"Dale?" di mapaniwalang tanong ni Kyle.
Bakas din sa mukha ni Dale ang pagka gulat. Nakangiting nakipag fist to fist sa kanya si Kyle pero siya, parang wala sa sarili. Bigla siyang tumingin saken pero sa halip na ngumiti ako ay bigla akong umiwas. Nararamdaman kong merong hindi tama.
Tumingin ako kay Kuya Clyde, una ay nakatingin siya saken pero pagkaraan ay umiwas siya.
"Ash..." biglang tawag saken ni Kuya Drew, ang nag iisang kapatid ni Dale. "Long time no see... You look really beautiful just like your Ate Jessica"
Napangiti ako ng pilit. "Tha.. Thank You! Kamusta po?" tanong ko sa kanya pabalik.
nagsalita si Daddy. "Let's have a seat and order first, mukha kasing kanina pa kayo ni Dale"
"Hindi naman Tito Steven, kakarating lang din namen when you arrived"
Dumating ang waiter at binigyan kami ng tigi-tigisang menu. Habang tumitingin ako ng menu ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Dale na kaharap ko. Sa gitna nakaupo si Daddy, katabi naman niya si Mommy sa left side at si Kuya Drew sa right side. Katbi ako ni Mommy, at katabi ko naman si Kyle. Katapat naman ni Kuya Clyde si Daddy.
Seryosong nakatingin si Dale sa menu pero napansin kong hindi siya mapalagay. Panay kasi ang punas niya ng panyo sa forehead niya. Nang maramdaman kong titingin siya saken ay umiwas na kaagad ako.
Nang dumating ang pagkain na inorder namen, nagsimula agad kaming kumain
Napatingin ako kay Kuya Clyde na mistulang walang gana kumain at nilalaro ang pagkain
Si Kyle naman sunod sunod lang ang pag subo na akala mo hindi kumakain sa bahay.
"Don't you like the food Clyde? Tanong ni Mommy sa kanya pero sa halip na sumagot ay umiwas lang siya ng tingin.
"How are you Kyle?" Biglang tanong ni Kuya Drew "I heard from Dale, ikaw daw ang top student ng Middle High"
Siniko ko si Kyle dahil mukhang walang balak siyang sumagot. Nilunok niya muna niya ang kinakain niya. "Hindi naman po, nagkataon lang siguro"
Nagmake face ako ng palihim. Pahumble ang peg ni Kyle e. Nagpatuloy nalang ulit siya sa pagkain.
"Ikaw Clyde?" Kay Kuya na siya nakaharap ngayon. "Kamusta ka na? Bonding tayo next time, just like be used to do before"
Oo nga pala, kung hindi niyo pa alam, naging malapit na magkaibigan si Kuya Clyde at Kuya Drew dahil pareho sila g panganay. Malapit din siya kay Ate Jessica .
"Nasan nga pala si Jessica?" Tanong ulit nito.
"Hindi pa siya bumabalik simula nung umalia siya"
Tumango lang si Kuya Drew at nagpatuloy sa pagkain.
Tulad ng nasabe ko noon, malapit ng family ni Dale sa family namen dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang namen, kaya nung nawala ang mga magulang ni Kuya Drew at Dale, si Daddy ang tumulong sa kanila lalo na sa paghahawak ng bysiness dahil ng mga panahong yun, nag aaral palang din si Kuya Drew. Kaya nga malapit talaga si Dale at si Kyle.
Simula noong nakatapos siya, siya na ang namahala ng lahat ng mga businesses nila. Sa ibang bansa na siya nakatira, at si Dale nalang ang pumunta sa kanya para magbakasyon. Kaya nga nagulat din ako ng makita ko siya kanina.
Kilala ko si Kuya Drew bilang isang mabait ng Kuya tulad ni Kuya Kyle. Alam ko ding kahit magkalayo sila ni Dale ay super close pa din sila. They always support each other.
Nang matapos kaming lahat kumain ay nagsalita na muki si Daddy na mistulang na nahimik kanina.
Akala ko, isa lang itong simpleng dinner para sa aming lahat pero nagkamali ako.........