This going to be an Ashely POV... On this chapter, malalaman naten yung nangyare sa kanya after she left her friends, brothers, boyfriend and Dale....
Saan ba talaga siya nagpunta? Alam ba niyang nakita siya ni Dale?
=================================================================
Ashely POV
Nandito ako ngayon sa balcony ng condo-unit na tinitirahan ko ngayon.... Nakaharap ako sa laptop, may katabing isang canned beer at may hawak na notebook..
Humigop ako ng beer pero bigla ko ding naibaba ang lata dahil sa nakita ko sa facebook... It was Yanni and Nathan on their vacation.... and I really missed them so much.
Huminga ako ng malalim... At inaalala lahat ng mga nangyari.... It's been a year and two months since the last time a talked and see them personally.. Kamusta na kaya sila?
I still remember that last performance at MAIS.. Noong nagpaalam ako kay Kyle papuntang rest room, pero hindi nila alam na yun na ang oras na huli nila akong makikita..
Tumingin saken si Zander at nagpatuloy sa pagsasalita... "Jessica is also into that situation before.. You know I love her so much that's why I talked to your Dad but nothing happened. And that's the reason why Jessica get mad at me. Ang gusto niyang mangyari ay gawin ang gusto ng Daddy mo kahit labag sa loob niya at dahil boyfriend niya ako ng mga oras na yun, pinigilan ko siya pero tulad mo, kung anong gusto niya, gagawin niya din.. Nasaktan ako ng mga panahong yun. Kloeh is Jessica's closest friends at noong mga panahong yun, Kloeh is there to be by myside. At first, Kloeh is just a rebound for me, Nang malaman ni Jessica na kami ni Kloeh.. hindi na siya nag iwan pa ng kahit anong salita. Nalaman ko nalang na umalis siya at sa pagtagal, natutunan kong mahalin si Kloeh. Alam kong umalis siya noon para iwasan ako, at ayaw din niyang mag away pa sila ni Kloeh."
"So you're telling me na gawin ko din ang ginawa ni Ate Jessica?" Mataray na tanong ko... "Gusto mong umalis din ako?"
"Hindi ko sinasabing gawin mo ang ginawa ni Jessica, but I think it's a better option.." Mukhang seyoso talaga si Zander sa mga sinasabi niya. "Mahirap makitang nag aaway si Ivan at Dale, at gusto kong bumalik sila sa dati. Pero paano? Kung ikaw ang dahilan ng pag aaway nila. Mahal na mahal ka ni Ivan pero natutunan mong mahalin si Dale at para kay Dale pagkakaibigan nila ni Ivan ang mahalaga."
Tumayo si Zander. "Someday, you'll thank me for telling this to you.." tumingin muli siya saken. "I have to go"
Ang huling pag uusap namen ni Zander ang naging dahilan ng pag-alis ko. Hindi niya ako pinilit pero naisip kong siguro nga ay tama siya.. Naisip ko din na masyado ng magulo ang lahat at pagod na din ako...
Nang oras na lumabas ako ng school ng MAIS naglakad ako ng walang lingon, pumunta ako sa bus stop, sumakay ng bus papuntang airport.. Wala akong dala ni isang damit. Ang taging dala ko lang ay isang sling bag with my passport, wallet ang phone.
Habang bumabyahe papuntang airport ay sunod sunod ang patak ng mga luha ko.. Nagdesisyon na ko at ayoko ng baguhin pa yun. I decided to change my number when i got to airport. After that conversation with Zander, nagpabook agad ako ng flight papuntang California, USA.
Ilang buwan kong pinahirapan ang sarili ko.. Gabi-gabi akong nag iinom, minsan sa bahay at minsan sa bar.. Isinara ko ang buong pagkatao ko para sa ibang taong gustong makipag kaibigan. Umiinom ako mag-isa at uuuwing mag isa. Pero minsan, nangyari saken na nagising ako sa isang hotel... it's when I travel to London dahil nalaman kong nagpunta g U.S si Ivan para hanapin ako.
Nakatakot ako at that time dahil baka pinagsamantalahan ako ng taong nagdala saken dito pero mukhang wala namang nangyare. Nagtaka pa ako ng may dumating breakfast at ang sabi ay bilin daw ito ng taong nagdala saken. Tinanong ko ang front office clerk na naka-assign that day para tanungin kung sino ang nagdala saken pero ang tanging sagot lang saken ay, iba ang naka duty noong gabi kaya hindi niya masasagot ang tanong ko. Hindi din daw ito nag-iwan ng identification card. Nang akmang babayadan ko na ang overnight stay ay mas lalo kong ikinagulat na bayad na pala yun..