ang bruhang yon? Bruha ang tawag ko don minsan dahil dire-reto yan magsalita minsan. Pati Boss nga namin minsan napip[ikon na din sa kanya. Pero matalino at magaling naman siya kaya hindi ma-fired ng boss.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa.
(Hey Jenn! Dumaan ka sa office?) I sent sms.

(No) Nagreply agad. Ang-ikli talaga magreply ha. Tipid siguro. 

(Tapos na kami sa pictorial, pauwi na rin kami ni Zandra. Magpapaalam lang kami sa Lion then aalis na din kami) I click send.

(Don't need to talk to the Lion, Just Leave) Sagot niya. Grabe ha parang ibang tao itong kausap ko. Hay Naku ang bruhang yon ano na naman kaya ang trip niya. Baka nagsusulat na ngayon nang article dahil atat na atat naman talaga yun for promotion. 

(Hindi kami katulad mo na basta-basta na lamang umaalis matapos makuha ang kailangang impormasyon. Mag-cecelebrate pala kami ni Zandra tonight, wanna join us?) I click send.

Hindi na siya nagreply. Napailing na lamang ako. 

Naayos ko na ang lahat at kinarga ko na rin ang mga bag pati ang iba pang mga materyales na ginamit. 

"Oh Zandra, paalam na muna tayo and don't forget our plan tonight, kahit magdala ka pa ng ibang friends mo." I said to Zandra na busy din sa pag liligpit ng mga make up at mga kung ano-anupa na may kinalaman sa cosmetics.

"Sinabi mo yan ha, wala nang bawian." Masayang ngiti nito. 

"Nasaan na pala si Mrs. Vivian?" Tanong ko.

"Namiss mo agad eh noh? Anyways nauunawaan ko naman dahil nakakagigil talaga ang mukha niya. Magkano kaya kung mag pasurgery ako na kagaya ng mukhang ganon?"
Pagbibiro nito pero hindi ko alam kung biro o totoo yung sinasabi niya. Maganda na rin kasi  si Zandra kaya hindi na nito kailangan pang magpa surgery ulet. Ang alam ko kasi may surgecy na siya before pero hindi naman buong mukha niya. May ilang detalye lamang na pina-ayos. Siya ang lahat ng gumastos niyon kaya hindi natin siya dapat husgahan. Hindi nga dapat husgahan yung mga babaeng nag papa-plastic surgery dahil hindi naman sila nanghihingi ng pangbayad diba. Its their choice at sila ang nagpapakahirap. 

"Magkano kaya lahat-lahat? I'll have my vacation to Korea next next month-"
Sabi nito. Aba! Mukhang seryoso ah!

"Maganda ka na Zandra, di mo na kailangang gayahin pa si Mrs. Vivian. You have your own charisma.  Iba ka at iba din siya-" Sabi ko na lamang.

"Did you just say na maganda din ako?" Pelyong ngiti ni Zandra.

"Yes." Sabi ko. 

"Okay. And because you said that, hindi ko na kailangang magpa surgery ulet."
 Natuwa  naman ako sa sinabi niya.

"HAHA. Si Jenn nga pala tinext ko na kung sasama siya mamayang gabi pero wala pa ring respond." I informed her.

"Hayaan mo na ang batang yun, busy yun sa pagsulat ng article para sa promotion niya." Nailigpit na ni Zandra lahat ng gamit niya.

"Tara na-" Sabi niya.

"Lets go and meet the Lion." I laughed on my own joke.

"Hindi nakakatuwa." Pagsusungit ni Zandra. Uyy sinusungitan na ako purke sinabihan ko ng maganda. Maganda naman din talaga siya pero yung ganda talaga ni Mrs. Vivian mapapamura ka na lang.

SimplyyyyBad
💔

Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon