Hanggang sa makarating kame sa studio ni Luke, yun pa din ang usapan namen.
Alam ko kasalanan ko naman. inamin kong alam ko na yun nung mismong araw na sinabe saken. Nagkataon lang na madami talagang schoolworks kaya nakalimutan ko na. Kasalanan ko talaga.
Nandito ko sa may table. Binigyan ako ni Yanni ng isang basong tubig. Sa totoo lang, nalulungkot talaga ako. Lalo na ngayon, galit si Ivan tapos na momroblema lahat sila dahil bukas na ang performance, hindi pa ganoon ka finalize ang kayna kuya tapos ang kayna Ivan, wala pang napa-practice dahil hindi sila makumpleto dahil nga nagpapractice din si Ivan ng soccer.
"Bakit ba si Ivan e nagalit ng ganon?" tanong ni Zinnia. Huli na siyang dumating. "Bakit naman sina Lance na ka group niya hindi nagreact ng sobra?"
"Hindi din naman naten masisisi si Ivan kung bakit siya nagalit. Bukas na yung performance, bukas din ang game niya. Exact date." paliwanag ni Bryan.
"Exact date, but not exact time" sabt naman ni Yanni.
"Magagalit ba si Ivan kung ganon? Syempre hindi." sagot ni Bryan.
"Hindi ko masabing exact time....." singit ni Luke. "Tinanong ko ang ka team niya, ang sabe, 2 PM ang game, 2:30 ang performance"
"Diba, hindi naman kayo ang una. Bukas niyo pa malalaman kung sino ang sunod-sunod na magpeperform. Baka naman makaabot si Luhan." payo ni Callie.
"Sana nga" nagpakawala si Stephen ng malalim na paghinga sabay tumayo. "Ang kaylangan naten ngayon ay hanapin siya at magpractice. Makakabuo tayo within a day"
"Kaya naten?" tanong ni Luke.
"Kakayanin" maikling sagot ni Stephen.
Wala akong ibang nararamdaman kung hindi kahihiyan. Napapailing nalang ako sa ginawa ko. Ang tanga ko kasi, bakit ba hindi ko nasabe? Ang babaw naman ng dahilan ko. Hayyy.
Tumayo ako para hanapin si Ivan. Kakausapin ko siya. Pero pinigilan ako ni Yanni kaya napaupo ulit ako.
"Ash, wag muna." umiiling siya. "Hayaan mo muna si Ivan. Hindi mo kasalanan kung hindi mo nasabe."
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumahimik nalang sa kinauupuan ko.
--
Ivan POV
"Kakaalis lang ni Julius"
"Mamaya pa ang balik ni Sir"
Yan ang sagot saken ng dalawang taong pinagtanungan ko kay kung nakita si Julius at si Coach.
Wala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ok lang saken, kung same day ang game at performance, pero hindi e, same time pa. Kung ako lang sana, walang kaso yun saken, kahit hindi na ko magperform kaso andyan ang mga ka group ko.
Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang game, mahalaga din yun para saken. Problema na naman ito, isama pa ang samen ni Ash. Dahil nabigla ako, nasigawan ko siya. Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa isang bench malapit sa soccer field.
May tumapik sa balikat ko mula sa likuran. "Pare" bungad saken ni Zander paglingon ko.
Umupo si Zander sa tabi ko. "Ok ka lang?" tanong niya. Tumango lag naman ako.