Chapter 15 ❤️

229 9 1
                                    

Pansamantala ko munang puputulin ang Sestal Moments........... HAHAHAHA pero don't worry guys, nanditio din ang continuation..... Para sa mga Team KriSica, malapit nang bumalik si Jessica...

==============================================================================

Ivan POV

Saturday...

Nandito ako ngayon sa school para maglaro ng soccer. Though wala namang upcoming tournament, nakagawian ko nang pumunta dito every saturday kapag wala akong ginagawa just like today.

Badtrip kasi...... Sino ba namang hindi mababadtrip kapag pumapasok sa isip mong yung girlfriend mo na nakikipagdate sa iba at sa taong tinuring mo pa na kapatid. Hindi ko alam, pero kahit anong paliwanag saken ni Clyde at ni Zander sa text hindi ko magawang intindihin ang sitwasyon ngayon.

Ang gusto ko lang naman isipin ay mahal ko si Ashely at mahal din niya ako. Natatakot lang ako na baka balang araw, mahulog ang loob niya kay Dale kaya nga kahit ayaw kong mag date sila, wala naman akong magagawa. It's her Dad decision at mas masama kung tututulan ko iyon. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din kung paano at ano ang sasabihin ko sa Daddy niya once na nagkita na kami.

Tumabi sa kinauupuan ko si Travis, isang Junior High Soccer Player. "Medyo wala ka yata sa mood ngayon maglaro ahh." umakbay pa siya saken. "May problema?" umiling ako. "Ahhh. Si Ashely yan....." Umiling ako.

"By the way.... Pasabi nga pala kay Ashely, gusto siya makilala nung kaibigan ng girlfriend ko na taga SouthVille"

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tinignan si Travis. "Lalake ba yan?"

Tumawa siya. "Ano ka ba pare? Babae yun.... Performer sa school nila at gusto yata magpacompose ng kanta dahil sa nalalapit na Division Performance."

"Hindi magbibigay ng kanta si Ashely sa ngayon dahil pag nalaman nina Ms. Alloria, baka mapagalitan siya."

"Kunsabagay.... Ang talented kasi ng girlfriend mo, songwriter na, composer pa tapos part pa siya ng production team.. Performer pa."

"Tss.... Kung hindi lang kita kaibigan, iisipin kong may gusto ka sa girlfriend ko."

"Sino bang hindi magkakagusto sa isang Ashely Cordova?" inakbayan muli ako ni Travis. "Pero don't worry pare, wala akong balak agawin ang girlfriend mo besides I'm happy with my girl now."

Bumalik na muli si Travis sa field at ako naman ay umupo pa ng ilang saglit dahil panay ang tingin ko sa cellphone ko. Hinihintay kong magtext or tumawag si Ashely. Kahapon, bago kami mahiwalay, nag hindi muna kami magtetext or tatawag sa isa't isa hanggang hindi pa natatapos ang date nila ni Dale.

Siguro nga, hindi pa tapos kung ano man ang ginagawa nila ngayon.

Tumayo na ko para bumalik sa field pero biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Kai sa screen. Bakit kaya?

"Hello...." sabe ko. "Bakit?"

"Ivan, ang kapatid mo..." halata sa boses ni Kai ang pagkataranta kaya naman kinabahan agad ako. "Nandito kami ngayon sa ospital, masama ang lagay niya.."

"San yan?!"

Nang sabihin saken ni Kai sa kabilang linya kung nasaang ospital sila ngayon ay dali-dali kong inayos ang gamit ko at nagpaalam sa isang Senior High Soccer Player. Hindi ko na idinetalye ang lahat lahat sa kanya.

Tatakbo akong pumunta sa kotse. At bago ako tuluyang umalis ay kumalma muna ako. Pasalamat nalang ako at hindi traffic dahil medyo may kalayuan ang ospital na ito sa pinagmulan ko. Patakbo akong pumasok sa hospital, ni hindi ko na din nararamdaman kung himihinga pa ba ako.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon