Chapter 16 ❤️

303 11 4
                                    

Prepare yourselves for this chapter. Why???................... Dahil mahaba po ang chapter na ito :D

Gusto niyo ng matinding SeStal Kilig Moments? xx

Goodluck sa mga ovaries niyo!!!!

===============================================================================

Ashely POV

Nasa gitna kami ng pagkukwentuhan sa studio ni Lance dahil sa nag away na junior students kanina sa may gym nang biglang........

"kaninong cellphone yung nsa table?" sigaw na tanong ni Stephen. "Kanina pa yung tumutunog, may tumatawag yata"

Nilingap ko kung kanino yun. "kay Kyle yun.." tatayo sana ako para kunin yun pero bigla naman nawala yung tawag kaya naman umupo nalang ulit ako.

Nasa labas si Kyle kasama si Dale at James. Hindi namen alam kung ano ang gagawin nila o saan sila pupunta, basta nagpaalam lang sila samen na lalabas lang muna sila. Walang klase ngayon dahil may meeting ang mga teachers na sa palagay namen ay aabutin ng 3 oras.

Biglang tumayo si Kuya Clyde kaya napatingin ako sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at mukhang may tumatawag sa kanya. Nagpaalam siya saglit kay Zoe na katabi niya at pumunta siya sa may bandang bintana.

Palipat lipat ang tingin ko kayna Yoona na nagkukwentuhan at kay Kuya Clyde na parang seryoso sa pakikipag usap di nagtagal ay bumalik na siya sa kinauupuan niya. Napansin kong naging seryoso siya at parang malalim ang iniisip.

Nang dumating si Kyle, kaagad siyang nilapitan ni Kuya Clyde sa may lamesa na pinagpapatungan ng cellphone ni Kyle kanina at doon nag usap silang dalawa, mukhang nagtatalo pero hindi naman nag aaway.

Maya maya naman ay kay Ivan may tumawag. Hindi na siya umalis pa sa tabi ko. Nakit ko naman na pangalan ni Kai ang nasa screen ng cellphone niya.

"Hello" sabe ni Ivan "Wala naman............. I'll be there"

Tumingin saken si Ivan. "Kaylangan kong pumunta sa hospital"

"Bakit?" tanong ko. "May nangyari ba kay Kiera?"

Umiling siya. "Wala naman, dumating si Dr. Flores, may pag uusapan daw na napakahalagang bagay and i need to be there, yun ang sabi ni Kai." Tumango lang ako.

Tumayo si Ivan at nagpaalam sa lahat na pupunta muna siya ng hospital. Yung dahilan na sinabe niya saken, yun din ang sinabi niya sa lahat.

After 2 hrs.... Biglang nagyaya si Kuya Clyde na umuwi na. Na talagang ipinagtaka ko.

"Sa tingin ko hindi na magkaklase yan...." sabe ni Kuya Clyde. "Kaya, uuwi na kami."

"Oo nga, wala na yan..." dugtong naman ni Lance tapos tumayo. "Buti naman at wala din tayong practice. Makakapaglaro din ng basketball" Lumapit si Lance kay Kyle. "Tara...."

"Hindi muna...." sabe nito. "Aayusin ko kasi yung Monitor ko sa Studio sa bahay, tatapusin ko pa kasi yung kinocompse kong kanta. Next time nalang siguro ako"

Kinuha ko na din ang gamit ko. "Guys, una na kami ha" paalam ko kayna Yoona. "Mukhang may problema yata e....." sabe ko ng pabulong, "Tara na Zoe."

Hinawakan ko si Zoe sa kamay at hinila siya palabas ng kwartong yun. Sunod namang lumabas si Kuya Clyde at Kyle. Tahimik lang kaming naglalakad, kahit sa byahe namen, tahimik lang din hanggang sa maihatid namen si Zoe sa bahay niya. Bumaba pa si Kuya Clyde sa kotse at nagusap sila ni Zoe sa likudan.

Mukhang importante pa yun dahil halos 15 minutes yata silang nag usap. Mukha talagang problemado si Kuya Clyde. Ang huli lang na nangyari ay niyakapn ni Zoe si Kuya tapos umalis kami. Tahimik na ulit hanggang sa makarating kami sa bahay.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon