Dale POV
"Just style it whatever you want...." Tumawa nalang ang baklang si Bin na siyang naka-assign sa hairstyle naming apat ni Kyle, Gio, Nathan at James. "Pagod ka na kasi... Nakakahiya naman sayo."
"Save the best for last nga diba? And besides, your hair is my favorite.. Lahat yata ng i-style ko sayo bumabagay e."
"Ganyan talaga kapag gwapo.." pabiro kong sabe sa kanya.
"Kaya naman pala lahat yata ng babae dito sa campus e napapalingon kapag nakakasalubong ka.. E bakit ba kasi hindi ka pa sinasagot ni Irene?"
"Irene? We're just friends.. Saan mo naman nalaman na nililigawan ko siya?"
"Ang sweet niyo kaya kapag magkasama kayo..."
"Magkaibigan lang kami." pagka-klaro ko. "May iba akong nagugustuhan.."
"Sino?"
"Bin... Gawin mo nalang ang dapat mong gawin dahil baka mamaya magalit si Ashely dahil ang tagal naten."
"Hindi..." sabe ni Bin. Tinignan ko siya mula sa salamin at napansin kong sa iba siya nakatingin kaya tinignan ko na din ito. "Malabong magalit si Ashely, nandyan si Ivan e." pagpapatuloy nito.
Inalis ko ang tingin kay Ivan at Ashely na magkatabing nakaupo at tila may pinag uusapan. Si Ivan na naman... Kunsabagay, may shoot nga pala kami ngayon para sa music video.
"Kung anong ikinaseryoso ng mukha ni Ashely, siya naman kabilagtaran ng kay Ivan..."
"She always look rude pero mabait naman si Ashely.."
"I know.. May sinabe ba akong hindi siya mabait? Inggit na inggit nga ako sa beauty niya. Kung ganyan lang talaga ang ipinagkaloob na mukha at katawan saken, talagang ako'y ipinagpala na. Maganda na, Sexy pa, Matalino, Talented.. There are no reasons not to like her. Bakit sa dami-dami ng lalaki, si Ivan ang nanligaw sa kanya..."
"Sinong gusto mong manligaw sa kanya kapatid niya or ikaw?" Hinampas ako ni Bin sa balikat. "Masakit yun..."
"Ang sinasabe ko lang naman, bakit hindi siya niligawan ni Gio? Ikaw bakit hindi mo siya niligawan? Gwapo naman si Ivan, bagay sila pero parang mas bagay kayo." Bin smiled at me. "Pareho kasi kayong mukhang rude."
Hindi ko na siya pinansin.. Akala ko pa naman maganda ang sasabihin niya. Pero alam ko naman e, noon pa man, mas bagay talaga kami ni Ashely. Tama naman ako diba?
Pero kahit ganun ang sinabe ni Bin, hindi ko makuhang maging masaya. Paano? Kung hanggang ngayon mahal ko pa din si Ashely. Sinubukan kong turuan ang sarili kong magustuhan si Irene kahit na alam kong parte lang ito ng plano ni Kyle pero kahit anong gawin ko, si Ashely pa din talaga.
Sa pagdaan ng araw, wala akong ginawa kung hindi ang bumalik sa dati... Ang tignan at pagmasdan si Ashely sa malayuan.
"Guys.. NUA requested our group to perform on the opening ceremony. So what do you think we should do?" tanong ni Stephen saming lahat.
"What if katulad nalang last time? Yung si Stephen, James at Nathan.. Pero diba nag solo dance si Ivan nun?"
Nagsalita naman si James. "Mas mabuti siguro kunfng tayo nalang lahat.. But I preffer na may mag solo dance pa din."
"So who's willing? Gio?" Umiling si Gio. "Ikaw Dale?"
![](https://img.wattpad.com/cover/20338866-288-k676698.jpg)