Inalis ni Ashely ang mga kamay ko sa magkabilang braso niya "Ano bang gusto mong mangyare?" Hindi ako nakasagot dahil sa tanong niya... "San ka ba galing? Bigla bigla ka nalang sumusulpot?"
"May pinuntahan lang ako..." sabe ko sa kanya at nagpatuloy na muling maglakad. Halatang ayaw niyang pag usapan ang bagay na yun.
Anong gusto kong mangyare? Gusto kong maging tayo.... At gusto kong ibalik ni Tito Steven ang marriage agreement sa pagitan nating dalawa.
Natawa nalang ako sa iniisip ko dahil napaka imposible ng mangyari yun lalo na't ok na si Ivan sa sa pamilya nila. Kung hindi ko lang kaibigan si Ivan, hindi ko hahayaang maging sila ulit.
Matapos kong sabihin ang totoo kong nararamdamn kay Ashely, gumaan ang pakiramdam ko.. At dahil ayaw kong malaman ng ilan o kahit mapansin man lang, mistulang cold pa din ako pagdating kay Ashely when they are around.........
Nagpunta ako ng Singapore kasama si Clyde dahil sa isang business matters.. Pagbalik namen, isang linggo akong naging li-low kay Ashely, hindi dahil busy siya sa pag shu-shoot at pag aasikaso sa ginagawa nilang video kung hindi dahil sa alam kong iniisip pa din niya ang tungkol sa sinabe ko. Kilala ko siya, matagal yan maka move on..
Pero masaya ako ng magkasama kami sa iisang grupo para sa first laboratory na gagawin namen sa baking class.. Hindi ko naman inaasahan na hahawakan niya ang kamay ko ng masugatan ang isa sa mga daliri ko. Nakatingin ako sa kanya ng mga oras na yun dahil yun nalang ulit ang unang pagkakataon na makita ko siyang nag-alala para saken.
"Hindi mo man lang sinabe saken na marunong ka palang mag bake..." ngiting-ngiti na sabe saken ni Luke.
"13 years mo ng kasama si Dale na halos araw-araw pa, hindi mo alam?"
"Gusto mong isuka lahat ng kinain mong cake kanina?" pagbibiro ko kay Luke.
Inakbayan ako ni Luke. "Ikaw naman pare.."
Nasa labas kami ng classroom at mukhang hindi dadating ang huli naming teacher para sa araw na ito. Sakto namang dumaan si Irene...
"Irene..." tawag ni Kyle. "San ka pupunta?"
"May kukunin lang ako kay Ate Jessica.."
Siniko ako ni Kyle.. "Irene... ito ohhh" binigay ko sa kanya yung itinabi naming cake ni Kyle. "Strawberry cake yan."
Kinuha niya ito. "Ahhh. Thanks! Kakainin ko nalang later ha?" she smiled. "Puntahan ko lang si Ate Jessica."
Lahat kami ay nakasunod ang tingin kay Irene... Pareho sila ni Ashely na mataray ang mukha pero ang pagkakaiba nila, si Irene ang lumanay magsalita...
"Kayo ba ni Irene?" tanong ni Lance..
"Hindi...."
"Pero type mo?"
I just smile... Type ko ba si Irene? Oo, sino bang hindi magkakagusto sa kanya... Yung cake? Idea yun ni Kyle para daw magselos si Ashely. But I'am sincere about giving that cake to her.
After about 15 minutes, biglang dumating ang teacher namen para sa huling klase namen...
After Class.. Konting oras lang ako tumambay sa studio ni Lance pero kaagad din akong nagpaalam para umuwi. Nandoon pa sina Ashely at wala akong balak pumunta sa bahay nila ngayong hapon. Nagtext kasi si Tiffany na may mga dumating daw na paperworks mula sa Kuya Drew.
Paglabas ko ng building, kinuha ko na ang susi sa bulsa... Nakita ko si Yeri na naglalakad kasama si Joy, member ng club at classmate niya.
"Yeri" tawag ko dito.. "Uuwi ka na ba? Sumabay ka na.."