Chapter 26 ❤️

318 12 1
                                    

Please Guys. Help me to spread the story :) xx

=========================================================

ASHELY POV

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko kay Irene ng makita siya sa harap ng mga bulletin boards sa ground floor ng building. "Wala ka bang klase?"

"Curious lang ako dito..." tinuro niya yung announcement sa bulletin na pinasabe ni Ms. Celine kahapon. Tumingin siya sa wrist watch niya. "Malapit na palang mag cut off ang pagpapasa ng application. Sayang naman"

Pagkasabi niya noon ay walang lingong-likod siyang naglakad palayo. Napaisip ako? Interesado ba siyang sumali sa Arts Society? Saan naman kaya siya magaling?

Tumakbo ako para habulin siya.

"Irene!!" Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Binigyan ko siya ng application form "You want to do the audition? Fill this up.. And I'll wait for it"

Kinuha niya sa kamay ko ang application form, panandalian itong binasa at saka muling tumingin saken... "What?! Ayaw mo? Akin na.." akmang kukunin ko na yun sa kanya ng bigla niyang kinuha ang ballpen na hawak ko.

Kahit naman naiinis ako sa kanya, hindi naman ibig sabihin noon ay pipigilan ko ang mga gusto niyang gawin. Hindi na ako bata para gawin ulit sa kanya ang mga ginagawa ko noon.

First day niya ngayon sa school kaya wala pa siyang gaanong kakilala at sa tingin ko naman sanay siyang mag isa. Hindi pa siya nakikita ng mga kaibigan namen dahil wala ng oras para isama pa namen siya sa studio ni Lance.

"Tapos na ako..." sabe ni Irene. Lumapit siya saken.

Biglang dumating si James at lumapit saken. "Nagpadeliver si Lance ng pagkain.. Pumunta ka na dun right away"

"Sige... Dadalhin ko lang itong mga forms sa production room"

Bigla siyang tumingin kay Irene. "Is this Irene? Long time no see... Why don't you join us later?"

Tumingin saken si Irene na para bang gusto niya ay ako ang magdesisyon para sa kanya. "She'll come..." sabe ko.

"Well see you then... Dadaan lang ako sa faculty"

Naglakad na si James palayo. At ng mga oras na yun kay Irene ako nakatingin. Nakasunod ang mga tingin ng mata niya kay James at mukhang kinikilig siya.

"He looks so squishy"

"Really?" kinuha ko ang application form na hawak hawak niya. "You had a crush on him?"

Nagulat siya sa tanong ko. "Wala..."

I smirked. "Itetext ko nalang si Ate Jessica na sunduin ka dito sa ground floor para isama ka sa studio ni Lance."

Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya dahil kaylangan ko na ilagay ang mga application forms sa Production Room dahil aayusin pa ito ng mga junior members...

Nasa 4th Floor na ako ng building na makita ko si Dale na kausap muli si Yeri at mukhang hindi na naman maganda ang mood ni Dale dahil nagkatingan kame ng panandalian pero mukhang wala na siyang pakialam kung makita ko man sila.

Naglakad na ako para lagpasan sila... Pero narinig ko ang sinabe ni Dale dahilan para balikan ko silang dalawa.

"...You always giving me a hard time... Bakit ka pa kasi dumating? Wala sana akong iniintinding kapatid. Wala ka talagang kwenta."

Tumingin saken si Yeri. "Dale!" kaagad na tawag ko sa pangalan niya.

Tumingin siya at panandaliang nagulat ng makitang nasa likod niya ako. "Sino kayang mas walang kwenta?" mataray na tanong ko sa kanya. Hinila ko si Yeri sa likod ko. At dahil walang balak sumagot si Dale ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Bakit mo ba laging inaaway ang kapatid mo?!"

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon