Ashely POV
After ng performance, nagpaalam ako kay Kuya Clyde na hindi ako sasabay na aalis muna ako at hindi muna ako sasabay sa pag uwi. Hindi dahil sa iniiwasan ko si Ivan, meron lang talaga akong gagawing importante.
Pero in my other half, nasaktan talaga ako sa ginawa ni Ivan kanina, bibigyan ko sana siya ng tubig at towel na usually na ginagawa ko after his game, pero nilagpasan niya lang ako. Feeling ko tuloy napahiya talaga ako. Hayyy. Ngayon naiisip ko tuloy na ang babaw niya.
Kanina pag kaalis ko ng studio ni Lance, dumiretso ako sa music room para ituloy ay sinusulat kong kanta. At dahil hindi ako makapag concentrate, pumunta ako sa studio room na kalimitang pinag i-istayan ko para sana pakinggang yung fina-nalized kong kanta. Kumpleto kasi lahat ng equipments and instruments ang school kaya kalimitan inaabot talaga ako ng gabi para lang matapos ko ang mga ginagawa kong kanta.
Nang matanggap ko ang text ni Dayan, student from the other school ay kaagad akong pumunta sa meeting place namen.
"Thank You talaga Ash" sabe ni Dayan ng iabot ko sa kanya ang isang CD. "I'll treat you, ano bang gusto mong kainin,"
"Hindi na. Hindi na" sabe ko sa kanya kasama ang kamay kong umaayaw din. "Gabi na din, kaylangan ko ng umuwi,"
"Sure ka?" tanong ulit niya. Hinawakan niya ko sa braso bago muling nagsalita. "Pang tatlo mo na tong kanta na ibinibigay samen, sana talaga manalo ulit kame."
"Magaling din naman kayo" nginitian ko siya. "Sorry in advance, di kasi ako makakapunta sa competition niyo. Hindi kasi ako papayagan ni Kuya ng pumunta sa school niyo."
Napailing siya. "Kahit kelan talaga, napaka higpit ng kuya mo sayo. Ikamusta mo nalang ako kay Kyle ha?"
Tumango ako at nag paalam na din. Napatingin ako sa oras, 7 lang pala. At dahil hindi naman ako nagmamadali, nag desisyon akong maglakad lakad nalang muna hanggang sa makarating ako sa sakayan. Nagdahilan lang ako kay Dayan, wala talaga akong ganang kumain e.
Si Dayan? Isa siya sa magagaling na perfromer sa school nila May grupo din sila na parang katulad ng sa school namen. Isang Music school din yun kaya prioritize ng school ang iba't ibang music activities. Malapit silang magkaibigan ni Kuya Kyle.
Nagulat nalang ako ng biglang may umakbay saken, muntikan na kong matumba kaya napatigil ako sa paglalakad. "Dale?????" di makpaniwalang tanong ko.
Tumango siya. Inalis niya ang braso niya sa balikat ko at inabot saken ang isang ice cream na dala-dala niya. "Sinusundan mo ba ko?" kaagad na tanong ko sa kanya.
"Tss. Tss" napailing siya. "Hindi. Sadyang malimit akong maglakad dito."
I smirked. "E bakit dalawa ang ice cream mo? Sinadya mo yan ano?"
Tumango siya kaya bigla ko siyang sinamaan ng tingin. "Malayo palang kita na kita, yung may kausap ka doon." tinignan ko yung tinuro niyang lugar na kinatatayuan namen ni Dayan kanina.
Tinanggap ko yung ice cream na binibigay niya at kinain ko nalang din. Umupo kami sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno, halos madami pa ding tao ang dumadaan.
"Taga kabilang school yun diba?" tanong ni Dale. "Bakit kausap mo yun?"
"Ibinigay ko sa kanya yung isang finalized song ko."
"Ahhhhhhhhhhh" mahabang lintanya nya, "Akala ko umalis ka kanina sa studio ni Lance dahil kay Ivan.
Napatawa ako ng bahagya at hinampas siya sa balikat. "Hindi...... Sadyang may kaylangan lang akong gawin."