48

163 3 0
                                    

🖤
SimplyyyyBad


 BABALA:  Nabanggit sa chapter na ito ang mga salitang 'depression' , 'suiciding' and 'taking sleeping pills.' Be a responsible reader.


♣♣♣

Vivian was not allowed to watch the news at hindi rin ito nakakahawak ng phone. Pero diba ang sabi ng parents niya bago ito umalis sa manor is they have to call them every day para hindi mag-alala ang mga ito. So paanong hindi ito nag-aalala sa kanila ngayong simula ng umalis sila sa Manor ay hindi pa niya nakakausap ang mga ito. Something bothers Vivian.

Hindi kaya pinapatay na din ni Ranz ang kanyang mga magulang? 

Wala nang alam si Voona kung ano na ang nangyayari sa labas ng manor. Kung ano na ang mga pinag-uusapan sa social media. Hindi na rin niya alam kung ano na ang mga trending hollywood movies simula ng ikasal siya sa pinuno ng mansyon na ito. Para siyang city girl na biglang ikinubli sa isang silid na hindi man lang makahawak ng mga gadgets.

Ngayon ay katatapos lamang siyang dalawin ni Bettany. Bettany gave her vitamins dahil hindi malayong magkasakit siya kung patuloy ang pag-iisip sa sitwasyon niya ngayon na nagiging sanhi ng hindi sapat na tulog.

This can also be a cause of depression kaya minabuti ni Bettany na  parating alamin ang kalagayan ni Vivian dahil sa ipinag-uutos na din ng pinuno.

Sometimes, they would give her a sleeping feels kung kinakailangan lalo kung nais nilang makaiwas ito sa suiciding. Wala naman iyon sa ugali ni Voona dahil isang kasalanan ang magkitil sa sariling buhay pero hindi pa rin nagtitiwala si Ranz na hindi ito gagawin ni Vivian. Alam nito kung gaano nito kamahal ang ex-fiance nito. Hindi papayag si Ranz na si Vivian mismo ang kikitil ng sarili nitong buhay. Siya lamang ang may karapatan na wakasan ang buhay nito na nakaayon sa kanilang plano. 

The truth is walang tao ang may karapatan na kumitil ng buhay ng kahit na sino but Ranz is already the prince of darkness at wala na itong kinatatakutan pa. Death for him is a normal thing. Which should be not. 

Another night had come. Hindi pa nila pinapainom ng sleeping feels si Vivian dahil pinatawag ito ng pinuno. 

"Bring her here." Tamad na utos ni Ranz. 

"Yes Boss R." Sagot ng isang tauhan nito. At umalis na sa silid para puntahan kung saan naroroon ang  babae.

♠♠♠

"Justin, the boss ask for her presence." Sabi ng lalaki kay Justin na nagbabantay sa labas ng pinto ng silid kung nasaan si Voona. Nasa loob pa naman si Bettany. Justine opened the door and nakitang akmang papainumin nito si Vivian ng sleeping pills pero pinahinto niya.

"Don't let her take the pills.
" Sabi ni Justin.

"And why?" Nakataas ang isang kilay ni Bettany. Hawak naman ni Voona ang isang basong tubig habang nakaupo sa gilid ng kama. Iniabot muli ni Bettany ang pills kay Voona. Hindi siya nakinig kay Justin.

"I said don't let her take the pills."
Seryosong  sabi ni Justin. Halos mag lilimang araw na din nilang pinaiinom ng sleeping pills si Voona dahil sa nangyaring maliit na aksidente matapos ang gabi ng documention. Nagkaroon ng despededa party para sa mga crew and staff ng documentation film na isinagawa sa mansyon. Naging masaya ang mga ito at labis-labis ang pagpapasalamat sa pinuno ng mansyon. The director agreed na ang i-eeri lamang ay ang scenario na aaprovahan ng pinuno. Kaaalis lang ng mga staff when Ranz's men caught Voona grabing a knife at inakala nila na magtatangka itong magpakamatay kaya hindi na nila ito pinagkatiwalaang mag-isa, kung magiging mag-isa man ito sa pagtulog ay pinapainom nila ito ng sleeping pills upang masiguradong wala itong gagawing masama sa sarili habang walang nakakakita.

"At bakit naman ako susunod sayo?" Pagtataray ni Bettany at patuloy pa ring inaabot kay Voona ang sleeping pills. Tinanggap naman ito ni Vivian. Ano pa nga ba ang magagawa niya. Kung hindi siya susunod sa pinagagawa sa kanya ay kapatid lamang niya ang magsusuffer. 

"Because Boss R ask her presence." Napatigil si Bettany ng marinig ang sagot na ito ni Justin. Parang sinampal siya sa mukha ng hangin dahil sa narinig niya. Bakit pa nga ba kailangan pang tratuhin ni Ranz ng maayos ang babaeng ito kung plano din naman nilang kitilan ito ng buhay? 

"Saan daw ba siya papapuntahin?" Tanong ni Bettany na pilit tinatago ang paninibugho. 

"I don't know." Maikling sagot ni Justin. 

Matamang tinignan ni Bettany si Vivian na nakatingin lamang  sa baso at sa sleeping pills. Pang limang beses na siyang iinum nito ngayon kung iinumin nga niya. 

Sa titig ni Bettany kay Voona ay parang gusto na nitong patayin si Vivian ngayon din. 
'Ang panibugho ay nakapagdudulot talaga ng masamang nasa.' 

kinuha ni Bettany ang sleeping pills kay Voona at ibinalik ito sa maliit na bottle kasama ang marami pang sleeping pills.

"Mrs. Vivian,  we better go." Sabi ni Justin at nauna na itong lumabas sa silid. Naiwan si Vivian at si Bettany sa loob. 

"I just want to tell you that Ranz will never be yours." Matalas ang tingin nito kay Voona na sinyales ng pagbababala.

"He was never mine." Mahinang tugon ni Voona. Sa inasal ni Bettany ay naunawaan na ni Voona na may lihim itong pagtingin sa lalaki na tinutukoy nito. Nauunawaan na niya kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya simula ng bumalik ito from States. 

"Buti alam mo. Dahil hindi ako papayag na mapunta sya sa iba MALIBAN sa akin." At confident na nagmarcha palabas si Bettany. Nakakatakot ang pagiging POSSESSIVE nito. Parang handa itong paghaluin ang tubig at ang apoy sa tindi ng determinasyon. 

Tumayo na din si Voona at lumabas na sa pinto ng silid. Samantalang nandoon naman naghihintay si Justin upang ihatid siya sa lugar na iniutos ng pinuno. 

NAGLALAKAD sila sa hallway ng may marinig si Voona na familiar na boses. 

Kaboses talaga ni Rica, nasa unahan niya si Justin at wala halos tuxido men sa specific hallway na yoon dahil tila saktong pagdaan nila ay magpapalit pa lamang ang ka relyebo ng mga ito.

She run to the door kung saan niya napakinggan ang boses. Naka-lock ito pero pilit niya itong binubuksan. Baka natatakot lamang ang kapatid niya na buksan ito dahil sa marahas na pagpupumilit niyang ipihit ang door knob. Naisip niyang kumatok. 

Then the door opened at bumungad sa kaniya ang mga tuxido men na may mga hawak na baril. Anong ginagawa nila? Teka ano ito? 

Lumingon-lingon siya dahil hinahanap niya si Rica pero wala. Wala ang kanyang kapatid. May dalawang babae na nakaupo sa lamesa at may headphone ang mga ito. May laptop at kita rin ni Voona android phone nila ni Rica. Is this voice phishing? Patuloy pa rin sa pagsasalita ag isang babae na kaparehas ng boses ng kanyang kapatid. Napakagaling nitong manggaya. Then nagsalita naman ang isa pang babae na katabi nito at laking gulat niya ng kaboses niya ang babae. Focus ang mga ito habang may kausap. Kausap nila ang dad and mom niya. It explains everything. Kaya pala hindi nag-aalala ang mga ito kahit hindi niya nakakausap. 

Hindi ba napansin ng mom niya na hindi siya mahilid sa voice call. More on video call  siya pati na si Rica. They should feel something is fishy. Pero madali naman para sa isang Ranz Hemenez ang mag hire ng taong magpapangggap na ako or ng isang mahusay na editor. Or kaya din ba niya ang ...  Napatigil ang pag-iisip ni  Voona nang maramdaman niya na may tao sa kanyang likuran. 

SimplyyyyBad
💔

Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon