Chapter 21 ❤️

287 12 1
                                    

Tulad ng huli chapter, baka maikli lang din ito..

TEAM DALE.... Chance niyo ng malaman ang side niya!!

Then POV ni Clyde.............

================================================================

DALE POV

"Gusto kita Dale.... Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero alam ko ang nararamdaman ko.. Maha kita"

Nakatalikod ako kay Ashely ng sabihin niya saken ang mga salitang yan... Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya ng hindi siya masasaktan pero wala akong maisip. Matagal bago ako nakasagot..

"Mas lalong dapat nating umiwas sa isa't-isa."

Nakapikit ako ng mga oras na yun... Pagkatapos kong sabihin ang dapat kong sabihin ay tuluyan na kong umalis. Kahit gusto ko siyang lingunin, hindi ko ginawa dahil baka pag nakita ko siyang umiiyak ay magbago ang isip ko.

Naiintindihan ko si Ivan kung bakit galit na galit siya saken ng mga oras na nakita niya kaming magkasama ni Ashely. Kaya tinanggap ko ang mga suntok niya ng hindi lumalaban. Wala akong pakialam kung mukha ko pa ang mabasag.

Nagstay kami sa detention room for 3 hours at doon napag isip-isip kong tuluyan ng iwasan si Ashely. Kita ko sa mga mata ni Ivan ang galit niya saken. Galit na parang sobra-sobra ang nagawa kong atraso sa kanya. Kahit naguguluhan ako sa nararamdaman ko, kaylangan ko ng iwasan si Ashely dahil sa halip na mapabuti ay lalong lumalala ang sitwasyon.

Nagulat ako ng makita siyang nasa labas ng Detention Room. Pero naawa ako kay Ashely ng habulin niya si Ivan para kausapin. Hindi niya alam ay nasa likod lang nila ako... At nang mapagod si Ashely hindi na niya hinabol si Ivan. Kaya naman hinawakan ko siya sa kamay at isinama sa school park para kausapin at tapusin na kung ano man ang meron samen.

Ilang araw ang nagdaan... Hindi ko nakita si Ashely. Kahit hindi ko tinatanong, nagkukwento si Kyle tulad nalang ng nagalit si Clyde dahil sa ginawa ni Ashely kay Zoe. Sa multimedia room din si Ashely nag i-stay. Nung umagang sinabi ni Kyle na hindi nagbreakfast si Ashely ay nag-alala ako kaya pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain pero wala akong balak puntahan siya. Nakita ko yung dating kasama ni Ashely sa production team kaya pinakiusapan ko itong dalhin kay Ashely ang pagkain at sabihin galing ito kay Kyle.

Pagkatapos noon wala na akong nabalitaan mula sa kanya. Maghapon kaming nagpractice dahil sa mga bagong routines.. Hindi ko ineexpect na may mga pagkakataon ng magkakatabi at magkakatapat kami ni Ivan sa performance. Ramdam kong may tensyon sa pagitan nameng dalawa. Hindi din sumama si Ashely

Huling araw bago ang competition, pinagpahinga kami ni Ms. Alloria.... Nagulat kami ng biglang pumasok si Ashely sa studio ni Lance ng umaga yun pero at the same time, masaya ako na nakita siyang muli lalo na ng kausapin niya si Zoe para makipag ayos. Pero pagkatapos, umalis muli siya... umaasa akong titignan niya ako pero hindi.

Nang dumating ang araw ng competition... gusto ko sanang i-goodluck si Ashely pero mas inisip ko na wag nalang... Nang mag perform siya, pinanood ko lang siya mula sa malayo.. She wrote and composed that song at alam ko ang mensahe ng kanta niya. Kahit papaano ay masaya na din ako na makita siya kahit sa malayo lang pero hindi namen inaasahan na yun na pala ang huling beses na makikita namen siya........

**

"Alam mo pare.... " humigop si Lance ng juice. "Mabuti nalang at sumama ka samen ngayon... Malapit na ulit magbukas ang school year at seriously, tinatamad pa akong pumasok." sabe niya saken.

Biglang sumagaw si Stephen "Mabuhay ang Team Single!" dahilan para mapatawa kaming lahat.

Nandito kame ngayon sa Palau Island para magbakasyon. Matagal na itong nakaplano pero ngayon nalang natuloy.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon