Ashely POV
My world turn upside down when Dale end our relationship.
I lose my appetite not just only for food but also for going out. Nawalan ako ng ganang mag aral, pumasok at makipag usap sa kahit kanino. I even turned off my phone. Gusto kong mapag isa, at gusto ko lang isipin ay ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Dale.
Somehow, I feel dehydrated dahil sa kakaiyak. There is no explanation on how I feel. I was crying all night, parang paulit ulit akong sinasaksak sa sakit. At may mga pagkakataon na gusto ko ng magpakamatay lalo na ng umalis si Dale.
Huli na ng malaman ko yun, huli na para maabutan ko pa siya.
I wasn't expecting that Ivan will came to our house, especially to my room. He said he wants to talk to me kaya bumangon ako at umupo sa may sofa at ganun din siya.
"I heard what happen to you..."
"And so? You should be happy dahil wala na kami ni Dale." Wala akong pakialam kung galit siya saken or magalit siya lalo sa attitude ko. Wala akong ganang makipag usap.
"Tama ka.. I should be happy dahil pare-pareho na tayo ngayon nina Dale. But you know, I can't dahil hindi ko pala kayang makita na nasasaktan ka." I slowly looked at him. Ano bang gusto niyang sabihin? "I was hurt pero hindi ko dapat hinahangad na may masaktan pa.."
"I don't get your point. Kung pwede umalis ka na dahil wala akong ganang makipag usap kahit kanino." Tatayo na sana ako pero muling nagsalita si Ivan.
"Si Dale.. Aalis siya ngayon para pumunta sa U.S. And he will be staying there for good."
Hindi ko itatanggi na nagulat akong kay Ivan pa mismo nang galing yun pero ang mas ikinagulat ko ay ang pag alis ni Dale. "Why are you telling me this?"
"Dahil gusto kong puntahan mo siya at pigilan.." Lumapit saken si Ivan. He's handing me his car key. "Here is my key.. This is might be your last chance. At nasayo ang desisyon if you'll stop him or you will just let him go."
Wala akong kaalam alam sa balak na pag alis ni Dale. At bakit ngayon ko pa nalaman kung kelan paalis na siya? Bakit? Para lumayo at takasan lahat ng problema.. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit si Ivan pa mismo ang nagsasabi nito saken?
"Why Ivan?" pakiramdam ko ay may papatak na namang luha sa mga mata ko.
"Because I Love You and I'm setting you free."
Sandali kong tinitigan si Ivan.. Kaylangan kong puntahan ngayon si Dale. Hindi pwedeng umalis siya ng hindi man lang kami nagkaka usap. Na hindi namen naayos ang lahat lahat pati na din ang samen. Kinuha ko ang susing ibinibigay niya. Gusto kong yakapin si Ivan pero alam kong hindi na ako pwede magtagal.
Hinabol pa ako ni Irene hanggang sa labas ng bahay pero hindi ko siya pinansin. Binilisan ko ang pagpapatakbo sa kotse hangga't maari. Kaylangan kong magmadali.
Mahigit isa't kalahating oras ang naging byahe ko. Nang makarating ako sa airport hindi ko alam kung saan ko unang hahanapin si Dale. Malaki ang airport, maraming tao at napaka imposible ng mahanap ko pa siya pero kaylangan ko subukan at pilitin.. Dahil kung hindi... Hindi ko na ulit siya makikita pa.
At sa kalagitnaan ng paghahanap ko.. Tinawagan ko si Yeri at nagtanogg ako tungkol kay Dale. Kung hindi ko sinabing nandito ako sa airport, hindi niya sasabihin saken ang pag alis ni Dale. Nalaman kong sila pala ni Zach ang naghatid sa kanya dito at kakaalis lamang nila. Ibig sabihin, nandito pa si Dale at hindi pa nakakaalis.
Muli akong naghanap but in the end.. Wala akong napala. Halos tatlong oras akong umikot sa buong airport pero ni anino ni Dale ay hindi ko na nakita. Halos nanlalambot akong umuwi sa bahay. Nandoon pa din si Ivan and this time nandoon na din silang lahat.